Ugh!
No!
No!
No!
Hindi!
Mali!
Ughhhh!
sakit sa ulo nitong pinapagawa ni Mam Sj eh. Pano ba to? San ko isisingit to?
Ughhhh, ano bayan, halos 11 na ng gabi oh. ano ba naman kase to, pag nag alis akong articles gegerahin ako ng mga writers. there's no way na talaga. Ohmygulay. Sakit naman sa ulo tong living Emoticon na to. Porket nanay niya lang tong may pinakamalaking shares pa-VIP gusto pa ng Article sa dyaryo! mayaman naman sila bakit hindi sa Manila Bulletin? Philippine Inquirer? Philippine Star? Tiktik? Bulgar? o kahit sa The New york Times nalang siya nagpagawa ng article, ng sa ganon hindi ako yung sumasakit yung ulo. Kasalanan to nong Living Emoticon na yun eh. Tss. Smiley siya eh, living Smiley.
Ay nako ewan, bukas na nga to. Hindi na kaya ng mata ko. inaantaok na ko. Hindi pa naman ako sanay na nagpupuyat, Nah syempre joke lang, sino bang hindi sanay sa puyatan kung ang trabaho mo ay isang masipag na estudyante slash editor in chief slash numininjang fangirl. Oha? sinong hindi puyat ngayon? Ewan, basta matutulog na ko.
*next morning
"Ano bayang itsura mo ha Gen?" bungad sakin ni Aya sa gate.
"Muka kang panda bear na kinulam at ipinatapon sa deepest darkest part ng Marianas Trench." pano ba naman kase anong oras ako nagising kanina dahil sa masyadong maaga nag alarm yung alarm clock! kainis talaga. Hindi ko na pinansin si Aya at dumiretso sa room.
"Teka lang naman Gen, kamusta na pala yung article na pinapagawa sayo? Naumpisahan mo na ba?" Ayy, oo nga pala. Ano bayan, muntik ko na makalimutan ang tungkol dun. buti nalang pinaalala netong babae na to. Oo nga pala, kanina lang umaga narealize ko na yung dapat gawin, hindi ako magbabawas ng mga fixed ng line up, masisira kasi eh, kawawa naman yung mga mage-Edit.
"Oo alam ko na gagawin ko, ang kelangan ko nalang eh mga impormasyon tungkol sa Living Emoticon na yun. Meron ka ba dyan?" tamad kong sagot sa kanya.
"Ha? anong meron?" tingin siya sa likod niya, Ayy Aya. "wala naman ako ngayon eh, anong date ba ngayon?" nagbilang naman sya, Ohmy Aya. Loooofet mo talaga magpatawa.
"Gaga! hindi yun ang ibig sabihin ko! what i mean is, impormasyon tungkol kay Living Emoticon." Nako nako po, kung hindi ba naman half half tong loka na to. pinanindigan ang pagiging half eh, half Eng Eng half Ewan. Ayy nako.
'Ahh, kala ko naman yung ANO yung tinutukoy mo eh, hehe" tapos naglakad uli kami, bakit ba kasi ang laki laki ng campus na to eh samantalang highschool palang naman kami eh.
"Ayy Gen, sino pala yung 'Living Emoticon' na tinutukoy mo? Aba meron pala nun ano?" Nako Aya! sapok ang abot mo sakin eh
"L.A" tipid kong sagot. inaantok pa talaga ako eh.
"L.A?" nagtatakang tanong nitong si Aya, may pagka Slow talaga tong babae na to, ewan ko ba kung bakit nasa honor roll to last year eh.
"Lexis Andrew" yan binuo ko na.
"Ah si Lex pala. Galing, kaya pala L.A." pasimple pa to eh.
" Ano gets mo na?"
"Oo gets ko na. hehehe" sagot naman niya sakin. "una na ko, may practice pa kami eh, alam mo naman si Dragon. Bye" umalis na siya, lagot na naman yung kay Ms. Lopez pag nalate sya sa practice, member kase ng dance troupe yang si Aya.
Ngayon all i have to do is find that living emoticon and gather some information. Well hindi naman na siguro kelangan ng personal interview dun, Ooldnap nalang ako ng kung sinong babae dyan sa corridor, ooldnap, kase pang bata lang yung kidnap, kaya oldnap kaso pang matanda yun eh, Teendap nalang nga. Ayy, Korneh meh.Tawa kayo.
BINABASA MO ANG
That Boy with a Crooked Smile
Teen FictionLagi siyang nakangiti, muka na nga siyang living Emoticon eh. Wala man lang bang problema tong tao na to? That Boy with a Crooked Smile.