Ayoko nang kausapin ka.
Ako'y nasa alanganin na.
Ayoko nang kilalanin ka.
Baka di na makaahon pa.Sa loob ng buwan na lumipas,
Katapanga'y biglang lumabas.
Ngunit kailangan nang umiwas
Ngayong tanaw ko na ang wakasSalamat sa b'wang ibinigay
Na nagpalaho sa'king lumbay
Kahit paano'y nakasilay
Ako sa mundo mong makulayPipilitin nang magpaalam
Ipipikit ang matang hilam
Iwawaksi ang dinaramdam
Nakuha na ang inaasamIsa lamang ang panalangin
Taos puso itong hiniling
Ligaya mo sana'y dumating
Yung wala ka nang dadainginAyoko nang makaabala
Kaya't ako ay lilisan na
Nawa'y maging masaya ka na
Sa tila bago mong ligayaWag mo na akong isipin pa
Sapat na sa'king masaya ka
Bagay naman kayong dalawa
Sana'y makausad ka na ngaIkaw ay kanyang tutulungan
Na makabangon nang tuluyan
Hindi man ako ang dahilan
Nariyan sya, di ka iiwan
![](https://img.wattpad.com/cover/123594015-288-kbfaaf3.jpg)