"Oh? eksakto ka sa hapunan,hija."masayang salubong sakin ni manang Lucing ng salubungin ako nito sa sala. Lumapit ako rito at humalik sa pisngi nito."Good evening,Manang. Oo nga e. But where's everyone?" tanong ko dahil mga katulong at siya lang ang nakikita ko sa malawak naming receiving area.
"Nasa kusina ang mommy mo at aunt Mayet mo.Halika." hinawakan ako nito sa baywang at ganun din ako bago kami naglakad pa puntang kusina.
Naririnig ko na ang tawanan wala paman kami sa bungad ng dining. Naexcite ako ng marinig ang boses ni mommy. She's probably having good talk with her sister.
Humiwalay ako kay manang at nagpatiunang maglakad papuntang dining."Mommy!!" sigaw ko ng makapasok sa dining area. Halos nagtalunan ang dalawa sa sobrang gulat dahil sa pagsigaw ko.
Napahawak pa si mommy sa dibdib habang bahagyang tumalsik ang tubig sa baso ni aunt. Tawang tawa ako sa reaksyon nila."Bata ka!"nanlalaki ang mga matang ani ni aunt.Tumawa lang ako at sinugod ng yakap si mommy. Gigil ko siyang niyapos.
"Ay! mapugto ang hininga ko, bata ka!" saway nito. Kaya bumitaw na ako. Lumapit narin ako kay tita Mayet at humalik.
Nakita kong nagaayos sila ng hapag."Si dad, 'my?"tanong ko ng bumalik sa pagaayos si mommy. Si aunt ay pumasok sa kusina.
"Nasa kwarto. Magpapahinga daw muna saglit." tumawa ito at umiling.
"Matanda na talaga." ngumiti ito sa akin. A smile of happiness. Napangiti narin ako."I'll go upstair. Papasukin ko na siya 'my."paalam ko.Humalik ulit ako sa pisngi nito at lumabas ng dining.
Nagtuluy tuloy ako sa pagakyat at tinungo ang master's bedroom. Kumatok ako ng dalawang beses saka pinihit ang seradora.
"Dad..?"unti unti kong binuksan ang pinto saka isinilip ang ulo. Napangiti ako ng makita ko itong nakahiga sa kama. Nakanganga pa at mahinang humihilik. Daddy ko talaga oh.
Lumapit ako sa higahan at maingat na sumampa. Naupo ako sagilid nito at tumikhim."Bahayy kuboo..Kahiit muntii ang halaman doon ay sari sarii..Singkamas.." Napahagikhik ako ng kumamot ito sa tyan.
"Ang pangit ng boses.."narinig kong sabi nito. Nakapikit parin.
"Daddy!" napasimangot ako.Dinilat nito ang isang mata pagkatapos ang ngumiwi.
"Ah.Kaya naman pala."
Natawa ako. Ito talaga ang namimiss ko sa tatay kong to. Napakamapangasar. Kahit nga si mommy hindi pinapaligtas.Mas lalo akong sumimangot kunwari.Inilahad nito ang kamay ng dumilat na. Ngumiti ito saakin.
"Lapit nga rito ang bunso ko"malambing nitong sabi.Lumapit ako ng nakanguso. Kunwari'y tampo parin.
"Biro lang,bunso. Napakaganda kaya ng boses mo.Mana sa daddy."ngiting ngiting sabi nito.
"Nge.Ayaw ko na pala."ako naman ang ngumiwi.Natawa tuloy siya.
"Wag kanang tumanggi,bunso. Alam kong mas favorite mo akong kumanta ng lullaby sayo dati." Binuntutan pa nito ng tawa ang sinabi.Natawa rin ako.
Hanggang ngayon pala naniniwala parin si dad na gusto ko kapag kinakantahan niya ako sa pagtulog nung bata pa ako. E lagi nga akong subsub agad sa unan pagkumakanta na siya. Gusto ko nalang matapos agad ang pagkanta niya kaya nagpapanggap akong tulog.Mas lalong lumakas ang tawa ko sa naalala.Kawawa naman ang daddy ko."Oh diba ang dali mong matulog nun. Tsaka alam kong lagi mong kinakanta kay Cali at Dwayne ang bahay kubo."proud nitong sabi.Napabunghalit ako ng tawa. Mukhang hindi alam ni daddy na asaran lang namin yun. Tsaka wala akong ibang alam na nakakaasar na kanta liban sa bahay kubo. Feeling ko kasi yun na ang kantang pinaka nakakaasar dahil kapag kinakanta yun saakin ni daddy nun ay asar na asar ako.
BINABASA MO ANG
Marked You Mine
General FictionLove at first sight? When the very first time you saw that person but you can't then take away your eyes on him. When suddenly your heart beats rapidly. Everything went slowmo and you saw colorful hearts everywhere. When you felt the hard to breathe...