Chapter 2

35 2 0
                                    

Compared

Chapter 2

Hinalikan niya ako sa labi.

*Gasps* *Whispers*

Tinulak ko siya at sinampal.

"Yucks! Bakit niya hinalikan ang ugly froglet na yan?" Chismosa 1

"Eww. Anu ba 'yan?! Kadiri!" Chismosa 2

Tumakbo ako papuntang rooftop. Narinig ko siyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

Nakarating ako sa rooftop. Doon ako umiyak ng umiyak. Marami na namang lait ang matatanggap ako ne'to.

Ano ba ang karapatan niya para halikan ako? Kahit ganito ako may karapatan pa din akong respetuhin. 'Yung hindi binabastos.

Mabuti nalang at ako lang mag-isa dito sa rooftop. Kinuha ko ang aking cellphone at earphones. Hindi ako mayaman eh, kaya hindi uso sakin ang headphones at iPod. Nag-play ako ng music. Random lang. Kapag ganito ako ka-emo, nag-sa-sound trip ako. Ang kantang na-play ko ay "You Found Me by Kelly Clarkson". Nasa maximum level

ang volume. Ganyan talaga ako.

Kapag pipili ako ng kanta, 'yung hindi ako natatamaan. Gusto ko 'yung maganda lang ang melody. Sasabay-sabay lang din ako sa kanta. Kapag nag-chorus na, sasabay ako. Pero falsetto lang gamit ko. Ayokong kumanta ngayon ng hindi falsetto. Wala ako sa mood.

(Chorus Part)

~You found me

When no one else was lookin'

How did you know

Just where I would be

Yeah you broke through all of my confusions

You all set the doubt and you still didn't leave

I guess that you stop when nobody could see

You found me

You found me~

And the song continues. Chorus lang ako kakanta. di ko alam ang ibang lyrics.

Nung maramdaman kong hindi na ako nag-iisa, kinabahan ako. Kasi wala talagang nakarinig sa boses ko kapag ako'y kumakanta at ayaw kung may makarinig kahit isa sa pamilya ko man 'yan. Baka kasi laitin na naman ako.

Napatingin ako sa likod. Tama nga ako. Hindi nga ako nag-iisa. Tinanggalan ko 'yung earphones ko tsaka nagsalita.

"K-ka-kanina ka pa ba j-jan?" Kinakabahang tanong ko.

"Oo. Rinig na rinig ko ang pagkanta mo. Grabe ang ganda pala ng boses mo?" Patay ka d'yan.

"A-anong g-ginagawa mo d-dito? Pagkatapos mo kong ... h-halikan sa harap ng maraming tao. Ang k-kapal ng mukha mo." mahina pero galit na aabi ko sa kaniya.

"About kanina. Sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." malungkot na sabi nya. Bakit ba siya nalulungkot?

"At may karapatan akong pumunta kahit saang banda sa school na 'to dahil pag-aari namin 'to." O.o

"Wala ng magagawa anh sorry mo. Dahil nangyari na. Ano nalang isipin ng ibang tao sa akin? Malandi? Tsk. At tsaka, S-sa inyo tong p-paaralan? Weh? Di halata. Tsaka, umalis ka na please."

"Wala akong pakialam sa iba kung anuman ang sabihin at isipin ng iba. Andito naman ako. Pro-protektahan kita. At, grabe ka naman. Hindi ba talaga halata na kami ang may-ari ng school na 'to?"

"Tsk. First kiss ko pa naman 'yun. Hindi na matutupad 'yung promise ko sa kababata ko." mahinang bulong ko.

"Ano? Talaga? First kiss mo 'yun? Wow. At tsaka sinong kababata? Si Coco ba?" Teka. Bakit alam niya?

"Bakit kilala mo si Coco?"

"Hindi mo ba talaga ako naalala?"

"Hindi."

"Sure ka?"

"Ayy. Ang kulet. Hindi nga."

"Tsk. Naman Tori eh. Pati ba naman ang kababata mo nakalimutan mo?" Hala! Weh? Si coco ba talaga 'to? Sa pagkaka-alam ko, payatot 'yun tapos parang nerd na tulad ko ngayon.

"Weh? Sure ka talaga na ikaw si Coco?" Napasimangot siya.

"Gusto mong patunayan ko?" Tumango ako.

"Teka. Sandali."

May kinuha siya sa bag niya. At ipinakita sa akin. O.O Shemballs. 'Yung necklace na ibinigay ko kay Coco nung bata pa kami.

*Flashback*

"Coco. Aalis na kami. Punta kaming ibang bansa. Hindi na tayo magkikita." Malungkot na sabi ko kay Coco. Umiyak ako at niyakap siya.

"Ta-tahan na Tori. 'Wag kang mag-alala. Magkikita pa rin tayo kapag lumaki na tayo. Promise ko 'yan." Sabi niya sabay ganti ng yakap sa 'kin.

"Mag-pro-promise ako sa 'yo Coco. Para magkita ulit tayo. Coco. Paglaki natin, ibibigay ko sa 'yo first kiss ko. At he 'to." May ibinigay ako sa kaniya. Isang necklace na ang pendant ay may pangalan na "ToCoRiCo". Alam kong baduy. May ganyan din ako.

"Meron din ako. Tignan mo para parehas tayo. Pinagawa ko pa 'yan. Haha. Tara. Ililibre kita ng ice cream. Hahahaha."

"Ang takaw mo talaga pagdating sa ice cream. Buti naman at ikaw ang manglilibre. Uhm. Tori. Salamat. Tsaka 'yung promise mo ah? 'Wag mong kalimutan. Tara na."

Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay hindi na kami nagkita pang muli.

*End Of Flashback*

"Natatandaan mo na ba ako? Ako to. Si Coco." Shock pa rin ako. Namiss ko siya.

"Coco!!! Ikaw nga. Shemballs. Miss na miss na kita. Wooh. Buti naman at nag-iba kana. Gumwapo ka na. Haha." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Bolera. Oh. Asan na 'yung promise mo?"

"Huh? Ogag! Kinuha mo na! Kanina pa. Buwiset ka. Tara. Libre mo kong Ice Cream.!" Masiglang sabi ko sa kaniya.

"Wala ka pa ring pinagbago. Matakaw ka pa rin sa Ice Cream. Tara. Mag-cutting tayo."

"Tara. Hahaha. Yes. Ice Cream, Here we come!!" Tatawa lang kami hanggang sa makalabas kami sa School. Andali lang talaga ma-uto ang guard. Basta may pera ay go-lang-ng-go. Haha.

Pumunta kaming mall. Una kaming pumasok sa Ice Cream Shop. Nag-order na kami at nag-intay.

"So, Tori. Kamusta ka na?" pagsisimula niya.

"He'to. Okay lang naman. Pero may dala pa 'ring saki--" Natikom ko ang bibig ko. Nasobrahan ako.

"Anong ibig mong sabihin? Ikinukumpara ka pa 'rin?" Naiiyak ako. Kinagat ko nalang ang lower lips ko para mapigilan ang iyak ko. Pinilit kong ngumiti.

"'Wag mo na 'yung intindihin. Wala lang 'yun."

"'Wag na nga nating pag-usapan 'yan. Nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan." Napatingin ako sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?

"Here's your order ma'am, sir." Todo pa-cute naman ng babaeng waiter sa kasama ko. Ipapabomba ko 'yang mukha mo eh.

"Kainin mo na 'yan Tori. Alam kong paborito mo 'yan." Ngumiti lang ako sa kaniya.

Pagkatapos naming kumain, gumala muna kami. Pagtingin ko sa relos ko, 6:37pm na pala. Patay talaga ako ne 'to kay papa.

"Uhm. Coco. Uwi na ako. Patay ako kay papa. Late na ako ng uwi."

"Ihatid na kita."

"'Wag na Coco. Makaka-abala pa ako. Una na ako."

"No. I insist. Tara. Para mas mapadali ang uwi mo." Umoo nalang ako at sumakay na sa kaniyang kotse.

Pagdating ko sa bahay, isang nakakunot-noong tao ang naka-abang sa 'kin.

Si Papa.

~~~~~

A/N: Sorry po dahil iba ang napost ko. Hihihi.

Compared (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon