Nandito ako ngayon sa SM Mall dito ko na lang sinabing magkita kami para isang sakayan na lang at para tipid na ron sa pamasahe petsa de peligro ngayon eh wala pa akong sweldo sa pinagtatrabahuhan Kong printing shop. Sakto namang linggo ngayon sarado yung shop kasi family day nung may ari kaya parang ang labas day off ko rin. Nga pala di pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Shackenaiya dela Merced "Naya" for short ewan ko dyan Kay mama bat yan pinangalan saken. Kesyo nung pinanganak daw ako eh lumindol siguro naalog ang utak kaya yun ang naipangalan. Hindi kami mayaman hindi rin mahirap kumbaga katamtaman lang 3 beses makakain sa isang araw at nabibili rin naman kung may hingin. Dahil isang teller sa bangko si papa at nurse naman sa ibang bansa si Kuya. At yung gwapong palaka kanina ay ang best friend ko si Jace Martin Buenaventura, oh diba pangalan pa lng mabango na ;D
Bata pa lang kami magkakilala na kami dahil magkapitbahay lang kami sa village at high school best friend din si mama at mommy nya.
"Hoy! Lutang Ka na naman" nabigla ako ng may pumitik sa harapan ng mukha ko. "Martin naman! Bat Ka nanggugulat."
"Hindi kita ginulat lutang Ka lang talaga." He tsked. "Halika na nga mamili na tayo ng magandang pangregalo Kay Annika. Ano bang maganda? Stuffed toy? Bulaklak? Chocolate?" Heto na naman sya walang katapusang Annika. Jace, hanggang kailan ba ako maghihintay na mapansin mo? Takot naman akong umamin dahil baka pagtawanan mo ako o di kayay masira ang pagkakaibigan natin at layuan mo ako.