"The Only Thing That Is Constant Is Change ."
― Heraclitus
Tama sila. Walang forever. Lahat ay may katapusan. Lahat nagbabago, napapalitan, nag-iiba. Nothing stays the same.
Alam ko yun. At the back of my mind, alam kong darating ang araw na'to. Akala ko makakayanan ko. Akala ko matatanggap ko. Pero hindi eh. Kahit na alam kong kahit anong araw ay pwedeng matapos ang lahat, umasa ako. For years, I was sure of what we had. Sigurado na ako. Sa lahat ng mga pinagdaanan namin, akala ko malakas kami. I thought we were strong.
Pero hindi pala. Pinaasa niya lang ako. Pinatunayan niya sa akin kung gaano ako ka-ilusyunada. Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin, iniwan niya ako. Sa haba ng panahon na magkahawak-kamay kami, bigla siyang bumitiw. Binitiwan niya ako at iniwan. He ended it all, told me to get lost.
Of course, ang tagal nag-sink in sa akin lahat ng yun. Akala ko nung una pagsubok lang ang lahat. Hinabol ko siya. Mahal ko eh. Sa isip ko, baka nahihirapan lang siya. Baka inisip niyang iyon ang mas nakakabuti, na ginawa niya lang yun para kusa akong lumayo dahil ayaw na niyang mahirapan pa ako. Baka napagod lang siya pero alam ko mahal pa rin niya ako.
Ang tanga ko lang. Ang tanga tanga ko. He told me how stupid I am, a pathetic idiot. Masakit yun, sobrang sakit. Hindi ko alam na pwede pala talagang literal na gumuho ang mundo ko. Sa tuwing naaalala ko lahat, gusto kong umiyak at humagulhol habambuhay. Gusto kong magkulong sa dilim at magpaka-baliw. Gusto ko nang mawala.
YOU ARE READING
Masked with Hatred
General Fiction"Well, when you go don't ever think I'll make you try to stay..."