"I can't feel home anymore, I just see two people living at a house."
Hindi ako mahilig sa mga banda noon pero mahilig ako sa mga music. Ayoko sa mga lalaki noon kasi natatakot ako na kapag nag-invest ako ng feelings ay mawala lang sila agad at iwan ako gaya ng ginawa ng aking ama sa aking ina.
Pero simula nung nakilala kita, nagbago ang lahat.
Napanuod kita sa isang program sa aming unibersidad. Nakapolo ka pa na kulay asul, mukha kang normal pero para sa akin nagmistulan kang bituin noong gabi na yun. Kumikislap ka habang kumakanta para sa lahat, ang daming aliw na aliw sayo at isa na ako doon. Nalaman ko na Ezreal pala ang pangalan mo.
Alam mo kung mababasa mo man ito, gusto kong sabihin na nakakainis ka. Nakakainis kasi bakit ang pogi mo pero napakagaspang ng ugali mo? Nag-away tayo noon dahil nakita ko kung paano hindi mo pansinin ang mga kababaihan na nagbibigay sayo ng regalo. Sinigawan kita, napahiya ka sa lahat ng tao sa sinabi ko na, "Alam mo ang pogi mo sana kaso yung ugali mo ang pangit!" Galit na galit ka noon. Ang mga ibang estudyante naman ay kinuhanan ng bidyo ang ginawa ko saka ipinakalat sa isang blog sa Internet.
Hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Nakalagay kasi sa mga comment nung blog kung gaano ako pabibo "daw". Sa kasamaang palad, kaklase kita sa pinakapaborito ko pa na subject, Philosophy, noong second semester. Tinabihan mo ako at simula noon, lagi mong pinepeste ang buhay ko.
Mahilig kang magsulat sa isang pilas ng papel ng mga mensahe mo para sa akin. Naalala ko noong nagsulat ka ng, "Puro ios 11 pinaguusapan nila, pero para sa akin pag andyan ka ios na ako ;)" Hindi ko mapigilan ang mapangiti lalo na sa, "Alam ko 18 ka na, kasi ikaw ang 18nitibok ng puso ko 'e." at sa "Anong hayop ang maganda para sa akin? Edi i-cow."
Sa sobrang pangungulit mo, naging magkaibigan na tayo. Mahilig tayong mag-usap kahit walang pasok. Kapag wala kang magawa ay bumibisita ka sa bahay namin at nakikitulog. Pinapayagan ka naman ng mama ko dahil may tiwala daw sayo. Ikaw na yata ang pinaka-corny na lalaki. Mahilig ka sa cliché na movies at clingy ka din sobra. Mahilig ka sa mga date lalo na sa amusement parks pati ang kumain sa kung saan-saan. Tinawagan mo pa ako dati ng alas dos ng madaling araw para lang samahan ka sa Antipolo kasi gusto mo ng Bulalo.
Nagtapat ka sa akin na gusto mo ako. Niligawan mo ako at dumating na sa puntong narealize na natin na mahal na natin ang isa't isa. Naging tayo na, ang daming inggit sa akin kasi mahal daw ako ng isang pogi na tulad mo. Ang dami kong natatanggap na sulat na nagtatangka sa akin, na layuan daw kita at maghihiwalay naman daw tayo bakit hindi pa gawin ng maaga. Ikaw naman lagi mo akong pinagtatanggol, akalain mo napagtiisan mo yun hanggang sa makatapos tayo?
Nakatapos tayong dalawa sa kursong Architecture. Saktong graduation day ay inalok mo akong magpakasal. Hindi ko makakalimutan yun. Isa kang cum laude at sumigaw ka sa speech mo ng, "Hoy Lux, umalis ka nga dyan sa kinauupuan mo." Syempre napanganga ako pati na din ang ibang professors at ang mga magtatapos, "Umalis ka dyan kasi dito ka na sa puso ko." Naghiyawan naman ang lahat dahil doon. "Pasensya na po pero kahit cum laude po ako ngayon, nakausap ko na po ang mga professor na may kakaiba akong pakulo. Hoy Lux, ikaw yung babae na kapag tinitigan ko, napapasalamat ako sa Diyos kasi nag-exist ka sa buhay ko. Ikaw yung babae na gusto kong makita kapag gigising ako at bago ako matulog at katabi ko lagi. Hindi ako kuntento sa buhay ko noon pero simula noong andyan ka na, kuntento na ako. Wala akong magiging ibang babae unless babae ang magiging anak natin kaya will you marry me?"
Tumutulo ang mga luha ko kasabay ng pagtango ko. Ang saya-saya ng mga kabatchmate natin noong araw na yun, puro congrats ang naririnig ko.
Kinasal tayo. Nagkaroon tayo ng trabaho sa magkahiwalay na kumpanya. Nagkaroon tayo ng sariling bahay. Lagi kitang pinagluluto at lagi tayong nagtatawanan. Laging ganun ang setup sa umaga. Dumating ang punto na hindi ka nakuntento sa nakukuha mong sahod kaya nangibang bansa ka. Oo napakahirap kasi sobrang layo mo pero tiniis ko. Nangulila ako sayo sobra.
Hanggang sa nagsawa na ako. Nagsawa na ako sa punto na lagi na lang tayong nag-aaway sa chat at video call. Kung noon hindi ko kayang matulog nang hindi tayo nagkakaayos, nakaya ko na. Para akong nabuhay na isang dalaga ulit kahit asawa na kita. Nawalan ka din ng oras sa akin dahil lagi tayong pagod sa mga trabaho natin at iba ang oras ng bansa kung nasaan ka at bansa ko.
Sa pangungulila sayo, nakahanap ako ng iba. Oo tanggap ko na isa akong malandi dahil sa ginawa ko. Nagkagusto ako kay Ezekiel, ang isang engineer sa aming kumpanya. Kapag pupunta kami sa site ay laging kami ang magkasama. Kami ang napagkamalan na mag-asawa kaysa sa atin dahil sa wala ka. Siya ang pumuno lahat ng kailangan ko habang wala ka.
Umuwi ka bitbit ang isang ngiti pero sinalubong kita nang isang ngiti na nag-aalinlangan kung ipagtatapat ko sayo ang lahat. Tinago ko ang relasyon namin ni Ezekiel. Lagi kaming nagkikita sa tuwing aalis ka mag-isa, lagi kaming magkausap sa tuwing tulog ka na. Lagi na lang tayong nag-aaway dahil sa akin, kasi ang init ng ulo ko lagi o dahil sa hindi na talaga kita mahal?
Nag-away tayo noong araw na yun kaya pag-uwi mo ay may bitbit ka na Jollibee dahil paborito ko ito, pero ako may bitbit na annulment paper para sayo. Nakita ko kung paano naglaho ang ngiti mo at kung paano ko sinaktan ng mabilis ang puso mo. "Bakit may annulment paper?" Sinusubukan mo na ngumiti kahit alam mo kung bakit.
"I'm sorry Ezreal. I can't feel home anymore, I just see two people living at a house. I can't see love between us anymore." Niyakap mo ako. Ngumiti ka habang sinasabi ang, "Oo naiintindihan ko."
Naintindihan mo ang desisyon ko kahit ako ang pinakamali sa atin. Hinawakan mo ang kamay ko, "Pero pwede bang magrequest ako? Pipirmahan ko yan pero can we just act like we are still inlove? Pwede ba na mag-act ka na mahal mo pa din ako hanggang sa maayos na talaga itong mga papel?"
Hinayaan kita sa gusto mo. Bumalik sa normal ang lahat at pinaayos na natin ang annulment paper. Laging may banat ka sa akin sa umaga, "Alam mo sana ikaw si Kath 'tas ako si Paul, so you can Kath-ch me if I Paul." Ang sweet mo sa akin sobra, laging may halik at yakap pero sa huli, aalis pa din ako para makita si Ezekiel. Alam ko na umiiyak ka kapag umaalis ako dahil alam mong pupunta ako sa kanya. Kinayanan mo ang ganoon na setup hanggang sa nakatanggap ako ng email na after 4 days maghihiwalay na tayo.
Lagi mo akong sinasabihan ng "mahal na mahal kita." At mapipilitan ako na magrespond sa sinasabi mo. Lumalabas tayo at kumakain tuwing madaling araw sa mga probinsya dahil lang sa nagugutom ka. Kumain ka pa nga ng mami na 50 mangkok, tawa pa nga ako ng tawa sayo 'e. Madalas kang magtungo sa banyo, naririnig kitang umuubo ng malakas pero hinayaan ko lang.
Nginiti mo lang ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pumunta tayo sa kung saan-saan at nararamdaman ko pa din pala ang saya kasama ka. Nararamdaman ko pa din na mahal kita, na ikaw yung lalaking ayoko ng mawala pa. Sabi ko sa sarili ko ayoko ng ituloy ang annulment, yung araw na sinabi ko iyon ay ang araw bago tayo maghiwalay. Noong araw na yun, nasa bubong tayo para magstargazing. Nakahiga ka sa mga binti ko, nakatitig ako sa mga bituin habang ikaw ay nakatitig sa akin. Sabi mo iidlip ka lang pero bakit wala ka ng pulso? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?
May sakit ka pala. Nagkaroon ka ng sakit habang kumakayod ka sa ibang bansa. Kapag natutulog ka doon ay matagal ka magising kaya naman ay sinubukan mo ang gamot na kung saan lagi kang magigising sa tamang oras. Lumala ang sakit mo na ito at hindi mo sinabi sa akin. Nagkaroon ng side effect itong gamot na iniinom mo. Ito ang dahilan kung bakit hindi ka na nagising dahil lagi mong pinipilit na gumising kahit dapat hindi naman talaga. Nagkaroon ka din ng sakit sa baga dahil sa sobrang pagod.
Iyak ako ng iyak dahil ayokong maniwala sa katotohanan. Mahal na mahal pa din kita. Binalikan ko ang kwarto natin, nakita ko ang isang sulat mo para sa akin. Andoon din ang mga polaroid pictures natin kapag umaalis tayo.
"Alam mo ikaw ang Polaris Star ko Lux kasi ikaw yung nagpapaalala sa akin at parang ikaw ang nag-guide sa buhay ko. Bukas na pala tayo maghihiwalay 'no? Hindi ka na pala magiging akin. Gusto kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal, na walang nagbago kung gaano kita kamahal simula noong kumalat ang video mo na sinisigawan mo ako. Ikaw pa din ang babaeng gustong-gusto kong makita sa tuwing gigising ako sa umaga, bago matulog at kasama sa tuwina. Kapag tinitigan pa din kita, naiisip ko pa din na Salamat Lord kasi binigay niyo 'tong babae na ito sa akin. Mahal na mahal pa din kita Lux, sana maging masaya ka sa lahat ng gagawin mo sa buhay." Binasa ko ito lahat habang tumutulo ang aking mga luha. Gusto kitang yakapin at sabihin na mahal na mahal din kita nang walang halong pagpapanggap pero ngayon wala ka na.
I can't feel home anymore because you're the only home for me.
BINABASA MO ANG
A Home With You
Ficção Geral"I can't feel home anymore, I see two people living at a house."