Evacuation mode

49 3 5
                                    

"Phia, magsara kana dyan ha." sabi ni tita, sabagay mga 10pm na nun e.

"Sige po tita."

"Saka nga pala, pumunta ka na rin pala sakin mamaya at may pag-uusapan lang tayo." sabi ni tita, tokwa nag-goosebumps ako. Mukhang alam ko na tungkol saan ang paguusapan ah.

"Pag-uusapan? tungkol po saan? Ay tita, wala pa po akong boypren ah." jusko mukha bang may papatol sa big three kong pimples?

"Hindi naman tungkol sa boypren-boypren yung pag-uusapan natin eh!" sabi ni tita. Akala ko akala ni tita may boyfriend na ko. Eh kung hindi dun, tungkol saan?

"Ah hindi po ba? kala 'ko po kasi kokomprontahin nyo na 'ko tungkol sa mga ganyang bagay. HAHAHA! Sige po, mamaya po." I sighed, kinabahan naman ako sa paguusapan mamaya.

*Pagkatapos mag-sara

"Tita, nasara 'ko na po. Eto po yung susi, catch!!" sabay bato kay tita ng susi haha natawa ako sa mukha ni tita

" Harujusko kang bata ka! Buti nalang at nasasakyan ko ang trip mo. Maupo ka muna dyan, may sasabihin ako." hinihingal na sabi ni tita, hiningal na sya sa pag-catch?

"Tita ah, wala po talaga akong boypren." muli kong siningit yun, mas maganda nang naninigurado lol.

"Oo nga! Iba nga kasi. Ang kulet?" naiinis na sagot ni tita

"Inuunahan lang kita tita. Tungkol po ba saan?" mahinahon kong tanong

"Ah kasi sophia, mag-aaply na kami ng tito mo bilang mga OFW sa europe, Humihina na kasi yung benta ng bakery dito. Marami na rin kaming katapat sa negosyo. Isasama namin si Amanda. Doon na siguro kami for good. Ibebenta narin namin 'tong bahay at lupa." eto na nga bang sinasabi ko eh, pano na ko?

"Po? ah-e-eh-eh..." yan nalang ang nasabi ko

"Sophia, pasensiya na ha, Wala na kasi talaga kaming makitang paraan para mapaghandaan ang kinabukasan ni amanda." hinawakan na ni tita ang kamay ko, alam ko namang di nya ginusto to.

"Aalis na po ako?" diretso kong tanong kay tita

"Hangga't maaga pa, Maghanap ka na sana ng malilipatan mo." sabi ni tita lucy

"Saan po?" di ko alam saan na ko pupunta, paktay na.

"Pasensiya na talaga sophia ah, Intindihin mo nalang sana kami." maiyak-iyak na sinabi ni tita lucy

"Ah, si-sige po." hays paktay na talaga.

"Bibigyan nalang kita ng panggastos mo bago kami umalis." at biglang binuksan ni tita ang kanyang wallet, kukuga ata ng pera.

"Nako, Sobra-sobra na po yung natulong niyo saakin tita. Ako nga po ang dapat mag-pasensiya sa inyo kasi naging sagabal pa po ako. Salamat po talaga tita sa lahat po ng naitulong niyo saakin." pinigilan ko na ang pagbigay sakin ni tita ng pera, sobra sobra na kasi ang naitulong nila.

"Alam 'ko naman kasi na mahalaga ang edukasyon sa'yo kaya pinaaral kita." pinunasan ni tita ang kanyang luha, anak na rin ang turing nya kasi sakin e.

"Ah tita, kailan po ba kayo aalis?" tanong ko

"Siguro mga 2 weeks pa." sabi ni tita, buti naman at may panahon pa ko para maghanap ng mauupahan

"Ah sige po. Tulog na po ako, Goodnight po." humikab na ko, inaantok na talaga ako

"Ah sophia, wag kana magbukas ng bakery bukas ha? Maghanap ka nalang na malilipatan mo." nakangiting sabi ni tita. May naitabi naman akong onting pera dito, oks na yun.

"Sige po tita, Goodnight." -Sophia

"Goodnight." -Tita lucy

- - -

Sophia's POV

Nako. Kailangan ko na palang mag-evacuate sa bahay. Saang lupalop naman kaya ako makakahanap ng bahay? Ano na magiging trabaho ko? Bahala na nga bukas. Haaaaay.  Bakit kasi ngayon pa nangyari 'to, kung kailang magka-college pa ko. Baka naman kasi wala pa akong makitang trabaho nyan? Highschool graduate palang ako oh. Kasi kahit janitress kailangan nakapag-college. Bahala na talaga bukas.

My Unexplainable feeling (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon