Ikatlong Yugto

6 0 0
                                    

Delilah's Point Of View

"Maaari na pong maexcuse ang inyong apo, madam," sabi ng prefect of discipline. At itinago ang excuse letter ko sa ilalim ng kaniyang desk.

"Maraming salamat po." Sabi ni lola at tumayo na kami para umalis. Hindi ko tinignan ang taong iyon at agad na tumalikod. Nababadtrip parin ako kapag nakikita ko siya.

Siya lang naman ang nagpaparusa sakin sa tuwing napapaaway ako. Kahit na alam niya na pareho kaming may kasalanan sa gulong yon ng kaaway ko ay ako lang parati ang pinaparusahan niya.

Nang makalabas na kami ni lola ay inihatid ko si lola sa may gate para makauwi na siya. Nagpaalam na ako kay lola at tinignan siya habang naglalakad paalis. Maya maya'y lumapit ako sa guard at kinausap ko siya. "Guard, pwede ko bang habulin lola ko? May nakalimutan kasi akong kunin sa kanya eh," sabi ko at umaktong nagmamadali.

"Sisibat ka lang eh," sabi naman ng guard n para bang kilalang kilala na ako. Masama niya akong tinitigan at sinabing, "Bumalik ka na sa classroom ninyo."

Tinignan ko naman kung nakakalayo na si lola. "Sige na guard, sandali lang talaga! Deadline na kasi mamaya eh,"pagsisinungaling ko.

Nang makita kong tumalikod ito ang lola ko at nagtatakang nakatingin sakin ay agad nakong nagpaalam sa guard upang puntahan ang lola ko.

"Sandali lang talaga!" Sabi ko saka kumaripas ng takbo papunta kay lola. Tumingin-tingin ako sa magkabilang daan bago tumawid.

Nang makalapit ako kay lola ay nginitian ko lang siya at inalalayan ang kamay at saka naglakad.

"Aba apo, anong ginagawa mo rito? May pasok ka!" Sabi niya at bahagyang pinalo ang aking balikat.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni lola habang tumitingin ako sa magkabilang daan para makatawid ulit. Patuloy parin siya sa pagpalo sa akin habang pinapangaralan ako.

"Ano ka ba! Magkacutting ka na naman? Madadagdagan na naman ang atraso mo sa paaralan mo!" Sabi niya at pinalo ako ng malakas sa balikat. "Bumalik ka na roon!" Utos niya sakin at parang nagdedeliryo na sa pula ng mukha ni lola.

"Nay naman eh! Ihahatid na kita," sabi ko at hinwakan ulit ang kamay niya. "Tara na tatakbo nalang ako pabalik sa skwelahan" Anyaya ko at hinatak na si lola.

"Magtatraysikel nalang ako, bumalik ka na roon,"sabi niya ng huminahon na siya. Tinignan ko siya at ngumiti.

"Di ka naman nagdala ng pera eh," sabi ko at tinawanan siya.

Napabuntong hininga naman si Lola niya nang matandaan niyang nakalimutan niya palang dalhin ang kanyang pitaka.

Nang makarating na kami sa paradahan ng mga traysikel ay pinasakay ko na si Lola, "Sumakay ka na nga lang, baka 'di moko lutuan mamaya."

"Mabuti pa nga!" Sabi niya at padabog na sumakay sa traysikel na nagpapapuno ng pasahero.

Nginisihan ko lang si lola at nakita ko namang nakangiti na siya sa loob ng traysikel. Nilingon ko ang driver at binigyan siya ng anim na piso. "Senior citizen," sabi ko.

Nang nagpaalam na ako kay lola ay agad na ako bumalik sa paaralan. Tinanguan ko lang ang guard at winagayway ang bente pesos na galing sa bulsa ko at sinamaan naman ako ng tingin ng guard. Haha! Buti nga sayo, masyadong pabibo eh.

Nakapamulsa lang akong naglakad papuntang classroom at mukha naman akong cool habang ginagawa iyon. Pagkarating ko sa room ay naabala ko pa ang klase bago makaupi sa aking upuan.

"Good morning, Ms. Candolada," sabi ng guro ko na may ngiti sa labi.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ng paglakad sa upuan. Naging tahimik ang buong klase dahil dito.

"You should greet me back, Delilah," sabi niya at tumitingin parin sa akin. "Show some manners."

Sinamaan ko lang siya ng tingin at kaagad naman siyang nagitla sa ginawa ko. Nagpatuloy siya sa kanyang klase at ako'y nanahimik nalang.

Nakapagpakilala na ba ako? Para sa mga hindi pa nakakilala sa akin ay magpapakilala nalamang ako.

Ako si Mousikaela Delilah Angelika D. Candolada. Grade 10 - Lapu-lapu na nag-aaral sa San Tuchlas National High School. Hindi ako mayaman, at saka hindi rin naman mahirap. Wala na akong nanay tapos ang tatay ko naman ay nasa ibang bansa upang magtrabaho. Pogi ako tsaka mahilig ako sa mga gulo. May grupo nga ako na kung tawagin ko ay San Tuchlasian Platoon.  Ito'y binubuo ng mga estudyante at mga nagpapanggap na estudyante sa aming paaralan. Mayroon akong isang daan ba mga taga-sunod mula noon ako ay nasa ika-siyam na baitang.

Natapos na ang huling subject sa umaga at ako'y tumayo na upang lumabas ng room. Nakita kong naghihintay si Pip sa labas ng classroom at nakapamulsa habang nakikipag-usap sa kaniyang kasama. 

Nang magkatinginan kami ni Pip ay nagtanguan kami at naglakad na palabas ng building. Habang palabas ay nakita kong tumatakbo papalapit saakin ang dalawang lalaking pamilyar. 

"Boss Amo Manager!" sabay nilang sabi at malawak na nakangiti saaking direksyon. 

"Oh?" Tanong ko at nakataas ang isang kilay ko . "Anong meron?" 

Tumikhim naman si Simon na handa ng magsalita. "Pumuputak na naman ang banchou ng Ignacio High. Sinasabi nilang ang tanga at ang hina mo raw dahil simpleng mga mandurukot ay naisahan ka raw at muntik ka pang mapatay." 

"Gusto ka raw niya makalaban ulit at papatunayan niya ng hindi ka magaling sa pakikipaglaban," sabi naman ni Jerico. 

Sila ang mga PRO ko sa grupo, sila ang parating nakakakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga ibang grupo ng mga paaralan at kung may mga naghahamon man. 

Napabuga na lamang ako ng hininga at ngumisi, "De wow." Sabi ko at napailing nalamang.

"Text mo sakin kung saan at kailan," sabi ko sa kanya. 

"Oy sama ako, forward mo din sakin," sabi naman ni Pip na nagboluntaryo. 

"ikaw gagamitin kong pamalo sa kanila hahaha! Payat mo ulol wag ka na sumama," Asar ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kinawayan ko siya habang nakatalikod para magmukhang cool. 

:) Wawarm-upan ko 'tong mga kutong lupang ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tough DelilahWhere stories live. Discover now