Three

9 0 0
                                    

Pumasok ako sa ballet studio namin binati ako ng mga ibang member na nakakita sakin. Ngumiti ako at tumango lang sa kanila at dumiretso na sa loob ng dressing room.
Nasa harap na ako ng locker ko ng may lumabas mula sa cr. Tumaas ang kilay ko pagkakita ng full blood bitch sa harap ko.
Huminto ito sa paglalakad ng mabungaran ako.

"Anareeze..g-good morning" mahinhin nitong sabi. I rolled my eyes in instant irritation I felt. Hindi ko nalang siya pinansin humarap nalang ako sa locker ko at nilagay ang bag ko saka kinuha ang ballet dress ko.

"I also received an invitation." malakas kong sinarado ang pinto ng locker saka hinarap siya. Napataas ang kilay ko ng mapaatras ito. What? Inaasahan ba niyang sasaktan ko siya? Ingrata.

"What do you want?" mataray kong tanong.
Tumungo ito na nakadagdag ng iritasyon ko sa kanya. I really hate her kind. Pabait baitan kuno. Hinawakan nito ang dulo ng dress na suot.

"G-gusto ko lang sanang i-inform ka na kasama mo ako.Baka-"

"So what? You want me to backed out? tell miss Moriz I can't because you will be there?" I said sarcastically cutting her nonsense speech.
Tiningnan ako nito saglit pero iniwas din agad.

"N-not like that-"

"Then what?"I crossed my arms and leaned on my locker. "Can you friggin' raise your face when I'm talking to you?I don't want people to think na inaapi kita, You bitch" Inis kong sabi.
Agad naman nitong tinaas ang tingin pero hindi rin talaga nakipagtitigan sa mata ko.

"Please..stop calling me names. I-I am not-"matatag nitong sabi pero nanginginig naman ang boses. Ewan ko talaga sa babaing ito. Alam ko sa sarili kong hindi ko pa siya nasasaktan. I mean, Yes. Brutal ako minsan-paglasing- at masakit din akong magsalita pero dahil lang yun hindi ko gusto ang mga taong binibigyan ko nun at paghindi pa talaga tumigil sa nakakairitang bait baitan itong babaitang ito siguradong makakatikim na to sakin. I hate how every time we interacted she will bow her head or show fear towards me. Ni hindi ko nga siya halos pansinin. I hate her una ko palang siyang nakita pero mas nadadagdagan sa attitude na pinapakita niya every time I'm around.
It makes me sick.

"Then stop your annoying attitude in front of me.Pinagmumukha mo akong kotrabida lagi alam mo yun?Tss. Two-faced bitch" Irita kong sabi bago siya linampasan. Bahagya ko pang nabangga ang balikat nito but I dont care. Hindi ko naman sinasadya.

"One.Two.Three..lift your head Mira,there. Arm to your left.."Sumusunod lang kami sa turo ng mentor namin.Isa't kalahating oras kaming nagtagal sa pagiinsayo ng tumawag ng break. Nakaupo ako sa gilid ng may kumatok. Napatingin kaming lahat sa may pinto at nabungaran ang ngiting ngiting lalake. Napataas ang kilay ko sa nakita. Ang yabang lang ng ngiti nito. Tss. Narinig ko ang pagsinghapan ng mga kasama ko.

"Did I disturb you girls?" ngising sabi nito saka tumingin sakin. Pinigilan kong magpaikot ng mata ng taas noo itong naglakad papunta sa'kin. May hawak itong bouquet ng red roses.

"Hey."Ngumisi ulit ito habang nakatunghay sakin showing his killer smile.

"Bulaklak kaba?"Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. I know this. Another corny banat from him.
Ngumiti ito.
" inabot nito sakin ang hawak. Imbis kunin iniumang ko sa kanya ang kamay ko. Agad naman niya akong hinila at maagap na hinawakan sa baywang ng mapatayo ako sa harap nito. Mukhang sinadya pa nitong idikit ako sa katawan nito. Inamoy nito ang buhok ko at ngumisi na naman. Nakakaumay na.

"You smell good. Strawberry." bulong nito. Humiwalay ako at naglakad palabas.
Nagkunwaring busy ang bawat isa ng makita akong sumulyap. Naligaw ang tingin ko sa full blood bitch at nakita ko siyang nakatingin sa lalaking nakasunod sakin.Pinagtaasan ko siya ng kilay ng masalubong ang tingin nito. So, isa din siya sa may crush sa boyfriend ko?

Marked You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon