Chapter one awesomes! read this na and i'm sure makakarelate kayo kung may ka MU kayo. this will be my 3rd story , actually 4th kung hindi ko idedelete yung Over Used words pero kasi napagdesisyonan kong idelete na yun , at gumawa ng panibagong story. I'm so inspired these days well , comment , vote and be a fan.
NOTE : Habang binabasa niyo po to paki play yung video sa right side ^_^
----------------------------------------------------------
Ako si Cheska... 1st year college sa FEU , may ka m.u ako sabi kasi nila m.u daw ang tawag don siya nga pala si Gelo De Guzman schoolmate ko , 2nd year na siya isa siyang Business Ad student pero walang kami , walang matatawag na Gelo love Cheska...
MU lang ..... maraming ibig sabihin ang m.u diba?
Malibog na Ugnayan
Malanding Ugnayan
At higit sa lahat.....
Mutual Understang....
Eto yung hindi kayo pero parang kayo. Masaya tong part sa LOVE kasi malaya ka ... Malaya kang gawin lahat ng mga bagay na gusto mong gawin.
Tapos bago ako matulog may natatanggap ako na good night , sweet dreams tapos sa umaga good morning , kumain kana? tapos pag aalis ka may nagpapaalala sayo na mag ingat ka lagi tapos tuwing oras na nag pagkain may mag papaalala sayo na "Uy , huwag kang pagutom kumain ka na"....
May nag babawal sa yo na gawin ang mga bagay na hindi tama kasi ayaw niya na masaktan ka... Minsan nga may tawagan pa kayo sa isa't isa... Minsan ang sweet niya at ganun ka rin sa kanya pero .....
Laging may TANONG na gumugulo sa isip ko......
"Seryoso kaya siya?
"Kami na ba?"
Minsan tumatawag pa siya kasi daw namimiss niya ako ang saya sa side ko grabe ^o^. Kapag lumalabas kaming dalawa may bigayan pa kami ng REMEMBRANCE para daw kahit saan kami pumunta... lagi naming naaalala ang isa't isa. Laging buo ang araw ko pag katext ko siya .... kahti wala na akong load at perang pang load naghahanap talaga ako ng way para lang makareply at makatext sa kanya .... kay Gelo. Diba ang saya? , parang kami na?
Pero I have to face the reality , hindi kami. Pwedeng pwede akong bumitaw kahit anong oras gusto ko , pwede ko siyang pabayaan ng hindi nag papaalam kasi hindi naman kami COMMITTED pero wala eh , mahal ko na si Gelo. Kami yung tinatawag nilang more than friends but less than lovers yan kami ni Gelo..ang sarap sa feeling kaso mahirap ....
NEVER ASSUME
NEVER EXPECT
And......
NEVER DEMAND
Kasi hindi kami at malabong maging kami kasi kahit anong gawin ko , baliktarin ko man ang mundo , mag lakad man ako sa dagat at lumipad walang kami , walang wala. Misan gusto kong magalit kapag binabalewala niya lang ako , magkwento sa mga moments nila ng crush niya but I don't have the right na magalit at mag selos wondering why? kasi HINDI NGA KAMI ...
Saan nga ba ako nakalugar sa buhay niya?
Hindi ko pwedeng ipagsisikan at piliting ipasok ang sarili ko sa buhay niya kasi hindi naman ako sigurado kung may lugar ba talaga ako sa buhay niya baka the more ipagpilitan yung sarili ko the more akong masasaktan...
Hinihintay ko ang text o tawag niya isang araw kasi sanay na ako na tatawag o tetext siya everyday... pero hindi ko naisip na bawal pala umasa , umasa sa wala (cries*) ...
Maghintay sa taong hindi ka siguradong para sayo at mahulog sa taong hindi ka rin siguradong sasaluin ka....
Punong puno na ako ng mga bagay na walang kasagutan at kasiguraduhan.. daig ko pa ang pakiramdam ng BREAK-UP.
Bakit kasi may MU pa?
Syempre hindi naman talaga naiiwasang umasa , mag assume at mag demand at hindi rin pwede na lahat sakit lang ang nararamdaman , may karapatan naman akong lumigaya kahit papano...
Minsan kasi ang iba pinipili nalang ang MU kasi dito sila comfortable , dito sila mas nagkakaunawaan , nagkakilala. Mahirap talaga ipatuloy ang buhay na walang kasiguraduhan sa pag-ibig.
Pano nalang kung hindi ako sanay na wala siya? na wala si Gelo sa tabi ko? na bigla nalang siyang bibitiw? paano nalang kung bigla siyang lumayo at iiwan ako sa ere ng wala man lang dahilan? baka kasi dumating sa puntong...
Hindi naman pala niya ako gusto *deep sigh*
Pano nalang kaya kung ganito nga ang mang-yari? ano kaya ang gagawin ko?. ang taong andiyan lagi sa tabi mo para pakiligin , pasayahin , alagaan at ipagtanggol ka ay wala na sayo? pero wala akong karapatang sumbatan siya kasi di naman niya sinabing "UMASA KA" ...
Wala pa lang madali sa LOVE kailangang paghirapan ang mag sacrifice
MU a.k.a Mutual Understanding
Akala ko madali , mahirap at masakit pala...
-THE END-
----------------------------------------------------------
Thanks for reading
Siguro magiging madalas na ang pag post ko ng mga short stories , inspired talaga ako kay kuya Marcelo eh :). Will post my 4th story as soon as possible kasi marami pa talaga akong ginagawa sa tumblr na pinagkakakitaan ko well sige na bye and stay tuned :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1385235-288-k635953.jpg)