Chapter 3

19 1 2
                                    

Natapos na lang yung klase ni Miss Jaymie. Hindi ko pa rin makita si Clein. Saan ba nagpunta ang lalaking yun? Kairita. Alam naman niyang hindi niya kabisado ang campus. Tsk. Nagpapahanap ba siya? Seryoso? Esh! Kainis.

Heto ako ngayon sa garden ng school. Naghihintay na makita si Clein. Baka sa kakaupo ko rito, makita ko siyang dumaan.

"Hey. Amy." sabi ng isang tao na nasa likuran ko. Sino kaya ito?

Nang lumingon ako ay nakita kong si Ace pala.

"Heeey. Ikaw pala. Kanina ka pa diyan?" sabi ko.

Bakit siya andito? Napakakulit talagang isang to oh. Miss ko na agad siya. Ewan anong dahilan. Miss ko lang talaga siya.

Sabay kasi sana kami magbreak time kanina. Ngunit dahil kay Clein, hindi na kami nakapagsabay.

"Nope. Bago lang. What are you doing here?" aniya.

"Oh. Uhm. I'm waiting for Clein to pass by. Simula kasi nung matapos mag usap sila ni Miss Jaymie, hindi ko na siya nakita whole class session." sabi ko.

"Ah. Okay." maikli niyang sagot.

Lumingon ako sa malayo at ngayo'y titig na titig sa napakagandang lugar na nahagip ng mga mata ko.

Isa siyang maliit na hardin na napakaraming magagandang bulaklak. Sinamahan pa ng mga punongkahoy na kay taas taas. For sure napakasarap magstay dun dahil sa napakasarap na malamig na hangin.

"Amy?" ani Ace.

"Yeah?" sagot ko kay Ace.

"You okay?" tanong niya.

"Yeah. I'm just totally amazed by that place." sabi ko sabay turo sa tinitignan kong hardin.

Nakita kong tumanaw rin siya. Ang ganda ng mga mata niya. Hindi pa rin nagbabago ang kislap ng mga ito.

Halata kong nagagandahan talaga siya sa lugar. Nakatitig ako sa napakagwapo niyang mukha nang bigla siyang nagsalita.

"Punta tayo doon Amy. Halika." aya niya.

"Hmm? Sure ka? Teka, anong oras na ba?" sabi ko.

"Oo. Sure at seryoso ako."

"Wag ka na ngang mag-alala. Uwian na kaya. First day of school, remember? Kaya halika na." aya niya.

May plano ba tong isang to? Hmmm.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Hinila niya ako papunta doon.

Nang makalapit kami, nahalata ko ang lalo pang gumagandang view. I am really amazed. Sana sa darating na JS Prom next year, dadalhin ako ng magiging ka-date ko rito pagkatapos ng party sa loob ng school building.

Tulala lang ako sa lugar hanggang sa niyakap ako mula sa likuran ni Ace.

Sobrang gulat ko kasi mula nung naghiwalay kami, hindi na ako nakakatanggap ng yakap na ganito kasarap sa feeling. Yung feeling na, hanggang sa panaginip mo na lang siya mayayakap ng ganito. Pero nangyari na ang matagal ko nang inaasam-asam. Pero ayaw ko ng maulit ang nangyari noon. Noong kami pa, na akala ko'y magiging okay ang lahat pero, sakit lang pala ang natanggap ko. Kasi minahal ko siya eh. Pinagpalit lang talaga namin ang kung anong nasa pagitan namin sa pagkakaibigan. Ang sakit kahit na napag-usapan na namin yun. Lalo pang sumakit nang malaman kong okay lang talaga sa kanya ang mga nangyaring pagbitiw namin.

"Ace?" tanong ko.

"I missed you Amethyst Greisels. My Princess. My Queen. My Baby." diretsong sagot niya.

Can They Be? ( In The Making) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon