EXO's Fliptop

23.3K 762 290
                                    

P.S. Wag kang magalit kung nilalait ko ang bias mo. Tulad mo, mahal ko sila at sana maintindihan niyong joke lang ito. Nothing personal :) peace on earth.

So here it goes: Suho-> Kai-> DO-> Chanyeol-> Baekhyun-> Sehun-> Luhan-> Kris-> Tao-> Lay-> Xiumin-> Chen-> Suho

Suho:
Shet kkamjong, bakit ba ganyan ang iyong kulay?
Ni hindi kita makita tuwing brownout sa bahay
Sa sobra mong itim ako'y naduduling.
Pwede ka nang mag iwan ng fingerprint uling.

Kai:
Magalit ka na't tawagin akong gago
Pero di ko matiis, mata mo'y parang sa kwago
Kahit ganon pa man ika'y aking mamahalin
Sapagkat ikaw lang ang tinitibok ng puso't damdamin

DO:
Sabi ni baekhyun si Yoda ay iyong kamukha
Punyemas, oo nga! Di maiwasang kami'y mamangha
Ewan ko kung saan nanggaling ang iyong tenga
Sa sobrang laki lahat kami'y napapanganga

Chanyeol:
Sabi nila'y ika'y bakla
Pero oo nga, isa ka ngang bakla
Paggamit ng eyeliner ay iyong itigil
Mukha kang patay, ako'y magpapa-vigil

Baekhyun:
Tanging "s" na lamang, di mo pa mabigkas
Pero kung saamin grabe ka makapintas
Kahit si luhan hyung sayo walang ligtas
Kung makadikit ka sakanya parang walang bukas

Sehun:
Sa buong buhay ko akala ko ikaw ay manly
Pero sa horror house kulang nalang ika'y umihi sa panty
Ako'y naiinis sa matinis mong mga sigaw
Kaya't bilhan mo nalang ako ng bubble tea ngayong tag araw

Luhan:
Mahaba man ang iyong chin
Sa EXO M ikaw parin ang leader namin
Try nating tabasin gamit ang cutter
Para di ka na nila asarin forever

Kris:
Sa unang tingin ika'y nakakatakot
Di ko magawang sa harap mo'y mangulangot
Ngunit ako pala'y mali at ako'y nagsisisi
Isa kang bakla di na kita bibilhan ng gucci

Tao:
Ano bang meron sa bahay ng lola ni baekhyun?
Di ko maatim na may alien akong hyung
Tanong ko lang, hyung may utak ka ba talaga?
O sadyang wala kasi makakalimutin ka.

Lay:
Di ko alam ang dapat kong sabihin
Dahil inaamin ko ako'y makakalimutin
Ang alam ko lang ikaw ang aming dakilang hyung
M-ma - – uhh, shet ano ngang sunod dun?

Xiumin:
Grabe Chen wala akong masabi, ika'y tunay na lalaki
Sa boses mo palang tumitili na ang mga babae
Pero utang na labas kumain ka ng marami
Sa sobrang payat mo para kanang half human at half zombie

Chen:
Kahit uminom ng cherifer ay walang resulta
Tanging sa malalapad na insoles nalang ika'y umaasa
Suho hyung wag kang magalit sa akin
Pero gusto kong sabihing height mo ang nagpapasaya sa akin


Hi @tinoona, my bff in the kpop world! Tinulungan niya ako sa paggawa nito. Read her poems it's daebak! Di ko alam kung fliptop ba to o tula. Jejejeje pero sana nagustuhan niyo ♥ Sobrang hirap kaya gumawa nito lalo na't kailangang magkarhyme X'D

Winterized

EXO'S SHOWTIME ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon