Kristine's POVPagdating sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko. Nauna na ako kay kuya, tutal may dala din naman siyang sasakyan.
nagpapahinga ako, hindi ko namalayan 9:00 na pala. Hindi na ako kumain busog ako eh. Makatulog na nga.
*****
Kristoffer's POV
hayyyy, nakakapagod din first day. Kung tatanongin niyo kung bakit magkaklase kami ng kapatid ko kasi pabalik balik ako eh. Minsan absent, nakikipagaway, at nag cucuting kaya pabalik balik ako.
Pero nakita ko kanina si Tyler nakatitig kay Kristine, siguro may gusto yun sa kapatid ko. Matanong nga bukas.
Mabuti pa matulog nalang ako.
*****
Tyler's POV
mag 11 na hindi parin ako makatulog. Iniisip ko parin si Kristine. Malelate nanaman ako nito bukas.
Akala niyo siguro okay lng na malate kasi amin naman yung school pero sinusumbong ako ni mama kay papa kapag hindj ako magattend ng klase o malate. Nakakatakot kasi si papa kapag nagalit.
Makatulog na nga lang
*****
* Kinabukasan*
Tyler's POV
Nandito na ako ngayon sa eskwelahan. 6:30 palang nandito na ako kasi nagtext si Kristoffer kanina sabi niya mag uusap daw kami.
Hindi ko nga alam kung anong paguusapan namin at hindi yan makakahintay mamaya.
Pero okay lang naman kasi makikita ko din si Kristine. Balita ko kasi sabay silang pumapasok kapag umaga.
Pero kapag hapon minsan naglalakad lang si Kristine kasi minsan may pinupuntahan pa siya.
May naisip nga akong paraan para mapansin niya ako. Aasarin ko nalang siya.
Oh. Nandito na pala si kristoffer.
"Ano ba yung sasabihin mo kris.?"
"Tanong lang ha?" Tumango naman ako. " May gusto ka ba sa kapatid ko?."
Hala.anong sasabihin ko neto. Maptapat nalang kay ako.
"Ha? S-sinong k-kapatid?" Bakit ba ako nauutal. Baka mamaya malaman niya yun.
"Sino pa ba ang kapatid ko?" Sabi niya habang nakataas ang kilay.
"H-hindi a-ah" uhgg. kanina pa tong bibig ko eh. Nauutal.
"Oh eh bakit ka nauutal?" Tanong niya saakin.
"Hindi ko nga guto ang kapatid mo!!"" Sigaw ko sa kanya.
"Sabi mo eh" sabi niya at tumalikod na.
Kristoffer's POV
Tinanong ko na kanina si Tyler kung may gusto siya sa lil sis ko.
Bakla man pakinggan. Pero ayaw ko lang kasi na may kahati ako sa atensyon.
Selfish na kung selfish. Kasalanan ko bang ganito ako.
Kristine's POV
Nag lalakad ako ngayon papuntang school nanuna na kanina si kuya.
Parang baliw kanina.
*Flashback*
Kumakain ako ngayon nga may narinig akong footstep mula sa taas. Paglingon ko si kuya lang pala.
"Tine may tatanong ako sayo ha."oo tine yung tawag niya saakin. Yan kasi ang nickname ko. Pero sabi niya may sasabihin siya saakin. Ano kaya yun.
"Ano yung tatanongin mo saakin,kuya?" Tanong ko kay kuya.
"A-ah wala nalang pala. Sige una na ako ha. "
"So maglalakad na naman ako?"
Pataray kong sabi sakanya.
Ayaw kong maglakad ngayon."Oo. Kasi may a-ano pa kami may meeting pa kmi ng barkada. Ah oo yun nga may meeting kami. Sige bye lilsis." Sabi niya at lumabas na .
*end of flashback*
Iniisip ko parin ngayon kung ano yung tatanongin niya saakin sana kanjna.
"Hoy. Tine nakikinig ka ba saamin. Kanina pa kami salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig." Sabi ni angel at nag cross arm.
BINABASA MO ANG
C L A S S M A T E
Roman pour AdolescentsAno kaya ang mangyayari kapag magkaklase silang dalawa? SHE'S BEAUTIFUL HE'S HANDSOME SHE'S COOL SAME WITH HIM SHE'S RICH HE'S RICH TOO SHE HATE HIM HE LOVES HER