Part 2. Ang Pagdating Ni Nico

46 1 0
                                    

Sumama si Sam kay Gino. Pumunta sila sa City Park. "Bakit tayo nandito?" tanong ni Sam kay Gino. "Eto ang pinaka-memorable place ko. Dito ako pumupunta kapag malungkot ako. Kapag, galit ako sa ibang tao. Kapag, nagtatampo ako sa iba. Dito ako pumupunta." sagot ni Gino. "Alam mo ba, muntikan na ako maglayas sa amin? Umalis ako kasi nagtampo ako sa Mommy ko. Nalaman ko kasi na inampon lang nila ako. Nagalit ako sa kanila kasi akala ko na sila yung tunay na parents ko." dagdag ni Gino. "Paano naman kayo nagkaayos?" tanong ni Sam. "Tinulungan kasi ako ni Mommy na hanapin yung totoo kong magulang. Kaya lang nalaman ko na wala na pala sila."  Sagot ni Gino. "Halika na, hatid na kita." Hinatid ni Gino si Sam sa kanila. Pagdating nila, may nakita silang kausap yung Tita ni Sam. Tinawag siya nung Tita niya, "Sam! Nandito na si Nico! Bilisan mo! Wag mo siyang pag-intayin!" "Opo Tita! Parating na!"sabi ni Sam. "Sino si Nico?" tanong ni Gino. "Siya yung bestfriend ko for 5 years.Umalis siya dito sa Pilipinas para mag-aral sa States. Ngayon ko lang siya ulit makikita." sagot ni Sam. "Hi Bespren! Long Time No See! Musta na?" sabi ni Sam kay Nico. "Mabuti naman Bespren! Sino nga pala siya?"sagot ni Nico. "Si Idol Gino ko to" biglang tinakpan ni Gino yung bibig ni Sam. "Hindi. Ako yung Boyfriend ni Sam. Ikaw talaga Sam, tinatago mo pa sa Bestfriend mo kung ano yung relationship natin." sabi ni Gino. Binitawan na ni Gino si Sam. Kinurot niya ito sa braso. Para bang nagsesenyas na ganun din ang sabihin. "Oo! Oo! Boyfriend ko nga to si Gino." sagot ni Sam.  "Oh. Halika na, kumain na tayo ng hapunan." sabi ng Tita ni Sam. Yung Tita naman ni Sam may parang Kilig Effect pa dahil sa nangyari. "Sam, tumabi ka na sa akin." sabi ni Nico. Bigla namang hinila ni Gino si Sam. "Hindi. Dito na lang siya tatabi sa akin.Total, GF ko naman siya." sabi ni Gino. Tumabi na lang si Sam kay Gino. "Oh! Kain na kayo!" sabi ng Tita ni Sam. Pagkatapos nun, umuwi na si Gino. Habang pauwi siya, may nararamdaman siyang kakaiba. Di naman niya ma-explain kung ano yun. Pero kapag naaalala niya si Sam, napapangiti na lang siya. Kaya minsan para siyang wala sa mundo. Kapag may shooting, bigla na lang siyang napapangiti. "Ano ba naman to?! Bakit ba nangyayari sa akin to? Ano bang nangyayari sa akin?!" tanong niya sa sarili. After 3 days, tumawag si Sam kay Gino. 

*ON THE PHONE*

Sam:  Ano ba yung ginawa mo nung nagdinner tayo kasama si Nico? Bakit mo sinabi na mag-ON tayo?

Gino: Sundin mo tong iuutos ko. Di ba Idol mo naman ako? Magpapanggap muna tayo na mag-ON tayo. Sundin mo na lang para sa akin, Sam.

Sam: Ano?! Bakit ko naman gagawin yun? 

Gino: Sundin mo na lang, for 2 months lang. Gawin mo na lang.

Ginawa na lang ni Sam yung utos ni Gino. Nagpapanggap sila na mag-ON sila for 2 months. After 2 months, nagkita sila. 

Sam: Tapos na ang 2 months! Ano na ang gagawin natin? Paniwalang paniwala si Nico na may BF akong sikat na gaya mo.

Gino: May gusto akong sabihin sayo, gustong gusto ko talaga sabihin sayo. *blush effect*

Sam: Ano na naman yan Gino? May iuutos ka na naman ba?!

Gino: Hindi. Gusto ko lang sabihin na... 

Sam: Na?

Gino: I LIKE YOU!

Sam: Ano? Ulitin mo nga?

Gino: I  L-I-K-E  Y-O-U !

Sam: May sakit ka ba?! *kinapakapa si Gino*

Gino: Wala akong Sakit Sam! I like you! I love you na den!

End of Part 2. Itutuloy ko pa! ^_________^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon