Part 7.

359 5 0
                                    

"E pano na yan Josh? Puro dugo na tayo? Wala kong dalang extrang damit. Pagnakita ko ni mama na may dugo baka himatayin yun." Tanong ko kay Josh habang nasa VIP seat.

"Tara muna dun sa bahay may damit dun." Sagot nya habang ngdadrive ng kotse. Iniwan na mamin si Angry bird dun sa parkinglot. Grabe 8pm ang uwian pero 10 ndi pako nakakauwi.

"Ha? Wala ka namang kapatid na babae a? Saka mataba saken si tita Daisy." Sabi ko sakanya. Si tita Daisy? Sya yung mama ni Josh.

"B-basta! Sakto lang yun sayo!" Sagot naman nya."Kung di ka tumaba. Hahaha" Pang aasar na dugtong nya.

"Okay. Bilisan mo mag drive! Anong oras na!" Sermon ko salanya.

"Opo boss" pang cute na sagot ni josh.

"Good dog. Sa NLEX na tayo dumaan." Iniabot ko sakanya yung P100. Kinuha nya ng slow motion tapos....

Biglang binato sa muka ko.

"Tae ka! Ano bang problema mo?" Sigaw ko sakanya.

"Wala lang. Labyu." Sagot nya gamit ang malambing na tono.

"Ulol. Labyu mo paa mo." Sagot ko. Pafall lang dre? Binuksan nya yung bintana ng kotse nya upang magbayad sa cashier ng NLEX.

"Aaaaaahhhhh!!!! G-guard!!" Sigaw nung babaeng nagbabantay sa cashier.

"Patay" Sabay naming sambit ni Josh habang nagkatitigan sa isat isa. Nawala sa isip naming duguan nga pala yung damit namin.

Agad namang lumapit yung guard samin at tumawag sila ng pulis.

At ayun, dinala kami sa pinakamalapit na Police station. Dinala daw kami dun upang imbistigahan.

"Okay Hija, maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung saan galing iyang dugo sa damit ninyo? Pwede mo bang ikwento saamin ang nangyari?" Sabi nung pulis na parang buntis dahil sa laki ng tyan na nakaupo sa harap namin.

"Muntik na nya akong marape." Tanging sinabi ko. Syempre para may thrill. Pero I admit naman na medyo kinakabahan talaga ako.

"Siya?" Sabay turo ng pulis kay Josh.

"Hindi." Iniabot saakin ni josh yung picture ko nung binugbog ko yung lalaki at ipinakita ko ito sa pulis. Agad na nagtawanan yung iba pang  mga pulis dahil pinakita niya ito sakanila.

"Imposible. Sa ganda mong iyan nagawa mo ito sa malaking lalaki? At ikaw iho, ano namang ginawa mo? Bakit parang umasta ka yatang photographer sa isang action movie? Hahaha." Sabi nung kaharap naming pulis. Nakita ko ang biglang pag tikom ng kamao ni Josh at agad na ngumiwi ang mga panga niya kaya naman hinawakan ko ito upang ipahiwatig na kumalma lang siya. Agad namang umamo ang mukha niya.

"Dumating sya nung pagod na ako at tapos ko nang mabugbog yung lalaki. Dahil nga madilim sa parking lot, ginamit nya yung flash ng camera para makita kung ano ang meron. So ayun, ihahatid na nya dapat ako sa bahay ko." Maikling pagpapaliwanag ko.

"Ano ba ang relasyon nyong dalawa?" Tanong niya.

"Girlfriend ko sya." Mabilis na sagot ni Josh.

"BESTFRIEND ko SIYA." Sagot ko ng may diin.

"Umm.. okay okay" naka ngising sabi ng pulis. "Balik tayo sa pambubugbog mo. Hindi parin ako nakukumbinsing ikaw ang gumawa sakanya niyan." Sabi nung pulis.

"E ako yung testigo. Kung ayaw nyo talagang maniwala, baka gusto nyong idemo nya sainyo." Sagot ni Joshua. Nako naman Josh!! Tinignan ko sya ng masama sa mata ngunit tumango lang sya at nag "go" look.

"Mabuting ideya. SOLOMON!!! Halika rito. Eto na ang pagkakataon mong magpasikat." Sabi nung pulis. Pumasok naman yung tinawag niyang Solomon sa kwarto kung saan kami naroroon. Malaki't matipuno rin ang katawan nung Solomon. He's body fits naman kay Angry bird. Wow english. Narak.

"Pahinging Blindfold." Muli nanaman silang nagtawanan pagkatapos ko itong sambitin. Bakas sa mukha ni Josh na naiinis na sya. Iniabot nya sakin yung scarf nya at pinaikot ko ito saka ko itinali sa ulo ko.

"Gawin mo lahat ng sasabihin ko, una hawakan mo yung magkabilang braso ko at kunyaring hahalikan mo ko sa leeg." At ginawa nya nga ang mga sinabi ko. Tulad nung nagyari kanina, initlugan ko sya at napaluhod rin sya tulad nung nangyari sa lalaki kanina. Tinadyakan ko rin sya at nung napahiga na, umupo nako sa may pantog nya. Ang kaibahan nga lang ay hindi namaga ang itlog ng pugo nya dahil hindi ko ito naramdaman. Pinag susuntok ko ulit yung mukha nya tapos nung may naramdaman nanaman akong dugo, agad na nila akong inawat.

Tinayo nila ako at tinanggal ko yung blindfold ko. Muli akong napatingin sa aking masakit na kamao at guess what? Napasigaw nanaman ako at yumakap kay Joshua. Pinag papahid ko sakanya yung dugo sa kamay ko.

Hinawakan ako ng babaeng pulis sa wrist ko at dinala ako sa kanilang lababo. Para akong bata na umiiyak dahil nga takot ako sa dugo.

Hinugasan niya yung kamay ko na parang bata. Napatingin ako sakaniya, nginitian nya lang ako. Then tumingin ako kay Josh at natauhan ako.

"Kaya ko na po. Salamat nalang." Sabi ko sa babaeng pulis. Ngiti sabay tango ang sagot nya sakin. Hinugasan ko na yung kamay ko at sinamahan ako ng babaeng pulis sa isa pang kwarto upang icomfort daw ako. Binigyan nya ako ng plain na puting t-shirt na sakto lang naman sakin.

"Suotin mo. Ibinibigay talaga namin iyan." Sabi ng babaeng pulis.

"Salamat po" sagot ko. At saka ko ito sinuot. Naiwan si Josh na nakikipag usap sa mga pulis.

Ay teka! Anong oras na ba? Naku!! Yari ako kay Mama nito. Tinignan ko yung oras sa phone ko at WOW! 12:47 AM na??

May 33 missed call at 30 messages na rin. Galing kay mama.

Wala akong load. Patay ako kay mama nito. Di rin ako marunong umutang ng load.

Muli akong dumungaw sa lugar kung saan naroroon si Josh. Mukha namang nag kaintindihan na sila. Maya maya ay tumayo na si Joshua at lumakad papalapit sakin.

"Tara na. Bwiset na buhay to." Sabi ni Josh sa inis na inis na tono. Dahil sakin nadamay pa sya.

"Sorry. Dahil sakin nadamay ka pa. Sorry talaga." Naguguilt talaga ako. Yumuko ako dahil ramdam kong may namumuong luha sa mata ko hanggang sa tuluyan na nga itong tumulo. Ngayon lang to nangyari. Nagulat ako nag bigla nya akong niyakap. Nagiging emotional nanaman ako. Magkakadalaw nanaman siguro ako.

"Hindi mo kasalanan. Kung pinigilan lang sana kita na wag nang hanapin si Van. Dahil alam kong may nag nanasa sayo. Okay lang yan kaibigan kita e. Lagi akong nandito para sayo, diba?" Pagpapaliwanag sakin ni Joshua habang pinupunasan ng panyo nya yung mata ko gamit ang kanang kamay nya. Sinusuklay naman ng mga daliri sa kaliwang kamay nya yung buhok ko.




I Fell Inlove With My Bestfriends (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon