Part I. Ang Isang Fan Girl.

60 2 0
                                    

Dahil palaging sumusunod si Sam sa mga shows ni Gino, napansin siya ni Gino. "May gusto po ako sa inyong ipakilala," sabi ni Gino sa buong Audience niya. Pinatayo niya si Sam sa stage, "Ipapakilala ko po sa inyo, ang aking mabait na Girl Friend." Gulat na gulat si Sam sa mga sinabi ni Gino, gusto niya ngang magpakurot sa isa sa mga staff ng show, gusto niyang malaman kung nanaginip lang ba siya. Nahihiya siya sa buong audience, pagkatapos nun, pinaupo na siya ni Gino, habang kumakanta si Gino, panay naman ang tingin ni Gino kay Sam. Pagkatapos ng show, pinapunta ni Gino si Sam sa backstage, tinanong niya ito, "Ano? Natuwa ka ba? Ipinakilala kita bilang GF ko, anong masasabi mo?" "Ano ka ba naman! Bakit mo ginawa yun? Baka pag-usapan ako diyan sa labas tungkol sa mga pinagsasabi mo. Anong gagawin ko?!",Sagot ni Sam. "Hahaha. Grabe ka naman, sigurado naman na hindi maniniwala yung mga fans ko at yung ibang tao sa mga pinagsasabi ko.Bakit, sa tingin mo ba magkakatuluyan tayo? Hinding hindi naman ako papatol sa isang Fan Girl na katulad mo. Sinabi ko lang yun para magkaroon ka ng Haters, para di ka nila magustuhan. Haha.", sagot ni Gino. Sobrang nalungkot si Sam tungkol sa mga pinagsasabi ni Gino, nalaman niya na wala talaga siyang pag-asa sa isang sikat na heartthrob. Kaya sumagot na lang siya, "Kaya nga. Bakit mo naman kasi sinabi yun." Umalis na si Sam sa backstage at umuwi na siya. Habang naglalakad siya pauwi, umiiyak siya dahil nasaktan siya tungkol sa mga sinabi ni Gino. Tapos dumaan na siya sa mga lalaking nag-iinuman. Pinagtripan siya ng mga ito. Bigla na lang dumating si Gino at iniligtas si Sam, gulat na gulat si Sam. "Oh, di ba. Pwede mo din ako maging HERO. Idol mo na, Hero mo pa. Baka ako maging superman mo. Hahaha." sabi ni Gino kay Sam. "Salamat. Bakit ka nga pala nandito?" sagot ni Sam. "Pupunta kasi ako sa bahay namin malapit dito.", sagot ni Gino. "Sige na. Umuwi ka na."sabi ni Sam kay Gino. "Ihahatid muna kita. Baka pagtripan ka na naman diyan eh." sagot ni Gino. "Ahh. Okay." Inihatid na ni Gino si Sam. "Nga pala. Bukas, may gagawin ka ba?" sabi ni Gino. "Wala naman. Bakit?" sagot ni Sam. "Maglunch tayo bukas.Sagot ko." "Okay." Kilig-to-the-Bones naman tong feeling ni Sam. Halos di na siya makatulog dahil sobra siyang excited para sa lunch nila ni Gino. Kinaumagahan, na-late na ng gising si Sam dahil sobra siyang na excite sa lunch nila ni Gino. Mga bandang 11:00am, dumating si Gino para sunduin si Sam. "Sam! Andiyan na yung boypren mo!" tawag ng Tita nya. Napangiti na lang si Gino. Bigla na lang lumabas si Sam galing sa kuwarto niya. "Ano ka ba naman, Tita! Di ko boyfriend yan! Wala pa akong boyfriend." Sabi ni Sam sa Tita niya. "Ayyy. Sorry po Sir, akala ko po kasi kayo yung Boypren ng pamangkin ko. Ang gwapo niyo po kasi." sabi ng Tita ni Sam. "Ay. Okay lang po yun!" sabi ni Gino. "Halika na Sam, nagugutom na ako eh. Hahaha!" "Okay! Mamaya na lang po tayo magkita Tita." sabi ni Sam. "Oo. Umalis na kayo! Ingat kayo!" sabi ng Tita niya. Pumunta sila sa isang fast food restaurant, nakapag-usap sila doon. "Hahaha! Nakakatawa yung Tita mo! Akala niya na ako yung Boyfriend mo. Hahaha!" "Sorry Gino. Ganun talaga si Tita eh. Makulit talaga minsan." sagot ni Sam. "Nga pala, bakit wala yung parents mo?" tanong ni Gino. "Wala na sila eh. Nagkahiwalay sila, kaya kay Tita na lang ako tumira. Siya ang nag-alaga sa akin for 10 years." sagot ni Sam. "Ahhh. Nakakalungkot naman.Halika! May pupuntahan tayo." sabi ni Gino. "Saan?!" sabi ni Sam. "Basta. Sumama ka na lang." sabi ni Gino.

End of Part 1. Itutuloy ko ulit!  ^____^

I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon