Start of everything :)

86 3 2
                                    

- - - - - - - - - -

"Phia!! May bumibili oh, pagbilan mo nga." sabi ni tita lucy

"Ah opo, andyan na po!" sabi ko naman. Pumunta na agad ako sa bakery para pagbilan ang bumibili.

"Ano yoooon?" masaya kong bati sa bata.

"Ate, may putok po kayo?" seryosong tanong nito. Ako nama'y nagulat at sinabing..

"Ha? Ako? *sabay amoy* Wala naman ah. Pero yung tito ko meron, oy wag kang maingay ha?" natatawa kong sagot sa bata. Nang biglang bumusangot yung bata, anong nagawa ko?

"Putok po. Yung kinakain, hindi yung naaamoy mo sa tito mo." sarkastiko nitong sagot.

"Putok ba na tinapay? Kala ko kasi yung nasa kili-kili." aba malay ko bang anong putok yung tinutukoy mo koya

"Magkano po?" gutom na sabi nya

"Limang piso lang." sabi ko naman

"Sa susunod ate, Dalhin mo na yung common sense mo ha? Nasa bakery ka, malamang tinapay ang binebenta niyo hindi yung nasa kili-kili ng tito mo." inis nitong sabi

"Grabe ka naman! Nagkamali lang yung tao e." sabi ko

"Tao po pala kayo? kala ko..." sabi ng bata. sa sarili ko naman, ANO? AKALA MO ANO AKO?!?

"Kala mo ano?" nagpipigil lang ako majojombag ko to

"Ah wala po. Hihi. Sige, byeee!" natatawa nyang pagsambit, jusko subukan mo lang mapadpad dito ulit.

Sophia's POV

Nakakainis yung bata kanina, Ang sarap ipatapon sa Bermuda triangle. Di ba naman ako pinagkamalang tao? Eh ano ako? Biik na nagsasalita? GANON?! tokwa, Inaapi ko nanaman sarili ko. Change topic na nga, Mausog pa yung mga bilbil ko eh. Hola tinola! Ako nga pala si Sophia Miracle Montajo, 16 years nang nakatira sa Earth, Specifically sa bahay nila Tita lucy at tito mando. Nagtatrabaho na rin ako sa bakery nila bilang pagtanaw ng utang na loob. Sila na nagpalaki, nagpaaral at nag-alaga sakin. May isa silang anak, si amanda. Mabait naman sila sakin kaya para narin akong may totoong pamilya. Sila mama at papa kasi, Masyadong na-excite siguro si God na kunin sila kaya ayun,Nasa heaven na sila. Pa-petiks petiks nalang siguro yung mga yun. Masaya na sila dun, Okay nga yun e. Wala na silang po-problemahin sa pag-aaral ko. Tsaka, mga Guardian Angel ko na sila ngayon. Anobayan. Napaka-MMK ko. Change topic uli, Alam niyo ba na isa daw ako sa mga miracle babies? Kasi nagka-car accident sila mama nun nung isusugod na siya sa hospital para ipanganak ako, tapos ayun buhay pa si mama nun kaya nag-cessarian nalang siya para makuha nila ako at buti nalang ay nakahabol pa daw ako sa finish line. HAHAHA! nakita pa nga daw ako ako ni mama eh bago siya kunin ni Lord. Nginitian pa nya daw ako. Pero si papa, Ayun, Dead on Arrival siya. Nag-internal bleeding daw siya tapos di na nila napigilan. Sila tita lucy na ang umampon sakin noon, Sophia Miracle ang pinangalan sakin tas ginamit parin yung surname ni Papa kahit wala na siya. Ang drama ng storya ko 'no? HAHA. well, I know that my life will still continue even though they're not here anymore. They'll always have a special space in my heart. Andyan lang sila, Alam kong sila ang maggagabay sakin.

ps

i know ang drama masyado, ikakain ko nalang to ng putok.

My Unexplainable feeling (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon