Siya

10 1 0
                                    

Sana ako na lang sya
Syang sa puso mo nagpapasaya
Syang hatid sayo'y ligaya
Syang parati mong kasama

Palaging bukambibig mo sya
Pati yata sa pagtulog, sya'y iniisip pa
Sya na lang lagi sa tuwina
Yan tuloy di ka makatingin sa iba

Pansinin mo naman ako
Ako na naghihintay sayo
Ako na lagi lang nasa likod mo
Ako na lihim na nagmamahal sayo

Kaibigan mo lang ako
Pero di yan ang tingin ko sayo
Siguro nga ay traydor ako
Dahil ako'y may gusto sayo

Di naman ako umaasam pa ng iba
Malaman mo lang ay okey na
Pero naisip ko, wag na lang pala
Baka mamaya lumayo ka pa

Masakit man pero totoo
Matagal na 'kong nagtitimpi sayo
Kase naman pansinin mo na 'ko
Nang hindi ako nagkakaganito

Pero wala eh, nandyan sya
Kuntento ka na at masaya
Sayang di mo nakikita ang iba
Kahit pa nasa tabi mo na

Okey lang naman ako
Kuntento na rin ako sa relasyong ito
Relasyon nga bang matatawag to?
Ah basta, sapat ng kaibigan mo ako

Mahabahaba na rin ang nai-type ko
Mahaba pa sa panahong binibigay mo
Sana naman mabasa mo to
Itong lihim na damdamin ng akala mo'y kaibigan mo.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon