SURVIVE

83 6 2
                                    

This story is a fictional story.
Lahat ng pangalan, lugar, o pangyayari na mababasa niyo sa istoryang ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.LOL

Note:

Hi I'm JohnMBrina obviously ako ang author nito XD.
Sana maenjoy niyo ang kwentong ginawa ko. At sana masatisfy ko kayo.

------------------------------------------------*

                  PROLOGUE

Yes! Makikita ko nanaman sila..
Ang mga makukulit at masiyahin kong mga highschool classmates!! Excited na excited na ako. Hahha
Alam kong magkwe-kwentuhan na naman kami tungkol sa mga experiences namin pagkatapos ng pagiging highschool. Magtatawanan at mag pupurihan tungkol sa mga mukha namin. XD.
Makikita yung highschool crush ko. Pati na din si ex.

Naiilang pa din ako sa tuwing nagkikita kami dahil sa mga di kanis nais na nangyari noon. Actually wala pa rin kaming closure ni ex. Sana magka-ayos na kami.

Nang biglang tumigil ang sasakyan.

"Maam andito na po tayo." Sabi ni manong driver ko. Tina-nguan ko siya sabay ngiti.

"Tawagan lang kita kuya kapag mag-papasundo na po ako."sabi ko, tumango naman siya. Ang bait ni manong.

Andito na ako sa hotel kung saan gaganapin ang Reunion.
Di na ako mapakali dahil makikita ko na ang mga beshies ko!!

Nasa harapan na ako ng pinto ng hotel at umalis na yung driver ko.
Pinag buksan ako ng guard ng pinto.
Andito na ako!! Excited na ako. Grabe gusto ko nang tumalon talon. Minsan lang kaya tu mangyari. Grabe!! Nasabi ko na bang Excited na ako!! Hahha.

Tumingin tingin ako sa paligid ng hotel.

Ang gara!! Grabe natameme ako sa sobrang ganda ng venue. Sino kaya ang nag plano nito. Wow grabe sobrang ganda talaga. O mali lang ako ng punta, ngunit sabi ni manong driver ito daw tung nakalagay sa invitation card , tiningnan ko naman ngayon at oo nga ito nga yun. Grabe!!

Pagpasok ko ng pinto may makikita ka kaagad na dalawang pa curve na hagdan, yung pareha sa mga palasyo sa cartoon na palabas. May chandelier din sa itaas na siguro kasinglaki ng paa ng elepante, ang gara din nung chandelier. May mga mesa din na nagkalat sa buong venue na ang gara din, yung pang debut. Tapos may mga flower vase din na nakapatong doon na maliit. Tapos may mga hanging pa na tela na nakakonekta sa chandelier sa itaas, kulay gold siya o yellow basta colorblind kasi ako. Tapos may tumutugtog pa na magagarang tugtog yung pang mayaman na music yung tipong orchestra. Grabe!! Siguro hindi tu Reunion ang napuntahan ko baka kasal tu o kaya birthday party ng mga billionare o millionaire. Kasi sobrang ganda ehh!!

Ang nasa isip ko lang naman yung simpleng Reunion Party lang. Yung may tarpaulin na nakalagay ' Happy Reunion ' tapos may pansit na nakahain sa may food table, yung mga simpleng pagkain lang, dito imbis na tarpaulin, malaking screen na may nakalagay 'HAPPY 5TH REUNION' at ang mga pagkain sobrang sosyal may pa appetizer pang nalalaman ehh. Kung sa simple na Reunion lang yun diretso main course. Hahah

Hindi naman sa nag rereklamo ako, pero hindi ba masyadong magastos ito, ang gara ehh..

"Charish!!" Bigla akong nakarinig ng babaeng sumigaw ng pangalan ko.

"Huy Charish Guadaloupe Alcover, nakalimutan mo na ako. Grabe ka magtatampo na ako at iiyak dahil nakalimutan mo na a-"pinutol ko ang sinasabi niya dahil ang OA!

"Huy pano kita malilimutan.. Bea Agatha Jazmine?? Hinding hindi kita malilimutan dahil dyan sa ka OAhan mo!!".sabi ko, nag pout ang tukmol sa sinabi ko. Haha.

"Tse!! Minsan na nga lang tayo magkita tapos ganyan ka pa!"tampo niyang sabi.

"Hahaha, biro lang naman ang cute mo parin walang pinagbago.."sabay pisil ko sa kanyang pisnge, tapos ngumisi naman ito na parang naka jackpot. Hahaha

SurviveWhere stories live. Discover now