C H A P T E R T W O

42 0 0
                                    

CHAPTER TWO

Beatrice De la Vega's POV

Di ko alam ang pumasok sa isip ni Levy at pinapalayo ako dun sa Park na yun.

New student lang naman siya. Nagpakilala lang sa harap. Ni hindi ko pa nga nakakausap 'yun e!  Hay nako. Minsan tingin ko nagiging paranoid na siya masyado.

At kanina sa first period? Sabi niya "She's mine". Excuuuuuse me! Hindi naman kami ah! Oh well. Best friend ko naman yan kaya..oks lang siguro. Nilibre naman niya ako ngayon. Quits na rin sa sinabi kong 'My one and only' sa kanya.

Bakit ko ba kasi sinabi yun? Ayoko sa nga fangirls niya. Nakakarindi po. At baka may dumagdag pa sa kanila. Prevention is better than cure hindi ba?

Baka sabihin niyo na possessive ako kay Lee a? Medyo lang. Mahirap na. Baka agawin sakin ang kaisa-isang best friend ko. Ang dami pa namang umaaligid sa kanya.

Sa gwapo niyang yan? Baka maagaw nga talaga.

"Psst. Bee. Bakit ka tulala?" tanong ni Levy.

"Wala ka na dun." sabi ko.

"Ang sungit naman ni Bee. Bakit nga?" pagpupumilit nito.

"Ang kulit? Wala. May iniisip lang.."

"Si Park ba?" biglang nag iba yung expression ng muka ni Lee. Sumeryoso yung itsura niya.

Kinurot ko siya sa pisngi, "Hm. Hindi naman. Iniisip ko lang kasi kung bakit ang lamig ng trato mo sa kanya e hindi pa nga natin nakakausap." Piningot ko naman yung tenga niya. "Ikaw naman. Ang sungit mo ah?" tinanggal ko yung pagkakapingot ko sa kanya at tinignan ko siya.

"Hindi ako masungit no! Nag-aalala lang." umiwas siya ng tingin.

"Para saan?" tanong ko sabay inom ng tubig.

"Sayo." seryosong sabi niya.

Nabilaukan ako. Muntik ko na maibuga yung iniinom kong tubig. Bakit siya magaalala sakin? Wala naman akong sakit?

"Hinay hinay lang sa pag inom ng tubig! Bea naman!" kumuha siya ng tissue at pinunasan ako. Tinapik-tapik niya rin likod ko. Aba! Nagulat ako sa sinabi niya no!

"Loko ka ah? Nagulat ako sa sinabi mo Levy!"

"Masama bang mag-alala ako para sayo?" seryoso pa rin muka niya.

"Hindi naman sa ganon Lee. Wala ka naman dapat na ipagalala. I can take care of myself." naka ngiti kong sabi.

"Sure ya can." sarkastikong sabi nito. "Bee. You got lost in a mall once." he pointed out.

Grabe naman!

"I was young! And the mall was big! Plus, I didnt know the place!" angal ko. Kailangan ko i-defend sarili ko no!

"Oy Bea. Last year lang iyon."

"Anong pinapalabas mo Levington?" binigyan ko siya ng matalas na tingin.

"A-ah w-wala." nauutal na sabi ni Levy.

"Wala pala e."

Levington Elizalde's POV

"Wala pala e."

Mukhang naasar sakin si Bea. Lagot. Kahit babae si Bea, takot ako dyan.

Isang beses kasi inasar ko siya, at dahil sobrang bad trip niya, pinahabol niya ko sa mga aso nila. Takbo ako ng takbo hanggang maka abot ako sa park. Inakyat ko pa talaga yung punong nakita ko at nag sorry nang nag sorry kay Bea. Siguro naawa na siya, pinakalma na niya yung mga aso pero ilang araw akong di pinansin.

Nadala na ko. Ginawa ko nang minimal ang pangaasar sa kanya simula nung insidente na iyon.

-KRIIIIIING-

"Tara na Levy. Pasalamat ka lang talaga at nilibre mo ko." kinuha ko yung bag naming dalawa at sumabay sa kanya sa paglalakad.

"Hi Beatrice." bati niya kay Bea. Nakangiti pa siya.

Sa lahat ng makakasalubong namin ay 'yang Park Karayom pa.

"Hello." plain na sabi ni Bea.

Lord, salamat po sa kasungitang taglay ni Bea.

"Excuse me," singit ko sa usapan nila. Hinawakan ko yung kamay ni Bea.

"If you don't mind, pupunta na kami ng Bea sa room. Ayaw namin ma-late. First day of classes pa naman." sabi ko.

"Oh. I see. Alright. See you around Bea and..Levington." may hatred yung boses niya nung sinabi niya yung pangalan ko.

Tumango ako at binigyan siya ng ngiting pang asar.

Dumire-diretso kami ni Bea hanggang sa makarating na kami sa room.

"Mainit talaga ulo mo kay Park no?" sabi ni Bea.

"Halata?"

"Ay hindi! Oo halata. Nag-hi lang siya tapos naging possessive mode on ka."

"Sorry. Can't help it." Yun lang yung naiisip kong isagot sa kanya. Ano pa ba dapat kong sabihin?

"Surprisingly, I'm fine with it.." mukang nagulat rin siya ng onti sa sinabi niya.

"Kasi?"

"Nasanay na kasi akong protective ka." explanation niya.

Tumango tango na lang ako. Nag iisip kasi ako ng mga posibleng motibo ni Park Karayom kay Bea. Sabihin nating 'Don't judge a book by its cover' pero iba ang kutob ko sa kanya.

Pagkatapos ng first day ay hinatid ko sina Bea sa kanila at dumiretso ako samin. It's been like that for years.

I went straight to my room. Nilapag ko yung bag ko sa tabi ng study table ko at humiga sa kama.

Tomorrow, mag investigate ako tungkol sa Park Karayom na yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon