Thoughts

14 4 0
                                    

Tiim-bagang pinunasan ko ang aking mukha. Inihagis ko ang notebook palayo ng malakas. Hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako. Gabi-gabi. Gabi-gabi kong binabasa ang diary na sinulat ko nun. 

Araw-araw ay pinaaalala ko sa aking sarili ang lahat ng sakit, hinagpis, puot at galit na naranasan ko.

Hindi ako pwedeng makalimot. Hindi. 

Hindi pwedeng isawalang-bahala ko na lang lahat. 

Oo, alam ko nakakasama ang ginagawa ko. Alam ko masama sa tao ang magtanim ng galit. Alam ko araw-araw ko sinasaktan at pinaparusahan ang aking sarili sa isang bagay na wala na. Alam ko.

Pero ayokong makalimutan kung gaano ka walang kwenta ang mga lalaki. Alam ko hindi sila pare-pareho lahat. Alam ko hindi dapat lahatin. Pero bakit? Hindi nga sila ganyan lahat pero halos kadalasan ay hindi sila marunong magpahalaga. Kadalasan naman ganyan ang mga ginagawa nila diba? Halos 90% sa kanila ay mga walang ibang ginawa kindi maglaro. Kapag ayaw na nila sa'yo, itatapon ka lang agad na para bang laruang pinagsawaan na.

Ni walang kahirap-hirap ay iiwan ka lang. Madali lang sa kanila ang mag-take advantage tapos ikaw pa sisisihin kapag hindi ka na nila nagustuhan. Pucha. Akala nila sila lang ang importante sa mundo, na kailangan pagsilbihan at pasayahin. Pucha pa more. Nabubwisit ako sobra.

Well, when you go
don't ever think I'll make you try to stay...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masked with HatredWhere stories live. Discover now