Ch. 01

1.3K 39 7
                                    

"Mga mamshie! Valentines day na bukaaaas! Excited na ba kayo?! Momol time na naman!" Sambit ng FM radio announcer bago humalakhak.

Punong puno na si Bas sa mga Valentines Day greetings na naririnig nya simula pa nung Lunes.

No, hindi sya bitter. Hindi din sya isang hater ng Valentines Day. Heck hindi din sya naniniwalang Walang Forever. It’s just that, gusto din nyang maicelebrate ang araw na yun, not with friends but with someone special. Gusto nyang maranasan makipagholding hands, *coughs* momol at alam mo na. Gusto nyang maranasan kiligin kapag sinabihan sya ng i love you after ng isang sorpresa. Gusto nya, gustong gusto nya. Kaso wala eh. Malas ata sya pagdating sa ganoong bagay. Zero ang bida nyo. Never pa naka score; Zero since birth. Wala tuloy syang ibang magawa kundi, ngumiti na lang pag nakakakita sya ng couple tuwing Valentines Day.

Love has always been something that Bas has been looking for the past 27 years of his life. Sabi nga ng tatay nya, it doesn’t matter if it’s a man or a woman as long as mahal nila ang isa't isa. Yung mom naman nya, napaka supportive sa lahat ng bagay. Ni hindi nga sya pinepressure mag-asawa. Lagi syang sinasabihan na kung saan sya masaya, go lang at kapag nahanap nya na yung sinasabi nilang 'The One' wag na i-let go.

Dahil may pagka feelingero ang ating bida, feeling nya eto na yung tamang panahon para magmahal ang isang Bas Suradej.

At dahil din zero since birth ang kuya nyo, minsan na ding sumasagi sa isipan nya na baka.. baka talagang destined sya to be alone for the rest of his life. Well, kung ganoon nga, hindi naman din masama. Nakakalungkot lang talaga.
.
.
.
.
.
Pinatay ni Godt ang laptop nya para magready papunta sa work. Another boring day; same old routine.

Kinuha nya yung dyaryo sa may pinto ng apartment nya at ihinagis sa loob bago sya tuluyang lumabas. Sinigurado nyang naka lock ang pinto bago sya bumaba.

Ganito naman everyday for him. Gigising ng maaga para mag trabaho, magchat sa kapatid at magulang nya na nasa province. Everyday, same routine nga.

Wala namang exciting sa buhay nya.. Feeling nya nga parang di nya kayang sagutin yung tanong na "what’s the best thing that ever happened in your life" kasi kung tutuusin, wala syang maisip na pweden itugon doon. Or pag tinanong sya na, "If you can turn back the time, when would it be," na sa tingin nya ay sobrang bullshit dahil hello wala namang makakagawa nun sa totoong buhay. Call him pragmatic, but it’s simply the truth.

Pero ang tanong na, "have you ever been in love" had always fascinated Godt Itthipat.

Hindi nya lubos maisip kung bakit love can sweep someone off his or her feet because gravity would never let that happen. Hindi nya maintindihan kung bakit ang isang tao ay kayang mabuhay pang habang buhay na kasama lang ang iisang tao. Hindi nya din maintindihan kung bakit madaming tao ang patuloy na naghahanap ng pag ibig sa maling lugar at oras.

Mahirap para sa isang tulad nya dahil never pa syang naiinlove at sa tingin nya na sa edad nyang 30, he’s afraid that he will never find love.

It seems like the older you get, the harder love is to find.
.
.
.
.
.
Tumakbo si Bas palabas ng kanyang apartment at ibinalibag ang gate sa likod nya. Napatigil sya nang marealize nya kung ano yung ginawa nya. He prepared himself ready to feel the wrath of his landlord.

"Bas! I swear to God malapit na kitang saktan sa ginagawa mo sa gate ko!" Sigaw ng landlord nya mula sa sarili nitong kwarto.

“Sorry, P'Tee pero mamaya na lang ulit tayo mag usap dahil malelate na ako!" Ani nyang pasigaw din, at kumaway sya habang tumatakbo palayo.

Isang malakas na ingay mula sa isang gate din ang umalingawngaw from the other side of the street.

“Jesus Christ, Godt Itthipat! Pag nasira yang gate ko, makikita mo hinahanap mo!”

"Oh shut up, P'Tae! Baka gusto mong itong buong building mo ang iparepair ko once na sumweldo na ko!" Sigaw nya bago tumawa.

"Shiyaaaaaaaa ang aga aga ang ingay nyo!!" Sigaw ng isa pang renter na nagngangalang Kimmon bago sinarado ng malakas ang kanyang bintana.

Godt made his way his way to his right, and then disappeared.

You see, magkatapat lang ang apartment na tinitirahan ni Bas at ni Godt and they've been living at their respective apartments for more than seven years now.

Wala ata sa side nila ang tadhana dahil never nag cross ang kanilang mga landas. Ganito yan, unang aalis papuntang trabaho si Bas, tapos ilang segundo lang si Godt naman ang aalis.

Kung na-late lang sana si Bas ng ilang segundo araw araw, then maybe... maybe makita na nya si Godt.

Eto ang nakakatawa dito sa story na to, yung landlord ni Godt na si P'Tae ay boyfriend nang landlord ni Bas na si P'Tee. Pero wait there's more... Si Kimmon na nakatira sa tabi ng apartment ni Godt ay best friend ni Bas. It just so happen na full na yung building ni P'Tee kaya kay P'tae nag-rent si Kimmon. Pero wait there's still more..... Halos sa araw araw na ginawa ng diyos, laging binibisita ni Bas si Kimmon after nya magtrabaho. Eh katabi lang ng kwarto ni Kimmon yung kay Godt; it’s a wonder kung paanong hindi naririnig ni Godt ang mga halakhak ni Bas mula sa open windows ni Kimmon tuwing gabi. O baka naman naririnig nya pero wala lang talaga syang pake.

Hinintay ni Bas na mag green yung pedestrian light... at sa opposite side ng street, ganun din ang ginagawa ni Godt.

Hindi ito ang first time na sabay silang naghihintay ng green pedestrian lights. This happens every single day.

Finally, nag show na yung green man indicating na pwede na silang tumawid and to Godt and Bas' reflexes, they make their move.

Slowly, they approach each other.

Maybe today’s a new day. Maybe today is the day that they will finally meet each other. Maybe…

Only a couple of feet away, but definitely in eyesight view, konting konti na lang.. pero tumunog ang phone ni Bas. He fished it off his pocket, and then looked at the caller ID. Nang dahil don, he has missed the chance of seeing Godt. Huminto yung phone nya sa pagriring bago pa man nya ito masagot.

"Weird," bulong nya sa sarili nya, "sino na naman kaya yung unknown caller na yun."

Meanwhile, ilang mura na ang inabot ng kawawang cellphone ni Godt mula sa kanya. Paano ba naman, nagloko na naman ito habang ginagamit nya. Sumuko na sya at tinanggal ang battery para irestart ito.

"Ugh! Lagi ka na lang dial ng dial ng kung kani kaninong number! Putcha parang may sarili kang buhay ha! Konting tiis na lang talaga at mapapalitan na kita!" Buntong hininga ni Godt, not minding the people that were looking at him habang naglalakad sya.

Little did Godt know, the phone had dialed Bas' number.

What if agad sinagot ni Bas yung tawag?

What if Godt didn’t end the call so quickly?

What if fate is actually bringing them together, but they just choose to ignore the signs?
.
.
.
.
.
.
T-B-C

Roads That Were Never Meant To Be Crossed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon