Chapter One:
Ang gwapo niya talaga!! Kyaaaaa. >_<
Bakit? BAkit? BAKit? BAKIt? BAKEEEET???
.
.
.
.
.
.
.
Bakit ang gwapo gwapo niya? Ayan tuloy, pinagtitinginan na siya ng ibang mga babae dito.
Aish!! DUKUTIN ko mata nyo eh!! >:(
"Hooooy! Bruhang LIV! Ano na naman yan?? Bakit ganyan ka na namang makatingin? Alam mo kung nakakapatay lang ang tingin, PATAY na lahat ng mga babaeng yun! HAHAHAHA!" sabi ng aking Bestfriend na si Michaela.
"Sana nga nakakapatay ang mga TINGIN. BFF!! Bakit kasi ganito? Bakit kasi isang ordinaryong estudyante lang tayo dito. Edi sana kung POPULAR tayo. Edi sana mapapansin ako ng aking Prince Charming. Edi sana KAMI na!! AISHH!!" T_T
"Alam mo BFF, iba na talaga ang pag-iisip mo. Gusto mo samahan na kita sa Doctor? May kilala ako. Lumalala ka na eh. Magday dream daw ba na Girlfriend ka niya. Adik lang Teh? Adik? Adik? HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!" sabi ng aking Very Supportive Bestfriend. (note the Sarcasm).
".........................."
"Ay nako! BFF! Tara na lang. Gora na tayo! Malelate na kasi tayo eh! Wag mo na isipin yang si Papa Charming mo. BWAHAHAHAHAHA" sabi ni BFF.
"Prince Charming, hindi Papa Charming. Tsssss. Tara na nga! Pag nalate tayo kasalanan mo!"
"Ayyy Teh!! Adik lang?? Kasalanan ko pa? Kung hindi ka sana...." sabi niya.
Hindi ko na siya pinatapos. Tumayo na ako at nagsimula ng lumakad. Alam ko naman na susunod yan eh. Masunuring BFF yan. Hahaha!
By the way, ako nga pala si Olivia Maricris Madrigal. Ang ganda ng pangalan ko no? Pero hindi naman ako ganun kaganda. Tama ng sabihing, NORMAL na ganda. Hindi pangit, hindi din maganda. 3rd year College na ako sa Tooooot University. Kumuha ako ng course na BS Accountancy. At diyan ko nakilala ang aking Bestfriend, si Michaela Martinez. Pareho kasi kami ng course. At parehong pareho kami ng ugali kaya naging super friends talaga kami. :)
Tinatanong nyo kung sino PRINCE CHARMING? Siya lang naman si Christian Marco Tan. Diba pangalan pa lang yummy na. Paano pa kaya pag nakita nyo siya. Pero ASA kayo. Di ko siya ipapakita sa inyo. AKIN lang siya! AKIN LANG! Adik lang eh no? Hanggang pantasya lang naman ako sa kanya eh. Alam nyo ba na siya lang naman ang Captain ng Basketball Team dito sa University namin. Isang gwapo, matalino, mayaman, no! scrath that! SUPER YAMAN. Sila lang naman ang nagmamay-ari ng pinakamalaking company dito sa bansa. Kaya di na din ako umaasa na mapapansin nya ako. T_T
Nakarating na kami sa room namin. Aish! Pagpasok namin umupo na kami agad sa pinakadulong upuan. Know why? Kasi isa lang kaming ORDINARYONG estudyante dito. Kaya minamaliit nila kami. Haaaay. Buhay nga naman. -_-
Dumating na ang Professor namin, Kaya tumahimik na din ako.
"Okay! Class dismiss! See you next time class!" sabi ng aming professor.
Nagsimula ng magsilabasan ang mga kaklase namin. Pero etong si BFF naman! Wala pa atang balak umuwi.
"BFF! Anyare sayo? Tara na! Uwi na tayo." sinamahan ko pa yan ng aking pamatay na ngiti.
^_^
"BFF. May problema kasi ako. Diba naikwento ko naman sayo yung aking hobby na pagmomodel. Eh kasi kinuha yung picture ko nung isang photgrapher. Tapos nakita ko na lang na ipinost niya sa Facebook along with the pictures ng iba pa niyang nakuhanan ng picture." Sabi niya na parang kabado na malungkot. Pero sa narinig ko naman mukhang good news pa nga yung binalita nya eh. Diba? Diba?
"OH!! Magandang balita yun. Diba pangarap mo yung maging model? Ayan na oh! Bakit mukha ka pang pinagsakluban ng langit? Ayaw mo nun, exposure sa Facebook. Hahaha!" Mukhang di siya natuwa. Ayyy Naku naman!
"Eh kasi naman! Alam mo naman diba kung gano kaimportante ito sa akin? Pero I know na kahit hindi pa nagsisimula, Talo na agad ako. T_T" Medyo naguluhan naman daw ako dun.
"Talo agad? agad agad? Talo naman saan?"
"Eh kasi ganito yun, kung sinong pinakamaraming likes ng picture sa Facebook, siyng kukunin nila. Wala pa naman akong masyadong friends sa Facebook. T_T"
"................"
"AHA!! BFF diba tutulungan mo ako? Diba? Diba? Ang alam ko kasi madami kang friends sa Facebook. Diba tutulungan mo ako? Diba? Diba?" tapos ngumiti siya ng nakakaloko niyang ngiti.
"ahmmm. hmmm. eh.. ahmm. kasi.. ahmmm."
"YEHEY! Alam kong tutulungan mo ako. Maaasahan naman kita diba?diba? I love you talaga Sis!!" sabi niya na nagtatatalon pa.
Ayy nako naman! Paano ako makakatanggi kung gana siya! Pero kasi naman! NAKAKAHIYA!! Diba? Sobrang Nakakahiya! AISH!!
"OO NA!!'
Lord!! Tulungan nyo po ako. Ano pong nagawa ko para mangyari sa akin to?
Aish!! OO na! OA na ako. ;P
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~<3
Author's Note:
Chapter 1 is done! ;)
Thank you po sa nagbigay ng oras na basahin ito.
Sorry po kung may mga mali. First time ko lang po kasi.
Maraming Maraming Salamat po. :**
XOXO
<<<Live Life>>>
BINABASA MO ANG
FACEBOOK (Palike. Thank You!!) <3
RomanceWhat will happen when Love found you in the most unexpected time and way??