(ALESSIA'S POV)
"Hi KK!" tawag ko kay Zach at tumawa ng tumawa.
Nagkunot lang sya ng noo, at nagtatakang tumingin sa akin.
"Adik ka ba, Alesh?" tanong nya habang nagtatakang tumingin sa akin. "At bakit ba KK tawag mo sa akin kanina pa?"
Kinalma ko muna ang sarili ko, tsaka ngumiti. "KK, Kapal Kilay!" at tumawa ulit.
Para akong baliw na tawa ng tawa, may paghampas pa ako sa pader sa sobrang kaligayahan.
Ang cute talaga ng kilay nya e, ang kapal.
"Tss." nawala ang kunot sa noo nya. Bigla syang tumingin sa akin at sya naman ngayon ang tawa ng tawa.
"Well, if I'm KK, then... you're KT."
Parang tanga rin minsan 'tong si Zach eh.
Tinaas ko ang kilay kong hindi naman kasing-kapal ng kanya. "Which means?"
"KT, means..." lumapit sya sa akin at kinurot ang pisngi ko. "KAPAL TABA! HAHAHAHAHAHAHAHA!"
- - -
"Beshung.""ALESSIA!"
Nagising na lang ako sa pagkatulala dahil sa sigaw nitong bestfriend kong si Aaliyah. Minsan gusto ko na lang talaga takpan ng tape bibig nito e.
Agad akong tumingin sa kanya, "PROBLEMA MO?!" pasigaw kong sabi at agad na tumawa. Ganyan talaga kami.
"Alam mo bang halos matuyuan na ako ng laway kakasalita dito kanina, pero guess what?" dire-diretso nyang sabi. "Nakatulala ka lang dyan sa may pinto."
"Sorry, may naalala lang." ngumiti ako ng mapait.
"Kung si Zach na naman, please lang bes, tama na." nag-aalalang sabi sa akin ni Aaliyah. "Masyado ka na mabulag sa sobrang pagmamahal sa kanya bes!"
"Hayaan mo na lang." sabi ko, at naglakad papunta sa upuan ko.
Agad syang tumawa, at sumunod din sa akin. "Kaya nga hindi mo napapansin--"
"GOOD MORNING CLASS!"
Napatigil sa pagsasalita si Aaliyah dahil nga dumating na si Ma'am Garcia, ang adviser namin.
May isang lalaking pumasok sa classroom, siguradong hindi sya galing sa ibang section. Hindi sya pamilyar sa kahit sino sa amin.
"Before we proceed, I would like you to meet your new classmate." inakbayan ni Ma'am ang katabi nyang lalaki. "Feel free to introduce yourself to everyone."
A transferee. Agad itong ngumiti. "Magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si Shawn Atticus Rain Lavigne."
Yaaaaay! Anong trip ng magulang nito? Ang haba ng pangalan nya.
Sinenyasan sya ni Ma'am Garcia na umupo. Mukha namang disente at matino itong si Shawn at mukha ding masayahin dahil mula kanina pagpasok hanggang sa kasalukuyan ay nakangiti sya ng malawak.
"Hey, dito ka na umupo sa tabi ni Alesh." nakangiting sabi ni Aaliyah.
Katabi ko si Aaliyah sa right side ko, pero dahil bakante ang upuan sa left side ko ay doon na sya pinaupo ni Aaliyah. Wala naman sa akin yon, actually.
Shawn smiled at us. So, I smiled back to him. Ayoko namang ang maging first impression na naman sa akin ng isang tao ay mataray.
"So, class, please read the story Low Art by Margaret Atwood at page 31. I'll be back, the Principal called us for a meeting." ngumiti si Ma'am Garcia. "Mr. Zacchaeus Timothy, as the class president, I'm giving you my trust okay?"
YOU ARE READING
The Aftermath of Chasing Zacchaeus 🌠
किशोर उपन्यासIs this chase worth it in the end? Or will I chase forever?