Naglaglag ako ng limang piso sa coffee vendo sa convenience store na pinagtatambayan ko. Hindi ko hilig magkape pero dahil sa tinetake kong course ay napipilitan ako. 80% akong gising at 20% lang ang ginugugol ko sa pagtulog. Medyo sadista si gago.
Di lang naman pagkakape ang habol ko ngayon, inaantay ko si Ate Maige na nakabase sa Australia at naisipang umuwi ng Pinas. Nagtapos ito ng course na Fine Arts sa UST kaya naman maraming nakapilang kompanya sakanya nang gumraduate. Dun nga nya naisipang magtrabaho aa Australia at di nagtagal ay nagtayo na ng sariling negosyo roon. Sa ngayon, eh masasabi mo na talagang di na sya mareach. Pero sobrang pasalamat ko sakanya kase tinutustusan nya ang pag aaral ko.
Mukhang mapapatagal pa ang pagdating ng asungot na yun kaya naglusot ulit ako ng barya sa machine. At napansin kong mas binigyang pansin ko pa ang introduction ang ate ko kesa sa protagonist which is ako. So eto na nga yun.
Mercenary Santana ang pangalan ko. Sin nalang for short. I currently taking up BSArchitecture at Inday Malaybalay University. Di ko din alam kung bakit ganyan ang pangalan nyan. Siguro ay kasalukuyang tinatawag ng founder ang maid nya nung nagmimeeting sila para sa pangalan ng university. Syempre kwentong kutsero lang yun. Anyway, nothing much to say about my features. Just a typical teenager? Medyo maitim nga lang. Kaya yun na yun
*TIIIIWTIIIIWTIIIIW* puno na yung kape
Dinampot ko na yung cup nang may humampas sa likod ko.
"Araaaaayyy!!!" shit. Lapnos ang balat. Hinipan ko ang nasaktan kong braso at dahan dahang lumingon sa hinayupak na gumawa Ng karumaldumal na paghampas na yon. And that hinayupak is my Ate.
"Gandang pasalubong nun ahh. Made in Australia ba yun?" -________-
"Oo, Sin. Nako ingatan mo yung hampas na yun ah?? Priceless yun." =)))))
"Huwaw!! No thanks. Shit ka talaga. Po."
"Ayos ahh. Ano bang flavor nyang kape mo? Itigil mo na yan at pinapaikli nyan ang pasensya mo. Kainin mo upo at nang matutong mangOPO"
"Ikaw naman kase, ginagawa mong tricycle ang eroplano. Makauwi ka dito. Sa Cubao ba inuuwian mo? Eh kung pinangkakain nalang natin yung pinamasahe mo diba?"
Iba na talaga ang rich. Hahaha.
"Oo na. Dami mong sinabe. Tara na dali. Kung bakit naman kase lumipat pa kayo ng bahay. Maisipan nyo eh no."
"Late reklamo. 2 months na tayo jan. Engot ka lang magtanda ng daan."
"Oo na. Di kita bigyan ng Tous Les Jours Cake jan ehh."
"Labyu te. Tara na. Daliii."
Palipat lipat nga kami ng tinitirhan. Masyado kasing maselan si mama. Gusto paiba iba ng environment. Palibhasa eh nasa menopause stage na kaya madiwara. Kung tutuusin ay may tamang dahilan naman. Ayaw namin syang maging malungkot. Minsan na namin syang nakitang umiyak. Malalaman nyo yun sa mga sumunod na chapter. Ayaw nya ring tumira sa malalaking bahay kahit na may pinagawa na si Ate sa Pangasinan. Para sakanya, walang kwenta ang mataas na kisame kung nilulukob naman ito ng depression.
Hangga't maaari ay pinararamdam namin sakanyang kumpleto kami para kahit papano, makalimutan nya ang mapait na alaalang yun.
Sinamantala na namin ang pagsasama naming tatlo. Halos buong gabi lang kami nagtawanan. Di na namin namalayan ang oras. 11PM na.
"Ayy shoot!!! Ate. Maaga pa pala ko bukas. Simula na ng pasukan ehh."
"Ay ganun ba? Napahaba yata ang throwback. Osya. Bago ka matulog magligpit muna. Walang exemption no." :P
"Ano ka ba Ge, nag aaral ang kapatid mo. Hayaan mo nang matulog yan dahil bukas ay di na naman nya mayayakap ang kumot at kama nyan." :)))
"Haynakoo. Kung di lang dahil sa request ni Mama. Sige sige. Matulog ka na."
Kj talaga netong ate ko. :P
...
"Oyy Sin! Kumain ka muna anak bago ka pumasok. Alam mo namang bawal kang magpalipas ng gutom diba? Tara muna dito."
"Ma. Late na po ako. 20mins na lang po oh. Kakain nalang ako sa school. Wag kayong mag aalala. Di naman siguro ako aatakihin ng sakit ko."
"Naku anak! Ilang beses mo nang sinabi yan. Tsk. Sige na nga. Mag ingat ka ha?"
"Opo Ma. Kayo na po bahala muna kay Ate Ge. At mukhang may jet lag" nagmano ako kay mama.
Lumabas na ko ng bahay at sinuot ang sapatos.
Napansin kong may door mat sa kabilang unit katabi lang ng amin. Parang kahapon lang ay bakante yun. Magmula ng lumipat kame ay walang nakatira dun. Pero ang sabi nila may may ari nun. Madalang lang mag stay. Hmmm.. Ano kayang naisipan ng may ari at umuwi dito?
"I wanna lay you down in a bed of roses~ For tonight aaayy sleep! ON A BED OF NAAAAAILS!! OOOOH I wanna be just as blablabla blabla Lay you dooooown on a bed of roses!!! OOOOOOOOOHHHH!!!!"
What the? Anong problema ng misteryosong kapit bahay namin? May sapak yata. Frustrated Bon Jovi?? May pinagdadaanan siguro. Nakalimutan pa ang lyrics -_____-
Shooot!!! No time to be curious about it. Late na ko!!
Nasa tren na ko. Buti maluwag luwag ang napasukan ko. May bakante ding upuan. Kaya umupo na ko. Mahirap na maagawan pa ko.
Nang malapit na ko bumaba nakaramdaman ako ng pang aasim ng sikmura ko. Shit. Nagsisimula na.. kinapa ko yung gamot ko sa bag. Hinalughog ko na pero wala talaga. Shit naubusan yata ako. Bibili nalang ako saDrugstore na madadaanan ko.
"Paparating na sa Recto Station. Paparating na sa Recto Station"
Nagmadali na kong lumabas.
Humanap ako ng malapit na drugstore.
"Excuse me Sir, may malapit po bang mercury drugs dito?"
"Ayy Ne. Andun pa sa kabilang kanto."
"Ah sige salamat po."
Naknang! Kung bibili pa ko baka di na ko umabot sa unang klase. 10 mins na kong late. Mamaya na nga lang.
Tumakbo na ko papasok ng IMU. Shiiiiit. Si Panot na mukhang minion pa naman ang first period. Grabe pa naman magbigay ng pressure yun. Sakanya ko naranasan ang minor subject na dinaig pa ang major sa sobrang demanding. Ilang beses ko na kaseng naranasan sakanya na malate. At kapag late may advance quiz ka. Dahil sakanya muntik na kong magsummer class. That old hag. Hayy..
"Oh Sin! Magkaklase pa din tayoo Baaaks!! Nagmamadali ka ahh. Nakoo!! Ang swerte mo wala pa si Maam Gineta. Kung hindi--" putol ng salita ng besti ever kong si Ginny.
"Hoy, pahara hara kayo sa daan. Ikaw Mercenary Santana, namumutla Ka. Kumain ka." sermon ng kababata din naming si Jid. Jacob Dylan Tomaque. Since elem magkaklase na kami kaya alam ko na baho nyan. Dejoke. Mabait sya. Sya nga ang pinakamabait na nakilala ko. Sa sobrang bait ang sarap ingudngod sa pader. Bully, mamboboso, nakuu!! Kung ano kinapogi yun ang kinagago. Pero wala akong nabalitaang niligawan nya. Although maraming babaeng dumidikit sakanya, he is not a womanizer. Wala syang pinatulan.Di kaya bading tong kababata ko? Sayang lahi! At ang pinagtataka ko architecture din ang course na kinuha nya samantalang journalism talaga ang hilig nya. Pero Masama talaga ang pakiramdam ko. Nanlalambot ako masakit ang sikmura ko at meron pa ko. Diko na alam. Parang.... parang...
"Oyy Sin, okay ka lang? Namumutla ka ahh? Baka naka--"
Wala na kong naintindihan sa sinasabi ni Ginny. Everything went black. Ang huli ko na lang alaala ay para akong lumulutang~
...
आप पढ़ रहे हैं
Doctor Fortune Cookie
रोमांसI, Mercenary Santana, had a bad luck waiting for me in the future, which is based on my fortune cookie. I don't care. I never believed in that fvckin cookie. And so I thought. Not until I met this frustrated singer and a cookie-believer Kyrk Lee. Oh...