Chapter 24

4.6K 79 0
                                    

CHAPTER 24

Ang hirap talaga kapag sa school ka sinamaan ng tiyan. Waaaah. sobrang hirap mag-pigil. Tae! hahaha. Pero bakit ba, sa hindi ko na mapigilan, bahala silang umamoy jan. Nakiki-amoy na nga lang  ey reklamo pa?! Kaya ayun nandito ako ngayon sa trono ng school. Syempre nagdala naman ako ng pabango. Nag-spray muna ako bago ilabas yung mga sama ng loob ko. ngek XD buti na lang talaga, walang tao!

Haaay. grabe nitong mga nakaraang buwan, ewan ang saya lang..hihi. Lagi kasi akong nililibre ni Anthony. Close na nga kami ngayon. Ang weird nga nun masyado eh, hindi na ako masyadong sinusungitan tapos parang lumalabas na yung pagka-sweet, thoughtful nung taong yun. Tapos lagi pa siyang tambay doon sa coofee shop hindi na doon sa bar minsan sa bahay din. Nakakainis nga kasi lalo silang naging close nung kapatid kong si Vince, ayun pinatutulungan tuloy ako lagi.hmph. Pero okay lang, mas madalas na kasi siyang tumawa ngayon, Hindi katulad noon na palagingnakabusangot yung mukha. Tapos pag nakikita ko naman siyang malungkot, hindi naman daw si Yvone yung dahilan,yung family daw niya. Close naman daw kasi talaga sila, hindi lang naman daw kasi talaga siya sumama noong mag-migrate yung family niya doon kasi nga sila pa nung Yvone na yun.Taray lang! Move-on na ang peg ni kuya!

Madalas kaming sabay umuwi, tambay sa park, namamasyal. Kinikilig tuloy ako >/////> eh? Saan galing yun?. Si Alden, hindi na ako masyadong pinapansin, Noong minsan nga nag-hi ako sa kanya nag-smile lang siya sakin tapos umalis agad. Pero ewan parang wala lang naman sakin. Feeling ko nga hindi na ako kinikilig o natutwa o kinakabahan pag nakikita siya. Sa ngayon parang iba sa iba ko na siya nararamdaman. Eh? Ano na naman yown??

Pero alam niyo ba laging may yellow flower sa table ko. Hindi ko nga alam kung kanino galing yun. Pero kung manliligaw man yun, baka sagutin ko agad, weakness ko yun eyy -///-

"Girl! Grabe may flower na naman doon sa table ni Treya. Kanino kaya galing yun? Ang sweet kasi eh.." eh? tae. May tao na! Buti na lang nakapaghugas na ako tapos nalibing ko na ang lahat ng sama ng loob ko. Pero ako na naman ba yung topic? Makapagstay nga muna dito sa trono. hihi

"E di kay Anthony! Sino pa ba? Actually he's doing good nga sa paglayo doon kay Treya na yun sa Alden ko. Buti na lang talaga GOOD PET siya. hahaha. MALAKING SUNOD-SUNURAN!: What? Seryoso ba siya sa sinsabi niya? Kahit hindi ko makita yung nagsasalita, lam kong diya si Yvone.

"Ano friend? Hindi kita ma-gets!"

"Hay naku! No brains ka talaga! Nag-usap kasi kami ni Anthony nung nagkasakit siya. Ang sabi ko sa kanya he can have me back IF AND ONLY IF he'll court Treasure and make his girl then dump her later on while Im doing my move with Alden. Pero syempre hindi naman seryoso yun way ko lang yun para mawala yung atensiyon niya sakin at iwasan na rin ni Alden si treasure. Mukhang medyo nagugustuhan na kasi niya ata. I know it sounds so selfish but I really don't care! Nga pala Aden and I are now officially together! kyaaaaah! May date nga kami mamaya eh!"

"Loka ka talaga girl! Well congrats your evil plan works! HAHAHA" 

SHET.

SHET.

Ano bang dapat kong reaksyon doon?

Tae mas masakit pa yung narinig ko ngayon kaysa sa pagbabawas ko kanina ah. Ang sakit talaga! Hindi ako makahinga sa nararamdaman ko ngayoneh. All along pag-papanggap lang pala yung ginagawa ni Anthony, umasa pa naman akong totoo yun, mukang sincere naman kasi siya eh. Pero tae, ganun niya ba talaga kamahal yung bruhilda na yun?! na kahit isang beses ata hindi man lang siya minahal? Kinaya niyang pumayag doon sa kondisyon ni Yvone na yun, ang malala lang ako pa yung naging target </3 Tapos sa kanya pa pala galing yung mga yellow na bulaklak na kapag kinikwento ko sa kanya na kinikilig ako doon at sasagutin ko agad kong sinumang tao yun. Ngiting tagumpay lang siya. Yun pala nagkakaroon na ng progress yung plano nila ni Yvone!

"Taeng luha ka! Tumigil ka na. Ikaw kasi ang tanga mo Treya! Ilabas mo ngs yang utak mo sa bulsa mo!" ayokong umiyak pero ayaw talagang tumigil. Ang sakit kasi talaga. Kahit naman kasi hindi talaga nanliligaw si Anthony sakin, yung mga pinakita niya parang ganun na rin eh. Mga paasa naman talaga eh.. Waaaaaaaaah!!!! huhuhuhu.. :'((

'Im sorry' naalala ko na ngayon... nung sinabi ni Anthony yan noong unang beses niya akong pinapunta doon sa bahay nila. Kaya pala. Ang tanga ko talaga! Hindi ko pa naramdaman na binabalaan na niya ako nun. :'(

'Bakit parang todo iwas ka sakin? May alam ka na ba?

"Wala lang. Teka anong dapat kong malaman?'

Oo yun nga yun. Kaya pala niya natanong sakin yun. Ang tanga-tanga ko talaga! Bakit naman ngayon pa kung kailan naman hulog na hulog na ako sa kanya. Tae. 

Bakit ba walang nagsabi sakin na foxxhet yang first heartbreak na yan! Ngayon alam ko na. Ano pa bang bago? Ah eto sigurong kirot sa puso ko hindi dahil naawa ako kay Anthony kundi eto tinamaan ng magaling na pana ni kupido. Foxxhet lang, bakit ako lang yung tinamaan ng pana niya? Hindi man lang dinamay si Anthony lagi naman kaming magkasama!!! 

Fake... Fake lang lahat ng pinkaita niya :'(

May narealize lang ako ngayon...

We're both 'silently hurt' from the start and from the same reason...

LOVE

</3

Silently Hurt(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon