Exo's slow internet connection

7.9K 365 153
                                    

Nanggagalaiting pinipindot ni Tao ang kanyang phone. Pano ba naman kasi, bukod sa super lag ng phone niya, super tortol din ng internet "UGGGGHHH! BAGAAAAL"

"Nak alin ang mabagal?" tanong ni Suho.

"Yung internet! Nag uupload ako ng selca ih! "sagot nito sabay pout. Nagtaka naman si Suho sa mabagal na net. Mahal ang ibinibayad niya sa internet dahil 10,000 mbps ito. Agad namang tinawagan ni Suho ang kinauukulan at nagreklamo.

Napansin ni Tao na halos lahat ng members ay hawak ang kani-kanilang gadgets. Napagtanto niya na ang dahilan ng tortol net ay maraming gumagamit ditey "Pwede ba! Mamaya na kayo mag internet. Iuupload ko lang tong selca ko sa weibo!" he rant.

Napalingon naman dito si Dyo "Hindi ko nagnnet. May katext lang ako"

"Not me. Surfing the net is not my style" epal ni Kris. Naihilamos ni Chanyeol ang kamay sa mukha niya. Naririndi na kasi siya sa not my style ni Kris.

"Tangina! Ano ba talagang style mo?! Bawasan mo nalang kaya yang baba mo!" inis na sabi nito.

Naitapon naman ni Baekhyun ang kanyang laptop dahil nagulat siya sa sigaw Chanyeol "Utang na labas naman oh! Kung magsisigawan kayo huwag ditey" Busy kasi siya sa online shoppe niya. Marami ang nagoorder ng eyeliners sa kanya.

"OHH OHHH" banggit ni Sehun.

"WOAW WOAW WOAW" saad ni Kai.

"Uy anu yan anu yan? Sali ako" natigil si Luhan sa paglalaro ng temple run dahil sa di kanais nais na ingay galing kina Kai at Sehun.

Napansin ni Tao na kanina pa kurutan nang kurutan ang tatlo at panay ang tawanan. Nilapitan niya ito "Hoy! Itigil niyo na nga yan. Kaya bumabagal ang net eh. Isusumbong ko kayo kay umma"

"Umma umma, puta eh ang laki mo na. Umma ka pa nang umma jan"pagtataray ni Kai.

"Edi sorry! Ano ba kasing pinapanood niyo?!" nagdadabog na sagot ng panda.

"YADONG BAKET? MANONOOD KA?! HA? MAKAKITA KA LANG NG DIBDIB NG BABAE TINATAKPAN MO NA MGA MATA MO EH. SHOO SHOO!" Dagdag ni Sehun. Biglang uminit ang ulo niya sapagkat hindi siya maka concentrate sa pinapanood niya.

Hinayaan nalang ito ni Tao. Napabaling siya kay Suho na kanina pa naglalakad pabalik balik sa sala "Umma ano daw sabi? Ang hina pa ren ng net ih"

"Yun na nga ih. Nagbayad naman ako. Di naman nila tayo pinutulan. Di ko alam kung bakit mabagal" Kunot na kunot ang noo nito dahil sa problema.

"Teka lang guys, akong bahala" nag open ng bagong tab si Lay at saka tinype ang "troubleshooting and fixing slow internet connection" pero dahil nga mabagal ang net, hindi naman nagload yung sinisearch niya. Kawawang Lay nag effort pa naman siyang magtype. Halos limang minuto siya dun dahil paa ang ginamit niya sa pagtype, tsk.

"Ay leche! Ayan na, buffering na samen. Leche naman oh! Andun na sa climax e!" pagdadabog nina Luhan, Sehun at Kai.

"Check niyo kaya ang connection ng router. Baka hindi na-plug na mabuti o kaya naman sira na ito" sabi ni Chen. Natigil ang buong sanlibutan sa sinabi niya. Hindi makapaniwala ang kanyang mga kasama.

"Oh gosh. Ulitin mo ang sinabi mo Chen!" mabilis na sabi ni Xiumin. Minsan lang kasi magsalita si Chen na may sense kaya gulat na gulat ito.

Pinalibutan nila si Chen at agad naman siyang nagwonder kung ba't siya pinalibutan ng mga kamiyembro niya. Naisip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit siya pinalibutan. Una, baka may dumi siya sa mukha. pangalawa, baka pogi siya. pangatlo, baka gusto nilang makita ang dancing skills niya. At pang apat, baka nalaman nila na siya ang tumanggal ng plug ng router sa outlet.

"Okay okay. Oo na guys, ako na ang may kasalanan. Eto na oh, isasaksak ko na ulit"

Okay bye, kahit sabaw yung ending. Namiss ko lang talagang magupdate dito hahaha!
Winterized

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO'S SHOWTIME ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon