Prologue

10 1 0
                                    

Dideretsohin ko na. Alam kong sawa na kayo sa mga lalaking bida ay puro malalakas, matapang, may grupo/gang, sindikato at kung ano ano pang kagaguhan. Isinasalarawan sila bilang mga taong perpekto at kung ano ano pang pwedeng pagpantasyahan ng  mga millennials. Tapos ang mga babae naman kung hindi mababait at mga marya clara ay mga matataray at pa-hard-to-get. Oo, syempre sinasalarawan din silang mga taong magaganda at halos minsan ay perpekto na para maibagay sa lalaking bida. Ilan lang yan sa mga karakter ng mga kwentong "cliche" kung pakinggan o basahin. 

Paano kung baliktarin naman natin?

Sa kwentong ito, dadalhin ka sa mundo ng isang babaeng katamtaman lang ang tangkad, mas mataas sa "pandak" na iniisip ninyo, hindi maputi, hindi morena, medyo maitim lang dahil laging nasisikatan ng araw ang balat niya. Hindi rin siya kagandahan, to be honest. Minsan mabait, minsan palamura, minsan halimaw. Naninigarilyo, gabi-gabing nakikipagwalwalan sa sarili niya, laging tambay sa kanto, laging bugbog sarado, at cold. O diba? Cliche na hindi. 

Si Delilah ay ang babaeng itinutukoy ko sa itaas. Malaking gaga na gago. Tarantada. Isang babaeng walang ibang alam kundi ang mabadtrip na para bang nagmemeno-pause na eh kakaregla niya lang ng siya ay mag 16. 

At mukhang binubunyag ko na sya sa inyo haha! Abangan ang unang kabanata para malaman ang iba't ibang kabulastugan sa baliktad na buhay ni Delilah. 

Tough DelilahWhere stories live. Discover now