PROLOGUE

178 7 1
                                    

"Ma ano ba?! Ba't niyo inilalabas ang mga gamit ko?" natataranta kong tanong.

"Aalis ka na dito sa bahay." seryosong sabi ni Mama.

Nanlaki bigla ang aking mga mata. Taena!

"Bakit? May nagawa ba akong kasalanan? Malinis naman ang school record ko ha. Di naman ako rebelde, basagulera o nagdudroga. Mama naman eh." paliwanag ko sabay hampas sa kanyang mga braso.

Tiningnan niya lang ako saglit tapos ay inutusan na naman muli ang mga katulong na ilabas ang aking gamit. Ugh! Di ko naiintindihan ang nangyayari dito. What's happening? Ni hindi man lang sinagot ni Mama ang tanong ko. Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok si Papa. Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyugyog ang kanyang balikat.

"Papa. Pinapaalis niyo na ako? Ayoko pa po. Papa pigilan niyo si Mama." pagmamakaawa ko.

"Naku anak. Huwag kang mag-alala. Titira ka naman sa isang mansyon. At syempre kasama ang mapapangasawa mo. Wala kang kasalanan pero mayroon ka ng pakakasalan." natutuwang sabi ni Papa. Kitang-kita ang pagkinang sa kanyang mga mata.

Mas lalong lumaki ang aking mata. Putcha! Ako? Ikakasal? Hindi maaari. Hindi pwede. Ang bata ko pa.

"Papa. Nababaliw na ba kayo?! 22 years old pa po ako at ikakasal na? May mga pangarap pa akong gustong matupad tulad ng pag-akyat ko ng Mount Everest o di kaya'y pagpunta ko sa Mars. Tch. Tangina!" histerikal kong sabi.

"Bibig mo Nissa. Masasampal kita ng wala sa oras." sita ni Mama at pinanlakihan ako ng mata. Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras.

"Di kami baliw. We just want what's best for you. Di din naman kami pupulot ng bastang-bastang lalaki. Trust us." Papa assured.

"Pero Pa." pinutol na ni Mama ang aking sasabihin.

"Walang pero-pero. Aalis ka dito. Tutal naman na sa tamang edad ka na para magpakasal, eh di na namin to pagsisisihan."

Padabog akong umalis sa aking kwarto at pumunta sa sala. Nakapanghalumbaba akong umupo sa sofa. Kainis! Sino namang ponciong pilato ang nakita nila Mama at Papa? Langya! Ito ang unang beses na nagkaganito sila. Why all of this a sudden?

"Hi." isang baritonong boses ang aking narinig.

Umangat ang aking tingin. At. . . Punyemas talaga!

"Are you Nissa?" he asked. Dahan-dahan akong tumango. He flashed a smile and lend his hand for a shake hand. Nag-aatubili akong tanggapin ito but I had no choice, magmumukha siyang tanga kapag di ko ito tinanggap.

Nakarinig ako ng mga yabag galing sa itaas. Sina Mama at Papa na siguro iyon. Bumaba sila at bineso ni Mama ang lalaki sa aking harapan saka nagkamay sila ni Papa.

"O Grey. Andito ka pala. Ready na ang mga gamit niya. Pwede na kayong umalis." giit ni Mama.

Ginawaran niya ng ngiti sila Papa at Mama. "Ganoon po ba. O sige." sagot ni Grey.

Bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga at bumulong. "You're so beautiful my dear. Can't wait to get married." pilyo niyang sabi.

Naestatwa ako sa aking kinauupuan. Di ako makapaniwala. I'm going to get married to him?! To Mr. Grey Avellino?! Naku! Nananaginip ba ako ng gising o naghahallucinate sa oras na ito? Amputcha!

Fall or Fool For You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon