Game 1

193 6 0
                                    


"Let's make things clear first." panimula niya.

Tinitigan ko lang siya. Ewan. Di ko maintindihan sarili ko. At syempre, nganga at wala pa ring alam sa mga nangyayari. Kasi, nakatira na ako sa bahay ng isang Grey Seff Avellino. Ang isang binatilyong hayok sa yaman, puno ng kagwapuhan at mala-adonis ang katawan. Kanina, pinalayas  at pinamigay na ako ni Mama at Papa sa lalaking ito. At syempre, titira sa isang bubong kasama siya.

"You are my fianceé now. So, to make things clearer and easier. You'll be my wife, soon."

Tumindig bigla ang mga balahibo sa aking katawan. Nakakapangilabot talaga kapag naririnig ko ang 'wife' word. Parang ang bata ko pa kasi. Haler! 22 years old pa lang ako.

"Excuse me lang ha. May request ako."

"What is it?" tanong niya.

"Ayokong katabi ka sa pagtulog. Mas gusto kong magkaiba tayo ng kwarto. Mahal ko pa ang kabirhenan ko at di ko pa kayang isuko ito. Kaya kung maaari lumayo-layo ka sa akin." diretso kong sabi.

Bigla siyang ngumiti. Ano kayang nakakatuwa? Napasimangot tuloy ako bigla. Psh.

Nilapitan niya ako saka lumuhod. Nakaupo kasi ako. Aba! Nakakapagod kaya tumayo.

"Oh sure my dear. But once we get married, you'll be in my room. . . . . . . whole day."

Tinulak ko siya palayo at tiningnan ng masama. Manyak pala itong lalaking ito. Akala ko matino. Sino ba naman ang mag-aakala na ganito ang ugali niya.

Greyson Seff Avellino ay anak ng isang  business tycoon na namamayagpag sa business world. Saang sulok ng mundo, kilala sila. Tabloids, newspapers, magazines and talk shows, sila ang laman. Most especially him. Manghang-mangha ang mga tao sa kanya. Who wouldn't? At the age of 26 years old, he became one of the richest people in the world. A billionaire to be exact. Marami siyang business. Pero ang pinakasikat niyang business ay ang kanyang car business. The whole world would die just to have business with him. And of course,  girls go wild when he's around. Para siyang hari na sinasamba ng mga kababaihan. Pati nilalakaran niya, hinahalikan nila. Duh!

For your information, di ako katulad nila at hinding-hindi ako magiging katulad nila.  Ibahin niyo ako. Di ako interesado sa kanya. Wala naman akong makitang interesante sa kanya bukod sa mga achievements niya. Iyon lang.

"Teka nga. Paalala lang sa'yo. 22 pa ako tapos ikaw 26. 4 na taon ang agwat natin. Respetuhin mo sana. Tsaka wala talaga akong alam sa mga nangyayari. Sinabihan lang nila ako na mayroon na akong fianceè, yun lang. So, how did I become your 'soon to be uhm wife'?" may pag-aalinlangan kong tanong.

"You wouldn't want to know, my dear." maikli niyang sabi.

Bumuntong hininga ako. "Fine. Kung ayaw mong sabihin, edi huwag. But mind you, you can't stop me. Patuloy pa rin akong magtatrabaho sa aming kompanya."

"No. Starting tomorrow, you'll work for me. You'll be my secretary."

Napalaki ang aking mata. Amputcha! Dahan-dahan ng nagbabago ang aking buhay. At hindi ko ito gusto.

"What?! Pati ba naman sa trabaho, nakikisawsaw ka pa? Haller! Don't I have my own will to decide?" i frustratedly asked.

Umiling-iling lang siya. Then he smirked. Pagkatapos ay nilapitan niya ako. Masama ang kutob ko dito kaya humakbang ako patalikod. Sana walang pader o malayo ang pader.  Pero tae! Nacorner niya ako.

"Starting today, you're officially my fianceé. And I don't want you out of my sight." he said and looked at me straight in the eyes.

Nalunok ko ang aking laway ng wala sa oras. Nangangatog na din ang aking mga binti. Nakakainis siya!

"Mr. Avellino, hindi mo obligasyon na bantayan ako. I can be fine without you. At tiyaka hindi ka ba tutol sa kasalang ito? Pustahan pa tayo, mas gusto mong maging single kesa ikasal." sabi ko at nagcross arms. Ayokong ipakita sa kanya na naiintimidate ako, mas lalo lang niya akong aasarin kapag ganoon.

He chuckled. At mas lalong inilapit ang kanyang mukha sa akin. Duh. I know him for pete sake. Top 2 Bachelor here in the Philippines. Bali-balita ang mga babaeng nalilink sa kanya. Sino bang hindi mabibighani sa ganitong lalaki?! Pero magkamatayan na, ayoko sa kanya.

"My dear, you don't know me yet. And whatever or whoever I want, it'll be mine. And that includes you. SO-YOU-ARE-MINE." he said with finality.

My left eyebrow raised. Aba! Mukhang nasa alanganin ang kalayaan ko. Tch.

Umalis ako sa pagkakacorner sa kanya. Tiyaka nakapameywang.

"Mr. Avellino, walang nagmamay-ari sa akin. Kaya huwag na huwag mong masabi na iyo ako. Pwede na ba akong pumunta sa aking kwarto?"

"Nope. Di pa tayo tapos. Marami pa tayong dapat pag-usapan." nakangisi niyang sabi.

I rolled my eyes in annoyance.

"Sige. Bilisan mo. Mag-aayos pa ako ng gamit ko." iritado kong sagot.

"Tomorrow, it's first day of your work. Sabay tayong aalis. Sabay din tayong uuwi."

"What? Pwede akong magcommute. Ayokong may inaabala na tao. Napakapossesive mo naman." alma ko.

"No way. I don't want my fianceè to commute. No more buts. Second, I'll announce publicly about our marriage."

"Hold that thought. Di maaari. Ayokong pagkaguluhan ng media. Isipin mo ang social life ko. Magugulo lang dahil sa'yo. Ayoko. No. No. And no."

Ginulo niya ang kanyang buhok at bumuntong-hininga. Psh. I think I'm your worst beautiful nightmare, Mr. Bachelor. And I'm glad that I am.

"Okay. Kung ayaw mo. Thus, kapag may lumalapit na lalaki sa'yo, I'm sorry. They'll be in hospital or straight to the cemetery." seryoso niyang sabi.

The hell! Bigla ko siyang nasapak sa braso. Napakapossesive niya putcha! Talagang hindi kami magkakasundo nito. Ayos din naman sa akin para di matuloy ang kasalan. Gusto ko pang maglibot sa buong mundo. At hindi ang lalaking ito ang puputol sa kalayaan kong gawin iyon.

Nanatili akong tahimik habang nakamasid sa kanya. Di ko ipagkakaila na isa siyang hulog ng langit. Oo. Pinupuri ko siya sa pisikal niyang anyo. Kaso sa ugali, di ko matantiya. Huwag niyo nga lang pagsalitain kasi baka bawiin niyo rin.

"Next, I'm giving you a month to know me and vice versa. After that, tuloy ang kasal. Nobody can stop that."

"I can." I whispered.

"I heard something."

"Wala. Hangin lang 'yon." walang gana kong sabi.

"My dear, you can't escape from me. And of course, I won't let you."

"Mr. Avellino-"

"Call me Grey. Masyado kang pormal. Let's start to get to know each other. Wala namang mawawala, di ba?"

Langya. Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito?  Dapat makausap ko na ng masinsinan sina Mama at Papa. Sa lalong madaling panahon!

Fall or Fool For You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon