KSP 2

42 2 0
                                    

------------

Si enzo,

siya ang KAILAN ng buhay ko..

dahil noong una, yung timing niya ng pagpasok sa buhay ko, mali.

Pumasok siya sa buhay ko kung KAILAN hindi pa tama ang pagkakataon..

hindi ko alam kung KAILAN ko siya mapapatawad sa nagawa niya, at hindi ko din alam kung KAILAN mawawala ang pag mamahal ko sa kanya..

dahil sa totoo lang..

mahal ko parin siya pero alam kong hindi na dapat..

Si jeron,

siya ang SINO ng buhay ko.

Dahil nagkamali ako ng pagpili nung una kung SINO dapat siya sa buhay ko.

Pinili ko kasing maging higit pa siya sa kaibigan noong umpisa, hindi ko inakalang dapat pala hanggang kaibigan lang. dahil higit pa sa hinahangad kong atensyon at pagpapahalaga mula sa kanya ang natatanggap ko sa kanya ngayon, ngayong magkaibigan na kami.

Hiniling ko noon na sana maging mutual ang feelings namin sa isa’t isa, pero higit pa doon ang nangyari noong nalaman ko na talaga kung SINO talaga siya sa buhay ko..

SINO si jeron sa buhay ko ngayon?

Siya lang naman ang isa sa pinaka Malapit kong kaibigang lalake.

Ngayon ko lang naisip na sana noon pa, noon ko pa narealize kung SINO talaga siya sa buhay ko.

Na mas ok pa siyang maging KAIBIGAN kaysa maging kaIBIGAN..

At si joseph?

Siya ang PAANO ng buhay ko.

Dahil hindi ko alam kung PAANO kami basta bastang nasira, kung PAANO niya ako mapapatwad sa mga nagawa ko sa kanya noon, sa pagturing sa kanya na isang panakip butas at sa pagkakataon na nasaktan ko siya ng sobra.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung PAANO ko ipaiintindi sa kanya na napakahalaga niya saakin, kaya mas pinili ko na maging magkaibigan nalang kami..

kung PAANO ko ipapaintindi sa kanya na napaka importante niya saakin ata ayoko na mawala siya sa buhay ko kaya hindi ko hinayaang magkabalikan kami..

Yan ang KAILAN SINO at PAANO ng buhay ko :) ^_^

Si Jericho ano siya saakin?

Kailan Sino PaanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon