Chapter Five:
Nagkwekwentuhan lang silang magkakaibigan. Habang ako nakikinig, ngigniti kapag titingin sila. I feel so outcasted. Ano ba itong pinasok ko? Dapat kasi nakuntento na ako na maging crush siya kahit malayo. Hindi ko na dapat siya kinaibigan. Haaaays.
Nagpaalam ako sa kanila. Pumunta muna ako ng CR. Sumasama na ang pakiramdam ko dahil sa alak na nainom ko eh. Babalik na sana ako sa kinauupuan namin kanina. Nang biglang may humarang sa akin.
"Liv?? Ikaw nga! Kanina pa kita napapansin eh, di lang kita malapitan. Kasama mo kasi sina Marco." sabi nitong unknown person na nasa harapan ko.
"Teka. Kilala ba kita?" alam ko medyo harsh ang pagkakasabi ko.
Bigla siyang tumawa. Wow!! Ang puti ng ngipin. Gwapo siya kung tititigan mo.
"Hahahaha! Liv, lasing ka na talaga. Ako to. Si Keith. Kaklase mo. Ang adik mo talaga. Hahahaha."
"Keith?? Ah OO! Ikaw pala yan. Hahahaha. Tara, dun na lang tayo mag-usap sa labas. Ang ingay talaga dito eh. Di ko na keri."
"Anong gusto mo, Party ito eh. Edi sana sa simbahan ka nagpunta kung katahimikan ang gusto mo. HAHAHAHA!"
Pahiya ako dun ah. Nagpout na lang ako sa kanya.
"Tara na nga. Wag ka na magpacute diyan. Baka mahalikan pa kita diyan." sabay hila niya sa akin papunta sa labas, sa may garden. Naupo na lamang kami sa damuhan.
"Alam mo ba na matagal na kita gusto kausapin. Pero mukhang talagang laging wrong timing eh no. Buti na lang nakausap na kita ngayon. Crush kasi kita. Hahahaha!" sinabi niya ang lahat ng iyan ng nakatitig lang sa akin.
Ako naman, iwas lang ng tingin. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Ano ba yang mga pinagsasasabi mo. Adik ka din eh no?"
"OO! Adik nga ako. Adik na adik sayo." ;D
OH MY GOLLY! Naramdaman kong nag-init ang mukha ko sa sinabi niya ah.
"Olivia Maricris Madrigal, can I court you?"
Napatingin ako sa kanya. Is he serious?? Nakikita ko sa mata niya na sincere siya sa sinabi niya sa akin. NapaTAMEME na lang ako sa mga sinabi niya.
"ahhmmm... ano... hmmm... kasi... ehhh." bakit ka ba nagstustutter Olivia. Ayy nako.
Sasagot na sana ako nang..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
FACEBOOK (Palike. Thank You!!) <3
RomanceWhat will happen when Love found you in the most unexpected time and way??