Kiss The Rain

54 7 6
                                    

A/N: Play the video while you are reading para mas dama. Lol. Hahaha. I don't know kung anong konek nito. Pang-back ground music lang ito. Chos!


-------


Yow. Musta?

Ako? Eto namimiss ka.

Sana... Sana magkita muli tayong dalawa.



Ako si James.


Isang ordinaryong teenager.


Basagulero, palaging nagbubulakbol, mahilig mag-cutting at kung anu-ano pa.


Palagi akong kasama ng mga barkada ko.


Natuto din akong magbisyo.


Ewan ko ba pero simula nung iwan kami nung magaling kong tatay eh parang naging patapon na din ang aking buhay.


Ganun ba talaga? Ewan ko din.


Minsan umuuwi ako ng lasing. Hindi pala minsan kundi madalas.


Ayoko nung tinutukso ako ng mga tropa ko na iniwan kami ng tatay ko at sumama sa iba. Nakakalalaki.


Idinadaan ko na lamang sa inom ang lahat at least panandalian kong nakakalimutan ang aking problema.


"Lasing ka na naman?" bungad sa akin ng magaling kong nanay. Tinabig ko sya dahil nakaharang sya sa daan.


"Eh ano naman?" sumalampak ako sa upuan at itinaas ang paa ko sa maliit na mesang nandun.


"Kailan mo ba balak magtino ha? Hindi kita pinag-aaral para magloko lang" pumikit ako na parang walang kahit anong naririnig.


"Hindi mo ba naiisip ang paghihirap ko para mapag-aral ka lang?" padabog akong umupo at inis na kinamot ang ulo ko.


"Oo na! Ang daming sinasabi" tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko.


"Tabi nga!" tinulak ko paalis yung nakababatang kapatid ko ahil nakaharang sya sa daan.


Sa araw-araw kong pag-uwi yan palagi ang sumasalubong sa akin. Ang maingay na bunganga ng aking nanay. Galit ako sa kanya. Galit ako dahil dahil sa kanya umalis si tatay. Hinayaan nyang umalis si tatay. Dapat pinigilan nya para buo pa din kaming pamilya. Sana masaya pa din kami.


Nagyayang uminom ang barkada dahil kaarawan ng kaibigan naming si Tom. Hindi na ako pumasok dahil nga sa selebrasyong magaganap. Nagkakatuwaan kami nang biglang sumulpot ang magaling kong nanay sa kung saan kasama nya ang nakababata kong kapatid na limang taong gulang.


"Hoy James! Ikaw na bata ka hindi ka na naman pumasok?" sigaw nya sabay hampas sa akin ng bilaong bitbit nya.

Kiss The Rain (Story of A Son)Where stories live. Discover now