Few days later, naging LoL Addict na ako.
Level 28 pa lang ako nun and yung lagi ko lang kalaro is my older brother, classmates, and tropa sa comshop.
And since medyo naging OA ako sa pagiging LoL Player, sumali ako sa mga LoL groups kasi maghahanap ako ng mga bagong kalaro.
Napansin ko sa group na umuuso yung mga LoL-themed na timeline covers. Napagisipan kong gawan sarili ko. So yun, gumawa nga ako at aba'y ang taray ng lola niyo!
Ipinost ko pa sa group ng LoL PH Lounge! Di ko din alam kung bakit pero I posted it saying na gumagawa ako ng ganon for free. Tanyeta~ Pinutakte ng comment tapos lahat pa sila nagmamadali! Haistzxc! Di naman nila ako binabayaran!
Anyway, moving on...
Meron isang member dun na nagawan ko, and he was mocking me na baka naghahanap lang ako ng followers sa Facebook. EKSYUTH ME, di uso sa'kin yan 'teh! Pero kapal din ng feslak ah, nagpagawa siya ng cover! Hehe. Ginandahan ko nga para wala siya masabi. Amazed pa siya sa gawa ko. Tangnamo. Hihihi.
And here, may isang guy na PM ng PM sa'kin about sa pinapagawa niyang cover. I just told him to wait kasi nasstress ako dahil nga ang daming nagpapagawa. Tanga ko ba naman, sa sikat na group pa ako nagpost diba? And ayun, nung nagawan ko na siya, sobrang naappreciate nya yung ginawa ko para sa kanya. I felt good that time kasi siya palang nakakaappreciate in an OA way. Oo, OA talaga yung pagpapasalamat nya. Paragraph pa nga e. Pero sa totoo lang, kinilig ako kase napansin nga yung effort ko. Hehehe.
At abaaaaaaa'y sobrang bait pala ng lalaking ito! Biro mo, tinulungan pa niya ako imanage lahat ng nagpapagawa ng timeline cover sa'kin. Kakilig ha. Kaw koya, lumalandi ka haa. Pero kinikilig naman talaga ako. Hihi. Ehhh ayun, bago ko ituloy yung pagkakilig ko, I kinda stalked him sa facebook to see what kind of a person he is; kung malandi talaga itong lolo niyo kasi if so, hindi ko na siya papatulan. May nakikita akong pictures na fansign na ewan tapos ang sweet ng mga comment nya dun, tapos nagcomment pa yung friend nya dun sa cover photo na ginawa ko 'landi mo pre'
naisip ko tuloy... 'ay.'
Nabitin ka? HAHAHAHA. Ano expect mo? Yan lang naman talaga naisip ko e.
So ayun. Daily naman nya ako chinachat sa Facebook and I only reply with short sentences like,
"okay"
"cge"
"ha"
"ano"
"ty"
tapos minsan smiley lang. Oo suplada talaga ako. Heh. Di ko siya gaano kakilala kase. Natatakot ako mainlove baka ako na naman talo. Ang bilis ko kase mahulog.
Kaso lang ang bait talaga ng lolo mo.
BINABASA MO ANG
Just Another Love Story
Teen FictionJust Another Love Story is inspired by a true love story. I hope you enjoy! Please vote and subscribe :)