Chapter Two

8 0 0
                                    

"Ms. Zamora, can you give me a sentence that shows illocutionary speech act?" sabi ni Ma'am Constantino.

Tumayo ako, para sagutin ang tanong ni Ma'am. "Please love me back." I answered. A plain sentence that I secretly dedicate to someone special.

Ma'am Constantino chuckled, "How can you prove that your sentence shows illocutionary speech act? Would you mind?"

"Ma'am, as you said, illocutionary speech act is where we do acts such as promising, stating an opinion, making predictions, commanding, as well as requesting to be performed by means of speaking." sagot ko, at umupo na.

Sa wakas, last subject na. Puro english kami ngayon eh. First subject, 21st Century Literature. Second, English for Academic Purposes and Profession. Third, CulSoc. Lastly, Oral Communication.

Yes, four subjects lang per day, pero wag kayong ano dyan, tig-2 hours per subject.

Matapos ang ilan pang paliwanag ni Ma'am Constantino... "Ms. Zamora, sana naman wala nang ibang meaning yung sentence na binigay mo sa amin kanina."

I'm a bit shocked, pero nabawi ko din naman ang reaction ko at ngumiti. "That sentence is just a plain example, Ma'am. No hidden meanings." I just hoped na hindi halata ang pagsisinungaling ko.

"Good, class dismissed."

Inayos ko na ang gamit ko, at inayos ang sarili bago umuwi, ganoon din naman si Aaliyah.

"No hidden meanings..." narinig kong sabi ni Aaliyah sa tabi ko, so I looked at her. "TALAGA BA?! For sure, para kay Zach yon." pasigaw nitong sabi, kaya agad akong natawa.

Tama, para kay Zach nga. Kanino pa ba? He took my heart, my smiles, my words, everything, welcome empty me.

"Ay teka! Oy, Atticus!" sigaw ni Aaliyah sa naglalakad na si Shawn.

Mas trip ni Aaliyah na tawagin syang Atticus, and I? I prefer calling him Shawn.

I saw him looked at our direction. "Tara, sabay ka na sa amin. Since, pare-preho lang naman tayo ng pupuntahan."

Bumalik naman si Shawn sa classroom at hinintay kami, nakasandal sya sa pinto ng classroom.

Nakita kong nasa labas na din ng classroom si Ash, manliligaw ni Aaliyah at kaibigan din namin since Grade 10. Actually, Grade 9 pa lang kami, may gusto na si Ash kay Aaliyah. Nung grade 10 magkakaklase kami kaya alam nyo na, nagkaroon ng something. Ngayon, hindi na namin sya kaklase kasi nasa ibang section sya.

"Ang bagal nyong kumilos dalawa, promise." sabi naman ni Ash, at umirap na parang babae.

Sinamaan naman ni Aaliyah ng tingin si Ash. "Nang-iirap, grabe ka, bakla ka talaga. Jutay na nga, bakla pa."

So ayun po, ano? Nag-aasaran na naman sila.

Agad akong lumapit kay Shawn at tinapik sya sa balikat. "Oy Shawn, tara na."

"Mukhang mas gusto mo akong tawaging Shawn, binibini."

I smiled. "Yeah, actually."

"May bago pala tayong kasama, hindi na third wheel si Alesh." sabi ni Ash habang nakangisi.

Tinaasan ko nga ng kilay, napakapapansin talaga. "Hindi naman ako third wheel, ngayon lang naman, kasi absent si Ralph."

If you're asking who Ralph is, he's a gay friend and classmate. Absent sya ngayon kasi nasa Quezon Province dahil Death Anniversary ng lola nya doon, at mamaya pa daw gabi ang uwi, kaya makakapasok na naman sya bukas.

The Aftermath of Chasing Zacchaeus 🌠Where stories live. Discover now