Nagising na lamang si Delilah sa isang napakaputing kwarto. Marami itong mga taong nakahiga sa kanya kanyang higaan. Alam nyang nasa hospital siya sa mga oras na 'yon.
"Ugh. Puta naman oh." Mura niya sa sarili niya. Kinapa niya ang kanyang sugat at pinakiramdaman ito. Nakaramdam siya ng kirot at sakit pero mas maayos na ito kesa noong sariwa pa ito.
"Anak! Mabuti naman at gising ka na!" Bungad sa kanya ng kaniyang Lola at umupo sa kaniyang tabi. Nakaramdam siya ng labis na init at pagpapawis kaya nagreklamo siya sa kaniyang lola.
"Nanay, ang init-init naman dito. Alis na tayo," pag-aaya nitong umalis.
"Anak, bukas pa ang sugat mo. At sasalinan ka pa nila ng dugo kasi maraming dugo ang nawala sa iyo kanina," sabi ng kaniyang Lola habang siya ay hinihimas sa braso. "O'sya, tatawagin ko muna ang doktor at sasabihin ko na ikaw ay gising na.
Tumango na lamang si Delilah sa kaniyang Lola at ngumiti. Inaalala niyang muli ang mga nangyari nung nakaraan. Naalala niyang nasaksak nga pala siya ng kutsilyo sa tagiliran niya ng isa sa tatlong mandurukot na iyon.
"Malas naman, puta," Mura niya ulit at napabuntong hininga. Nainis siya sa nangyare, sa init ng temperatura sa loob ng pampublikong ospital na ito at sa sakit na nararamdaman niya mula sa sugat niya.
Hindi naman ito ang unang beses na siya ay na-ospital dahil sa mga away at gulong napapasukan niya, maliban nalang sa sitwasyong ito dahil siya ay naging isang biktima. Noon ay nabubugbog-sarado siya kahit na may mga kasama naman siyang makipagbasag ulo. May mga tao lang talagang malakas manghamon ngunit hindi nananalo sa huli, tulad na lamang ng ating bidang si Delilah.
Nagdaan ang ilang oras at sinalinan na ng dugo si Delilah. Nakita niya pa ang donor nito at nagpasalamat ngunit ang kinainis lamang ni Delilah ay hindi ito pinansin at sa halip ay inirapan pa ito at umalis ng walang paalam pero naroon naman ang ina ng nag-donate upang ipag-umanhin ang asal ng kaniyang anak.
Nang makaalis ang ina ng donor ay napatingin lang si Delilah sa kanyang Lola at matipid na itong nginitian.
Matapos ang dalawang linggong pagdurusa sa ospital ay nakauwi narin si Delilah sa kanilang bahay. Naghilom na ang sugat nito at maayos ng nakakagalaw.
"Oh, apo, mag-ayos ka na diyan at papasok ka bukas, sasamahan kita sa susunod na araw para makakuha ng excuse slip." Sabi ng Lola niya ng siyang nagpabuntong hininga sa kanya.
****
Delilah's POV
Habang naglalakad ako papunta sa skwelahan ay bumungad sa akin ang naghihintay na si Pip. Natext ko kasi siya na papasok na ako ngayong araw at alam kong isasabay niya ako.
"Cheuy!" Tawag ko sa kanya at agad naman niyang nilingon ang direksyon ko. Wahaha! Pota ang tanga niya tignan gulat na gulat eh.
"Chupol ka!" Sabi niya at ngumiti sa gawi ko. Gago talaga wahahaha ba't bigla akong naexcite ngayong araw? Hahaha! Malamang may masasapak na naman ako!
Nang makalapit na ako sa kanya ay agad naman kaming nag-kamay ng pagkakaibigan. Naks naman corny namin puta haha! "Kamusta na, tol?" Tanong ko habang bahagya naming sinuntok ang likod ng isa't isa habang magkalapit ang mga dibdib namin na parang nagyakapan.
"Ayos naman, lalong gumagwapo," Saad nito at nakangisi.
"Oh? Talaga? Baka ayos lang at hindi parin gumagwapo? Hahaha!" Sabi ko at tinawanan siya.
"Dewow, pandak mo parin," Sabi niya at binelatan lang ako. Dewow niya din.
Nag-umpisa na kami maglakad papunta sa paaralan, marami siyang nakwento nung mga panahong wala ako. Haha! Daming nangyareng nakakatawa at naiinggit ako habang nakikinig sa mga kwento niya.
"Tapos kumanta sila ng happy birthday song na puro happy lang ang lyrics," sabi ni Pip habang natatawa. "Hapeeee! Hapeeeee! Hapeee!" Kanta niya ng paulit ulit habang tumatawa at pati narin ako ay natatawa sa panget nyang mukha.
"Tama na nga mukha kang engot hahahaha!" Sabi ko sa kanya at sumimangot naman siya kaagad.
"Tss. Oh kamusta na sugat mo? Hindi na ba sumasakit?" Tanong niya habang naglalakad pero nakatingin saakin.
"Ah," pinakiramdaman ko ang banda kung saan ako nasaksak at nagtaas ng kilay. "Ays naman, hindi na masakit. Pero sabi ng doktora na chix huwag daw ako kikilos kaagad masyado at baka bumukas ulit." Sabi ko at patuloy na naglakad.
"Dapat di ka na muna pumasok, maeexcuse ka naman eh," sabi niya. "At saka, bali-balita na din sa buong campus ang nangyare sayo kaya hindi na sila magtataka kung absent ka."
"Eh sa bagot nako eh. Tinatamad nako sa mataong ospital na yun na kahit nga personal na bagay ay hindi ko magawa. Marami na din akong nakaligtaan sa klase kaya dapat ay maghabol na ako sa mga leksyon." Seryoso kong sabi at pakiramdam ko'y kukunin na ako ng langit sa linis ng pananalita ko.
"Aba! Hahaha! Epekto ba yan ng saksak mo?" Tawa niya saakin. "Kailan ka pa nagkainteres sa pag-aaral? Eh tinatamad ka nga magtaas ng kamay tuwing attendance lang eh! Hahahaha!"
"Oh edi wow. Tangina mo, ba't di ka pa mamatay?" Sabi ko sa kanya habang asar na nagdadabog habang naglalakad.
"Asa talaga! Hahahahaha!" Hindi siya tumigil sa kakakaasar kaya binatukan ko sya ng malakas.
"Gago ka, mamatay ka na." Mariin kong sabi at nauna na maglakad. Tumawid na kami at bigla niya akong hinabol.
"Siya nga pala may nakalimutan akong sabihin sayo," sabi niya at biglang sumeryoso ulit. "May ipapakilala akong grupo sayo at kailangan nila ng magiging leader nila."
Napakunot naman ako ng noo at tinignan siya ng may halong pagtataka. "Ano? Grupo?" Tanong ko at napahinto sa paglalakad.
"Oo," sabi niya at huminto din sa paglalakad. "Hindi sila kasali sa platoon natin at ayaw din nilang sumali."
"Ayokong maging leader sa ibang grupo," sabi ko sa kanya. "Tyaka kontento nako sa kung anong grupo ako meron ngayon, ayoko ng maghanap ng iba."
Naks loyalty award ang lola niyo.
"Hays," sabi niya. "Hindi na ba magbabago yang isip mo?"
"Hindi." Sabi ko at nagpatuloy nang maglakad. "Una nako, chupol!" Pagpapaalam ko.
Bagong grupo? Ha. Kontento nako sa San Tuchlas High Platoon.
YOU ARE READING
Tough Delilah
HumorIsang kathang isip lamang. Hindi makatotohanan. Ang kwentong ito'y nabuo lamang sa isipan ng manunulat at hindi kailanman kailangang seryosohin at gayahin. Maraming matsalam. Sinimulan - Ika-23 ng Septyembre, 2017