This will be a short story. I think. Thank you for reading. Please Comment and Vote. Thank you.
~~~
Prologue
Comparing?
Sanay na ako dyan. Palagi naman eh. Kesyo, bakit hindi daw ako tumulad sa kaniya. Ayoko nga.
Minsan tinatanong ko 'yung sarili ko na 'Pinagsisihan ba ng parents ko na ako 'yung pinanganak nila?'. Parang hindi kasi nila tanggap na iba ako sa mga ikinukumpara. Kasi pati sila ikinumpara ako.
Oh well. Alam ko rin naman kung bakit ako ikinukumpara. Hindi daw kasi ako maganda, hindi matalino, mataba, hindi magaling sa pagsasayaw at pagkanta. Pero 'yung totoo, talented naman ako pero hindi ko ipinapakita, at chubby lang ako at hindi mataba.
Pero 'ni minsan hindi ako nagrereklamo sa kanila. Tanggap ko naman eh. Tanggap ko lahat ng mga negatibo. Wala nga akong kaibigan eh.
Pero, minsan nasasaktan ako. Mukhang hindi nila iniisip na nasasaktan na ako. Tao rin naman ako na masasaktan. Kinikimkim ko lahat ng sakit na ibinibigay nila sa 'kin.
Bakit hindi nila matanggap 'yung AKO? Bakit puro nalang SILA?
Kahit masakit, tatanggapin ko nalang. 'Yan kasi ang nakikita nila sa akin. Tanggap ko na.
~~~
A/N: Relate po ba kayo? Hahaha.
Please vote and comment.