*knock knock*
"Pasok." sabi ko habang inaayos yung bag ko, bumukas yung pinto at nakita ko si Nanay Elena. Siya yung nagsisilbing yaya/Guardian namin.
"Nasa baba na si Aya, hinihintay ka na niya. Bumaba ka na agad pag tapos mo at nasa kusina na naman yung batang iyon."
"Osige po Nay." Nay ang tawag ko sakanya dun na kase ako nasanay. And ayan ready na yung bag ko.
Bago pa maubos ni Aya yung mga pagkain sa kusina,tinawag ko na siya.
"Aya! Andyan ka na naman sa kusina, tara na. Mag aabang pa tayo ng jeep."
"Oo na, andyan na." tumayo na siya at sinuot yung backpack niya. Tamo tong babae na to, may kagat kagat pang sandwich sa bibig.
"At nagbaon ka pa talaga ha?"
"Syempre, nakakagutom magbiyahe eh, mamaya nyan ikaw pa ang makain ko.Hoho Joke lang." tinignan ko siya ng masama. Aba't teka lang?
"Sandali lang" sabi ko at pumunta ako sa kusina, nagtataka naman siya.
"Ohhhhhh, sabi ko na nga ba't hindi makakatiis eh,hhahahaha" tawa naman siya ng tawa. Aga aga eh ang ingay. Syempre ako pa papatalo, No way. Kumuha din ako ng sandwich, dalwang piraso. Clubhouse sandwich. Oha, kala niya ah.
"Tama na nga, tara na. Nay! lis na po kami" paalam ko kay Nanay, hinila ko na si Aya.
"Bye Nay Lena" paalam ni Aya.
"Ingat kayo ha? Uwi agad."
Nanay talaga paapsok palang eh uwi agad ang naiisip. Tong katabi ko naman eh lamon pa rin ng lamon, Aba't di lang pala sandwich pati yung Chuckie ko, pinaki-alamanan. Bruha to.
"Hoy, alam ko yang tingin na yan ha? papalitan ko to" sabay sipsip sa Chuckie "wag mo na kong patayin dyan sa Utak mo."
"Siguraduhin mo lang na papalitan mo yan ha? Yan na yung jeep, tara na." So far, nakarating kami sa school ng safe at hanggang ngayon lumalamon pa rin tong si Aya. Takaw ever eh.
"Gen, ayoko na dun sa section ko, may nambubully sakin dun eh. Ayoko na dun, sabihin mo naman kay Ms.SJ baka pwede niya akong ilipat, sige na Gen" kawawa naman tong batang ito eh.
"Itatry ko, ano na naman ba kasing ginawa mo eh, lagi ka nalang napapaaway." Oo napapaaway, hindi naman talaga yan nabubully, infact siya pa ang bully. way niya lang yun para maawa sa kanya, eh yung mga inaaway niya ayaw niya na makasama after. 3 weeks palang ang nakakaraan ng magStart ang klase eh, lilipat agad ng section. Hindi kase kami magkaklase neto eh.
"Osha, dito na room ko, Aya ha, umayos ka. daanan mo ko mamaya sa Hq." paalala ko sa kanya
"Okiedokie. Bye. Behave ako, pramis." at nagBunny hopping na naman siya papunta sa Classroom nila sa 3rd floor.
Pagpasok ko sa room, nakita ko agad na wala akong upuan, konti palang naman yung mga tao eh. Mang aagaw muna ako ng chair, wala eh, may shortage sa upuan. Ayun, nasa magandang kalagayan yung upuan. Akin ka na. Hohohoho
"Oyy, Gen. Huli ka. hahahaha lagot ka kay MM" natatawang sabi ni Junior. hahahah natatawa talaga ako sa name niya. Oops. My bad.
"Ahh, wala pa naman siya eh, tsaka madami dyan, kumuha nalang din siya. hehehe"
"Hahaha, sumbong kita eh, Joke lang"
"Eh bakit ikaw, kinuha mo yung upuan nung kambal niya. hahaha Lagot ka din." kala mo ha. nag kibit balikat nalang siya at hinila yung upuan. may 10 mins pa bago mag start yung Class, umupo muna ako at nilabas yung pamaypay, oo Fan sa english kase naman may apat ngang electricfan palinhado naman yung dalwa, asan ang hustisya? eh dito pa man din ako sa tapat nung sirang electricfan, pawis pawis tuloy ako.
Dumating na si Mam, at simula na ng klase,
Blah..blah..blah..blah, get one whole and...
*knock knock*
"Mam, excuse po.pinapatawag po si Genelyn Mendoza sa Hq." sabi nung kumatok. Tatayo na sana ako kaso "May quiz ako eh, pwedeng after nalang?"
tumango naman yung student, tsk pagkakataon na eh. yun na nga after nung Quiz tsaka lang ako nakalabas. dumiretso ako sa Hq at nakita si Mam Sj.
"Goodmorning po mam, pinatawag nyo daw po ako?"
Iniangat ni mam yung ulo niya and " Ah, yea. sit down" umupo naman ako.
"Kase Gen, bilang editor in chief ng school newspaper, i want the issue this year to be finalized as soon as possible." Ah, yun lang pala.
"We are working on it Mam,"
"I know, sorry to rush you and your team but we barely need this Asap. And one more thing, you know Ms.Salvador right?" Ms.Salvador, ehh?
"Ms.Salvador, the biggest stock holder in our school board. She wants an article for her son"
"Eh, but the line up for this year's issue is fixed na Mam"
"Thats the thing, i want you to do some adjustments and have an article for her son or else, she'll pull out her shares." Ohmyy, I Kennot.
"Ako na po bahala, Mam" kung hindi lang sa shres na yan. Ay nako talaga, mamaya pag nagsara tong school eh ako pa ang sisihin ng student body. And there, lumabas na ko ng Hq para hanapin yung si AyaBels. Nagugutom na ko.
---
Hohoho. Hello po. first time kong magsulat and sana magustuhan nyo. Hehehe :)
BINABASA MO ANG
That Boy with a Crooked Smile
Ficção AdolescenteLagi siyang nakangiti, muka na nga siyang living Emoticon eh. Wala man lang bang problema tong tao na to? That Boy with a Crooked Smile.