IX. What He Is

3.3K 106 30
                                    


What He Is

_____________________

"Hey! Ano't naglulunod ka dito ngayon?" tanong ng kaibigan ni Lenard na si Carl habang nakanguyngoy siya sa bar counter na pag-aari din ng isa sa mga kaibigan nila.

Iritable si Lenard ng araw na iyon. Paano ba naman ay pagdating ng panggulong Nero na iyon sa bahay ng asawa niya ay biglang nakatanggap ng tawag si Paradise. May emergency sa ospital ngayon dahil may nasunog daw na building malapit doon at napakaraming casualties. He even had to drive Dice over the hospital habang sala-salabid ang traffic. Mabuti na lamang at alam din niya ang pasikut-sikot papunta doon kaya hindi sila masyadong natraffic.

As much as he loved the idea of avoiding any confrontations with her half-brother, hindi siya natutuwang mula nang ikasal sila ni Dice ay wala pa silang masyadong panahong magkasama. Paniguradong hanggang umaga na si Dice magdduty ngayong gabi doon kahit kagagaling lang niya doon maghapon.

His wife was the head of the emergency team and Lenard really admired the way how Paradise morphs into her commanding alpha mode when she was in her realm. Sukat sa naisip hindi napigilan ni Lenard na mapangiti kahit na nakasubsob ang kaliwang pisngi niya sa bar counter.

"Luh may nababaliw na, ngumingiting mag-isa" puna ni Carl sa kanya na ngayon ay umiinom na ng alak.

"Shoo wag ka ngang maingay, naiistorbo mo ang pagmumuni-muni ko" taboy niya sa kaibigan who just cockily grinned at him.

"Ano'ng iniisip mo? Babae noh?" biro pa ni Carl sa kanya as he leveled his head in his line of vision. Napakunot ang noo ni Lenard at tinaboy ang mukha ng kaibigan.

Bwisit, panira ng imahinasyon. He mused; he was contentedly imagining Dice's face while she was ordering people around the emergency room. Gusto sana niyang manatili kanina doon, ngunit batid niyang makakagulo lang siya doon.

"Wag mong ginugulo ang pag-iimagine ni Lenard, Carl. Hanggang dyan lang siya ngayon. Balita ko may nasunog na pabrika sa malapit na ospital kung saan nagttrabaho ang asawa mo ah" saad naman ni Hendrix na ngayon ay nasa kabilang panig niya at umorder din ng sariling inumin.

"Asawa? Nag-asawa ka na? Tangina 'tol bakit hindi ko alam?" gulat na tanong ni Carl dito at napailing lang siya.

"Putang-ina mo andun ka nung kinasal ako gago! Yang si Hendrix nagkasal sa amin ni Paradise ko" bwisit na sabi niya kay Carl.

"Ha? Kelan?" nalilitong tanong padin nito, minsan talaga ang hirap isipin na magkapatid ang dalawang ito. Bagama't isang taon lang ang agwat ay napakalayo ng agwat sa personalidad. Si Hendrix ay mistulang tuod na baka lamunin na ang mundo ng parallel universe pag ngumiti, wala yata sa doktrina nito ang pagngiti samantalang itong si Carl ay parang gago madalas.

"Lasing ka non Carl" paalala ni Hendrix sa kapatid.

"Ah! Kaya pala. Uy puta pare! Painom ka naman! Kasal ka na pala! Congrats! Babaha ang alak ngayong gabi!" pagiingay pa ni Carl sabay nalang silang nailing ni Hendrix.

"Isusumbong kita kay Hellene" saad niya kay Carl at sabay na tumingin ang dalawa sa kanya as he chuckled.

"What?! Don't give me those murderous looks Altima bros" ngisi niya sa dalawa

"Kaya ako na mismo ang nagkasal sa iyo sa babaeng ni hindi mo kilala ng lubusan ay para tigilan mo na ang kapatid ko" babala ni Hendrix sa kanya, but Lenard only smirked. John Hendrix Altima was really a scary guy when he wanted to, he almost reminded him of his monstrous brother-in-law, Rigid Razor Montez. In Rigid's case though, he's now tamed by his sister and his niece kaya hindi na masyadong mala-impyerno ang mga tingin nito. Well, Rigid is one of the AFP generals, kailangan naman talagang nakakatakot ito but he was normal around his family. Pero itong si Hendrix, parang mula nang maipanganak yata ay nakasimangot na siya. Ipinaglihi yata ang kaibigan niyang ito sa sama ng loob yung tipong paglabas na paglabas palang niya sa mundo ay nakasimangot ka kaagad.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon