Compared
Chapter 3
Pagdating ko sa bahay, isang nakakunot-noong tao ang naka-abang sa 'kin.
Si Papa.
"SA'N KA GALING?!!" - papa.
"A-ah. Papa. Na-nanglibre lang p-po si Nico. Kaklase k-ko po." - halatang natatakot na ako dahil sa boses ko. Lumapit na ko kay papa tsaka hinila-hila ko na 'yung laylayan ng damit ni Papa.
"BITAW!! PASOK NA!! AT IKAW NA LALAKI KA?!! BAKIT KASAMA KA SA BATANG 'TO?!!" - halata na rin na galit si papa sa kaniyang tono ng pagsasalita.
"Nanglibre po ako. Tsaka wala naman pong masama kapag kasama siya. Bakit naman po?" - Nico.
"WALA!! UMALIS KA NA! AT 'WAG NA 'WAG MO NG LAPITAN ANG ANAK KO!!!"
Umiyak ako ng palihim habang tinatahak ko ang daan papasok sa kwarto ko. Hindi ko napinansin sina Mama at 'yung ibang mga nakasalubong ko.
Pati ba naman ang ka-isa-isang tao kaibigan ko, papaalisin nila sa buhay ko? Wala na nga silang natira sa 'kin kundi ang ipahiya ako at papakialaman ang buhay ko. Sana hindi nalang nila ako naging anak.
Dire-diretso lang ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Mamaya na ako kakain.
Sumagot nalang ako ng assignment ko kahit na hindi ako makapag-concentrate.
"HOY!! VIKTORIEA!! KUMAIN KA NA DITO!!!" Sigaw ng kapatid ko. Oo. Kapatid ko. Actually twin ko.Ako 'yung naunang lumabas sa tyan ni mama pero parang siya kuya. Hindi ako ginagalang ng kahit na sino dito sa bahay.
Diba twins kami? Para ngang hindi eh. Opposite na opposite kami. Gwapo siya, ako pangit. Matalino siya, ako hindi. Basta.
"K." sambit ko nalang at lumabas. Tinungo ko na ang dining table kung saan nandoon na silang lahat.
Umupo akong tahimik at kumuha ng pagkain. Tahimik rin akong kumain. Nang biglang may naalala ako.
"Ahh. Papa. Diba birthday namin ni Vic bukas? Uhm. Pupunta ba kayo ulit sa beach? Ahm. Dito lang naman ulit ako diba? Dito nalang po ako sa bahay. Mag-ce-celebrate nalang po akong mag-isa. Tsaka ako nalang po ang magbabantay dito. Mag-enjoy nalang po kayo." - Pagkatapos kong sabihin 'yun, tumayo na ako at tsaka nilapag ang plato ko sa lababo.
"Ahm. Ma. Punta po muna ako sa taas. Tsaka gisingin nyo nalang po ako 'pag tapos na kayo. At papa. Sorry po ulit." - Tumalikod na ako at sunod-sunod ng nag-landas ang mga luha ko. Pinilit kong maging masaya kahit ang sakit-sakit na. Kasi parang hindi ka kasama sa pamilya.
Ganiyan naman palagi eh. Tuwing birthday namin ni Vic, pupunta sila sa isang beach tsaka iiwan nila akong mag-iisa. Mag-iiwan lang sila ng pagkain para may makain ako rito. Hindi ko naranasan magkaroon ng birthday cake. Kaya ko naisipang mag-ipon para makabili ako. Hindi nga ako nakakain ng kahit isang slice lang. Ganiyan sila. Mas walang pakialam pagdating sa 'kin kaysa sa kapatid ko. Palibhasa, mas matalino. Ang dami ngang awards 'yang si Vic. Ako, ni-isang ribbon nga, wala eh.
Isa lang talaga ang nabiyaya sa 'kin. Ang magkaroon ng magandang boses. Maganda naman talaga ang boses ko. Sinasabi lang nilang sintunado ako kasi hindi ko naman sila pinaparinig ng boses kapag kumakanta ako. Isa lang ang nakarinig sa 'kin. At si Nico 'yun.
Natulog muna ako. Kumbaga, nap lang. Nagpa-alarm ako baka hindi nila ako gisingin. Pagagalitan pa ako bukas ni Papa.
~~~
Nagising ako sa tunog ng alarm. 11:00 pm na. Hindi nga ako ginising. Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Pagdating ko dun . . .
Nagulat ako kasi malinis na ang lababo. Parang hinugasan na ang mga plato. Pumunta nalang ako sa ref at kumuha ng tubig. Pagkasarado ko nu'n. May nakita ako na note. Binasa ko 'yun.
'Magpahinga ka na anak. Hinugasan ko na ang mga plato. - Mama.'
Napa-iyak ako. First time to. Kinuha ko 'yun at hinalikan. Alam kong OA ako pero ang sarap sa pakiramdam eh. Na ma-concern si Mama sa 'kin. Dati kasi hindi lang ako pinapansin ni Mama. Pero kapag titingin ako sa mga mata niya, parang may bahid ng lungkot. 'Di ko alam eh.
Pumunta na ako sa taas. Ang note na dala-dala ko ay nilagay ko sa isang box na palagi kong nilalagyan ng mga bagay na para sa akin ay interesting at importante. Masaya ako kahit isang beses lang.
Natulog na ako. Hayy. Bukas. Ako lang naman mag-isa dito.
~~~
Kinabukasan. Kasalukuyan akong nasa Red Ribbon. Oo. Bibili ako ng cake. Excited nga ako eh kasi first time ulit 'to. At katulad ng inaasahan ko, wala akong nadatnan na ka-pamilya ko kanina
Happy-happy muna ako ngayon kasi birthday ko. Ako lang ulit mag-isang mag-celebrate. Meron akong planong imbitahan si Nico pero nakakahiya naman sa kaniya dahil cake lang ang handa ko.
Nandito na ako sa street ng bahay namin dala-dala ang bili kong cake. Nagulat nalang ako ng may humablot sa cake ko.
"HOOY!! AKIN 'YAN!! CAKE KO 'YAN!!! MAGNANAKAW!!" -Nagsisigaw na ako rito pero wala pa ring humabol sa magnanakaw na 'yun.
Pinaghirapan ko 'yun eh. Bakit ba kasi ang malas-malas ko. Bakit ba hindi nalang ako sumaya kahit ngayon lang birthday ko.
Naglalandas ang mga luha ko. Pumunta akong simbahan. Dun sa may part na magsisindi ka ng kandila. Bumili nalang ako ng 20 na kandila. Sinindihan ko na 'yun at nagdasal. Pumikit na ako.
'Lord. Salamat po dahil binigyan niyo po kami ng kapatid ko ng panibagong taon. Salamat po dahil sa mga blessings na binigay niyo po. Okay lang po na palagi akong iniiwan nila mag-isa sa bahay kahit birthday na birthday ko po. Pero bakit po Lord? Bakit pati ang mga pinaghirapan ko pong makuha o maabot, kinukuha? Ayy oo nga pala. Lahat ng bagay ay may rason. Sige po. Naintidihan ko po. Salamat ulit. Amen.'
Pagdilat ko, isang paniyo na nasa harap ko ang bumungad. Pagtingin ko dun sa bumigay. Si Nico.
Nginitian ko siya.
"Uyy. Haha. Salamat. Di ko alam umiiyak na pala ako. Hehe. Pasensiya na." - Pinilit kong maging masaya. Sa bagay. Lagi namang pilit ang mga ngiti ko.
"Happy Birthday" - First time ulit na may nagsabi sa 'kin niyan. Ang daming first time. Napa-iyak ulit ako.
"S-salamat. Pa'no mo nalaman?"
"Secret. Ako kaya si Coco kaya alam ko ang lahat." - Naglalakad na kami palabas.
"Ohws? Porket bang ikaw si Coco na kilala ko nung bata pa tayo eh alam mo na lahat?"
"Oo. Haha. Lika na. Uwi na tayo. Dun tayo mag-ce-celebrate ng birthday mo."
"Huh? Bakit? Nakakahiya. Wala akong handa. Sina mama at papa kasama si Vic. Punta daw sila ngayon sa beach. Ako lang mag-isa sa bahay." - Inikot niya ako at hinarap sa kaniya. Pinunasan niya ang luha ko na hindi ko namalayan na tumulo na naman.
"Look. Huwag kang mahiya okay? May sorpresa ako. Halika na. Tama na ang iyak. Papangit ka niyan."
"Pangit na kaya ako."
"Maganda ka kaya. Ikaw lang naman ang babaeng pinakamaganda na nakita ko." - I blushed. Ano ba 'yan. Kinilig ako.
"Uyy. Pinakilig mo ako ah." - Pareho kaming tumatawa habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay.
Pagdating namin sa bahay . .
O.O
~~~
A/N: Please Vote and Comment.