Part 3.

513 5 0
                                    

Nakatapos nakong mag enroll pero di ko parin nakikita si Marry. Napag isipan kong itext sya habang naglalakad palabas ng school.

'Marry, nasan ka? Puntahan mo ko dito sa l---'

*Booogsh*

At may bumunggo nanaman sakin sa pangalawang pagkakataon. Pareho kaming hindi natinag. Ni wala kahit isa saamin ang naalis ng pwesto kahit malakas ng pwersa ng pagkakabunggo namin. Laking pasalamat ko na lang dahil tigasin akong babae. Hindi ako basta bastang natutumba kapag nabubunggo.

"What the heck?" Galit na sigaw ko at agad na tumingala upang makita yung mukha nang bumunggo saakin. Geeezzzz! Sya nanaman!

"Do you guys believe in the red string of fate?" Biglang may sumulpot na lalaking nakasalamin na mukhang seryoso at sinabi yan. Bagong kasama siguro nila. Tanging si Joshua lang ang pasimpleng natawa sa sinabi nya.

"Rizzaaaa!" Pasigaw na tpawag sa akin ni Marry at agad ko naman syang nilingon. Buti nakita nya ako kahit di ko pa nasend yung message ko. What a very good timing? Agad syang lumapit samin.

"So Rizza pala ang pangalan mo?" Tanong ni Josh. Inirapan ko lang sya at ibinalik ko ang tingin ko kay Marry.

"May bago ka na palang kaibigan ha. Di mo sinasabi sakin." Patampong sabi ni Marry sa akin.

"What the f*cking hell? Sino namang nagsabi sayong kaibigan ko sila?" Inis na sabi ko. Hinaltak ko na sa kamay si Marry palabas ng school.

((Joshua's point of view))

"Grabe bro. Sya lang yata yung bukod tanging babaeng nakausap natin na hindi manlang tinablan ng charisma natin." Sabi ko kila Van at Zach.

"Yup. That's why we need to get her fall in love with one of us." Sabi ni Van.

"Oo. Magpustahan tayo. Liligawan natin sya at mag kukunyaring nag kokompitensya para mapasagot sya." Sabi naman ni Zach.

"And what would be the prize?" Tanong ko.

"Very simple, yung dalawang matatalo, magbibigay ng tig 500k sa mananalo." Napaisip naman kami ni Zach sa sinabi ni Van. Kung kay Van lang e hindi problema to dahil parehong may sariling company ang parents nya. Samantalang kami ni Zach e kasosyo lang ng Daddy nya ang parents namin.

"Ano bro? Deal?" Mayabang na tanong ni Van na para bang siguradong sigurado na sya na sya na talaga ng mananalo sa pustahan.

"Deal." Sabay na sabi namin ni Zach.

"Bros, we all knew that this is just a game. We must not break our years of friendship just because of 1million pesos." Bilin ni Van.

"Shempre naman Bro." Siguradong-sigurado na sagot ko. ko.

"Ofcourse bro." Walang emosyon namang sagot ni Zach.

I Fell Inlove With My Bestfriends (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon