Part 1.

770 8 0
                                    

(Rizza's POV)

Bumangon ako mula sa pagkakatulog. Araw nga pala ng enrollment ngayon. Kailangan ko nang kumilos at mag ayos ng sarili.

Dumiretso ako sa banyo at nag hubad. Habang naliligo, rinig kong tumunog ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung sino yung pumasok dahil nasa loob ako ng banyo.

"Ma?" Pahulang tanong ko.

"Anak natransfer ko na sa credit card mo yung pera mo galing sa daddy mo ha. At sinama ko na rin yung bigay ko sayo. Bumili ka na mamaya ng gagamitin mo sa school." Sabi ni mama.

"Ok. Thanks." Sagot ko.

Narinig ko ulit ang tunog ng pinto. Mukhang lumabas na si Mama sa kwarto ko. Lumabas narin ako ng banyo dahil tapos na akong maligo.

Nagbihis ako at bumaba para kumain.

"Anak kaya mo na ba?" Nag aalalang tanong ni Mama habang magkaharap kaminh kumakain sa mesa.

"Of course Ma. Just relax, magpahinga ka lang dyan habang nandito ka sa Pilipinas. Next month babalik ka na sa America, uuwi ka na kay Dad. So samantalahin mo bakasyon mo. At saka college na ang ieenroll ko kaya kailangan ko nang matutong mag isa." Sagot ko kay mama.

"E anak bakit ba ayaw mong sumama samin? Why don't you try to study there? In America?" Tanong ulit ni Mama. Ako lang kasi ang nag iisang anak nila. And ako lang din ang naiwan dito sa Pilipinas. Both of them are working and living in America.

"Ma, ilang beses kong uulitin na ayaw kong pumunta dun? Hindi ko pwedeng iwan ang pets ko dito. And also si Marry, alam mo naman na s'ya lang ang pinagkakatiwalaan ko bukod sainyo ni Dad. S'ya lang nakakatagal sa ugali ko. At siya lang ang nakita kong totoo." Sagot ko kay Mama.

"Well, kung pets mo lang naman, pwede natin silang kunan ng magbabantay sakanila. At mayron kaming kaibigan nang Dad mo na veterinarian, pwede ko silang tawagan at ipacheck ang pets mo anytime." Sagot ni Mama.

"Oh, and about Marry, natatakot ka dahil baka wala ka nang makitang ibang katulad niya? Just learn to trust again anak. Hindi porket may nagbetray sayo dati e ganon na lahat ng tao." Sabi ni Mama. Partners in crime kami nyan kaya alam namin ang iniisip ng isat isa.

"Well, ma, kung iba ang mag babantay sa pets ko, we can't make sure if they eat properly. At hindi sila sanay na iba ang nag kacuddle sakanila. Nakita mo bang may nakahawak sakanilang maids natin kahit isa? Wala diba? At kay Marry, ayoko talaga Ma. Hindi ko na kayang mag tiwala ulit. Kuntento nako sa isa. Kuntento nako kay Marry. Anyways, good bye na Ma. Mag eenroll nako." Pag papaalam ko kay Mama pagkatapos kumain.

"K. Fine. Ingat ka anak. Wag kang tatanga tanga sa daan ha." Hahaha loko tong si Mama.

Sumakay ako ng kotse at bumyahe papuntang school.

--At School--

Bumaba ako ng kotse upang pumasok sa school. Wala akong kilala kahit isa. Mahirap pala pag college na. Masyadong malawak yung school.

I Fell Inlove With My Bestfriends (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon