C H A P T E R O N E

95 0 0
                                    

CHAPTER ONE

Levington Elizalde's POV

Nakatambay ako ngayon sa park. Bigla na lamang akong ngumiti sa mga alaala na naiisip ko ngayon. Siguro naman naranasan niyo na rin yan. Yung bigla na lang kayo ngingiti kase may naalala kayong maganda.

"Levy!"

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Lumingon ako at nakitang papalapit sakin si Bea.

"Good Morning." ngiti ko sa kanya.

"Sorry kung late ako ah? Narinig ko kase sa radyo yung balita tungkol sa concert ng One Direction. Hehe. Oh ano? Tara na!" aya nya. Kahit kailan talaga tong Bea na 'to. Idol nya kase yang One Direction. Tsk.

Di naman ako tatambay ng basta basta sa park pag first day. Yep. First day of classes. Ang totoo kase, hinintay ko si Bea para sabay kaming pumasok.

Hindi kami. Unfortunately.. Naging habit lang namin yan. Kung may pupuntahan kaming dalawa, maghihintayan kami dito sa special spot namin para sabay kami.

"Uy Levy. Sabi ko tara na. Nakatunganga ka dyan o." winagayway niya yung kamay nya sa harap ko.

Tinawanan ko siya. "Tara na. Baka ma late pa tayo nyan."

Habang naglalakad papuntang school, kinwentuhan ako ni Bea ng mga..uh.. fangirl updates niya. Nakikinig naman ako kahit papano. Bigla na lang siyang nanahimik at tumingin sa kapaligiran habang nakanta ng mahina.

Napangiti ako sa kinakanta niya. Kahit mahina yan, syempre rinig ko pa rin. Katabi ko kaya siya.

" Your hand fits in mine

like it's made just for me

But bear this in mind

it was meant to be.

And I'm joining up the dots

with the freckles in your cheeks

And it all makes sense to me."

"Yes naman! Galing galing talaga ng best friend ko!" cheer ko sa kanya at pinisil yung cheeks nya.

Tumawa sya ng mahina. "Nambobola ka nanaman e. Pasensya. Wala kong piso." biro nito.

"Ang korni mo Bea. Tsaka totoo naman kase."

"Hay nako Levy. Lokohin mo sarili mo." sabay belat nya sakin.

"Oo na sige na. Pa-hug na lang." I spread my arms out.

"Eh! Ayoko nga! Catch me first! Haha!" sabi nya at kumaripas siya ng takbo.

"Ikaw talaga! Halika ka nga dito! Baka masagasaan ka!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig dahil takbo lang siya ng takbo habang natawa.

"Hahaha! Ang bagal mo Levy!" lalo niya binilisan yung takbo niya.

"Hinahamon mo ko ah?" bulong ko't napangisi ako. Lalo ko rin binilisan ang takbo ko. Buti na lang sumasali ako sa mga running marathons.

Makalipas ng ilang minuto, mukang napagod siya at bumagal ang kanyang takbo. Nung makalapit na ko, bigla siyang nadapa kaya nataranta ko. Binilisan ko at nasalo ko siya bago pa man siya bumagsak sa lapag.

Mukang na shock nga itong si Bea at di maka imik. Naka tingin lang sya sakin na may mukang gulat na gulat.

"Bea.." bulong ko.

"Uy..okay ka lang?" nakatingin lang siya sakin.

"Bea naman. Magsalita ka naman. 'Wag mo kong takutin ng gany-" di ko natuloy ang sasabihin ko at bigla na lang akong binatukan.

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon