Chapter 6: Ally or Foe

41 0 2
                                    


Charish POV

"Charish gising!! Aalis tayo!!"

Ano ba!! Gusto ko pang matulog!! Pero no choice napag usapan namin kagabi na aalis kami dito at magtatago sa kung saan man, para di kami mahanap nung Lucifear na yun..

"Oh. Eto na." Sabi ko.

Hindi parin ako makapaniwala na namatay kahapon ang dalawa naming kasamahan.  Bakit ba kasi kailangan na mayroong mamatay. Gusto kong maghiganti sa Lucifear na iyon, pero mas mabuti nang magtago kami baka kami pa ang sumunod. Oo naduduwag kami. Dahil alam namin na kapag magsisimula na naman ang laro ni Lucifear, wala kaming laban.

So its means that magiging tupa kami, magiging daga kami na tumatakbo palayo sa predator namin dahil takot kaming mawala.
Lahat ng tao gustong mabuhay ng MATAGAL.

"Guys!! Bangon na dali!!" Sabi ni Jm.

Nakabangon na kaming lahat at lumabas na ng building.

Pagkalabas namin ng building ay chineck namin kung kumpleto kaming lahat. Baka may kinuha si Lucifear sa amin kagabi.

"Ahm guys nasaan si Nicole?" Tanong ni Ken sa amin.
Siya kasi yung nagche-check sa amin kung kumpleto kami.

"Guys?? Nasaan si Nicole?" Ulit ni Jm.
Ngunit wala ni isa ang sumagot.

"Sinong nakakita kay Nicole?" Sabi ni George.
Wala parin ni isa sa amin ang sumasagot.

"Guys?!? Ano ba?!? Sumagot kayo!!" Sigaw ni George.

Hindi ko din alam kung nasaan si Nicole. Di ko din siya na nakita.
Ano bang nagyayari nasaan na kasi siya.

Baka.. No no no this can't be happen. Alam kung buhay pa siya.
I can't afford to lose one of us!!
Nicole nasaan kana kasi.

Nag aalala na din ang iba naming kasamahan dahil wala si Nicole.

"Nasaan na kasi yun?!?" Sabi ni Thun.

"Guys baka..."

"No at hindi iyan mangyayari ok?!?" Pinutol ni George ang sasabihin ni Aina.

Nasaan na kasi siya..

"Guys andito na ako!!" Sigaw ni Nicole.

Hay nako!! Pinag-alala niya kaming lahat. Akala namin kinuha siya ni Lucifear!! At masaya pa talaga siya ha!!.

"San ka ba galing?!? Pinag-alala mo kaming lahat!!" Sigaw ni George kay Nicole.

"Alam mo bang fifteen minutes ka naming hinanap?!?"sigaw ulit ni George.
Woahh!! Grabe fifteen minutes agad iyon. Di ko napansin ang oras ahh..

"Ano ba kayo naligo lang ako at nag-ayos. Huwag maging praning. Ok??" Sabi ni Nicole.

You b*tch anong hindi ma- praning. Sinabi niya talaga iyon.
After na mamatay si Jyle at Bella nang magkasunod. Sasabihin niyang huwag kaming ma-praning?!?

"Nicole!! After all those killings kahapon!! Sasabihin mong huwag kaming maging praning?!?" Sigaw ni Thun sa kanya.

"Tss." Inirapan lamang siya ni Nicole. At alam kong gusto na ni Thun na sapakin si Nicole.

"Well ngayong andito na ako alis na tayo.." Sabi ni Nicole habang naka crossed-arms.

"Nicole ba't ka ba nagtataray ha?!? Kami na nga tong concern sayo!!! And please Nicole mag seryoso ka naman!!!" Sigaw ni Thun sa kanya.

"Ehh ano bang pakialam mo ha!!
Masama bang maligo at mag ayos?!? Ay. Tama nga pala bakla ka nga pala.. MADUMING BAKLA!!" sigaw ni Nicole kay Thun at dinuro-duro pa ito.

SurviveWhere stories live. Discover now