two

0 0 0
                                    

Isang taon na kami ni Robby at masasabi kong hindi siya nagbago. He's really persistent! What can I say.... sa ganda kong 'to ba naman ay tignan ko lang kung hindi siya manawa. Hahaha just kidding!

Pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Napakaraming palamuti ng campus ngayon, puro kulay pula o hindi kaya'y pink. Magarbo din kasi magdiwang ang school ng mga ganitong events. Hindi ko lang maalala ang eksaktong pagdiriwang ngayon pero palagay ko'y tungkol ito sa pag-ibig. Napangiti ako sa isipin na kung ano kaya ang pakulo ng aking syota. HAHAHAHA

"Des! Ngiting ngiti ka nanaman sis ha! Nakakaalarma na."

"Ay nako Victoria ha! Tigilan mo ko." Sabay irap ko sa kaibigan ko.

"Eh ano ba naman kasi yung dahilan kung ba't ka ngiting ngiti diyan? Ay baka nadiligan ka ni Roberto ha!" Sabay ngiti ng nakakaloko. Aba!

"Bastos! Stop being nosy, Victoria! Kung ano ano ang nasasabi mo!" Tawa ng tawa ang bruha.

"Gagita! Ew ka Sis! Napakadumi ng kokote mo! Dinidiligan ng pagmamahal kako."

"Eh para saan yung ngiti mong nakakaloko! Halika na nga! Malate pa tayo!" Hinatak ko na siya papuntang room. Parehas naman kami ng mga klase dahil Mass Communication din ang kurso niya.

Parating na kami ng room ng may narinig akong pumutok. Kasabay nun ay ang pagkalat ng kulay pulang...








Confetti?

Isa isang lumabas ang mga kaklase kong lalaki at tumalikod. May nakapaskil na letra sa mga likod nila.

H A P P Y V A L E N T I N E ' S D A Y

Ayun nga! Valentine's ngayon! Ang araw ng mga puso.

At pumarte sa gitna ang mga kaklase ko at pumunta sa gilid. Bumungad ang aking pinakamamahal na boy friend... Si Robby! May hawak siyang illustration board at may nakasulat na

MY LOVE

Merong mga puso at meron pa ngang silhouette ng isang baby Cupid.

"Happy Valentine's Day, my dear Destinee." at inabutan niya ko ng isang boquet ng pink roses. Ang paborito kong bulaklak. Kilalang kilala talaga ako ng lalaking 'to.

"Thank you, Love." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi magkamayaw ang mga kaklase ko, lalo naman ang Victoria. Pinaghahampas ang mga katabi sa sobrang kilig. Sabagay, sobrang nakakakilig naman kasi. Ano pa bang inaarte ko diba?

"Pinakiusapan ko yung prof mo and blockmates na tulungan ako dito sa surprise. I hope you like it, dear. It's not much but I still hope that it made you happy."

"I loved it! Sobra mo kong napasaya. And no surprise is small kung galing naman sayo, dear. Thank you." Niyakap ko siya muli. Ano bang ginawa ko para magkaron ng tulad mo, Roberto?

"You are always welcome love. Oh ayan go to your class na. Kami na ng frat ang maglilinis dito hahaha!" At nawala nanaman yung mata niya. Hays, my chinito man. Hihihi.

"See you later!" Dumiretso na ko sa room namin.

"Ang swerte mo talaga, Destinee!"

"Kung ganyan ang jowa ko, hinding hindi ko na papakawalan."

Nginitian ko nalang sila. Ang mga babae sa block namin ay pinuri ang relasyon namin ni Robby.

Sobrang swerte ko sayo, Robby. Sana hindi ka mawala sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Could Have BeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon