"Balooottttt!!!! Sigaw ni manong pedring. "Aish...nakakainis!! Anu ba yan, ang aga aga pa ehh, nagising tuloy ako. Tulog nga ako ulit". Sabi ko sa sarili ko habang naka smile. Bakit? Napanaginipan ko lang naman kasi ang pinakamamahal kong si...... Pagkain :D
Oo tama ka, mas gusto ko pang managinip nang masasarap na pagkain kesa mga crush crush na yan. At mas gustohin ko pang kumain sa panaginip ko, kesa magising sa katotohan na wala akong makain. Haha. Labo n0? Sige tulog nako ulit... Zzzzzz
-Meanwhile...
"Tahooooo!!!!!
"Isda!!!!!!
Rrrrrrriiiiinnnngggg. Rrriiiiiinnnng. Rrrriiiingggg!!
"Ai! Anu ba yan! Magsisimula na sana akong kumain sa panaginip ko, di pa natuloy." Matulog kaya ako ulit? Hmmmm. Zzzzzzzzzzzzzz.'Tok. Tok. Tok' . (Tunog yan nang mai kumakatok sa pinto. Hehe)
"Sino yan??! Ano ba ang problema mo at ang aga aga mong nambubulabog, huh? Natutulog pa ang tao dito". Sabi ko habang nagpupunas nang laway sa kakatulog. Ang ingay-ingay dito sa lugar namin tuwing umaga. Busy ang lahat para simulang kumayod upang mabuhay. Nakatira ako sa isang paupahan sa squatter na ito."In nah! Gumising ka! Matutulog ka na lang ba buong araw? Hoy! May naghihintay na mga labada sayo dito. Kelangan mo 'tong tapusin para maka bayad kna sa utang mo!"
Landlady ko yan. Mabibilib ka talaga sa laki at ingay nang bunganga nya. Tsk.tsk.tsk .
"Anu ba ang utang ko sayo at ang ingay ingay mu dyan?!" Sigaw ko.
"Aba aba aba! Lumabas ka nga at harapin moko! Kung hindi ka lalabas, gigibain ko itong pinto at kakaladkarin kita dyan! .Omo! @-@. Alas 7 na nang umaga. Alarm clock ko pala ang ring nang ring kanina. Naku, lagot! May mga labada pa pala akong kelangan tapusin para me allowance ako ngayong araw".
Dali-dali akong lalabas, pero...
"Hep hep hep. Akala mo palalampasin ko ang pagsisigaw mo sakin? At ang utang mo, gusto mong malaman kung anu? Di ka lang naman naka pagbayad nang upa sa tatlong buwan". Naku lagot. Sesermonan na naman ako nito.
"Manang Rose, sinabi ko naman sayo na hahanap ako nang may malaking sweldong sideline para makabayad ako sayo. Exam kasi namin ngayong week na'to kaya pass muna please?" Sabi ko with matching pa cute. I need to overcome her cruelty even just now. Exam kasi namin ngayon at napuyat ako ka kareview kagabi. 7:30 ang start nang exam, at 7:15 na ngayon. Patay!
"Manang Rose, jebal 제발 ( please ).....?" Kinorean ko na talaga para madala sya sa pa cute ko. Hehe.
"Hayyy... Naku. Kamukha mo talaga si Strong Woman Do Bong Soon. Kaya lang ang weak mo. Che! Akala mo madadala mko sa pa cute2 mo huh?"
"Ayiiiehhh. Ate Rose.. Alam kong nadadala kana. Pag nakatapos naku nang college, nakahanap nang trabaho at naging mayaman, dadalhin talaga kita sa Korea at ipapakilala nang personal kai Minmin( park hyung sik )".
"Sabi mo yan huh? Tatandaan ko talaga yan". Yes! Success.
"Sure. Promise ko yan" ^•^
"O sige na, maligo kana at baka ma late ka sa exam mo". Sabi ni manang Rose habang paalis na sa front nang kwarto ko.
"Thank you Ate!" Mas okay daw tawagin siyang ate kesa manang. Kasi bata pa raw siya. Hahaha. 45 years old na si manang Rose pero daig pa ang teenager kung kumilig pag nanonood nang kdrama. Mabuti siyang tao, wala nga lang lovelife. Pero nabuhayan siya nang dinownloadan ko nang mga kdrama ang computer niya. Kaya ayon, la na siyang paki sa mga lalaki, kasi daw mai oppa na siya. Hahahaha. At dahil dyan, close kami na parang magkapatid. Not only because pareho kaming walang lovelife dahil mai kdrama, but also pareho kaming walang pamilya. Namatay na kasi si Nanay Tasia, ina ni Manang Rose na nagpalaki sakin. At itong kdrama adik na biyuda ang nag alaga sakin. Masungit sya noon which is hanggang ngayon. Hehe. Peace. Ipinangako ko naman sa kanya na babayad ako sa renta kapag nag kolehiyo ako, kaya ito nga, ang laki nang utang ko sa kanya.
Naligo na ako at aalis na sana papuntang kapitbahay para kunin ang 150 na halaga nang pagpapalabada nila, kaya lang....
" In nah ! Bumalik si manang Rose sa kwarto ko.
"O, bakit manang este ate?
"Huwag mong sabihin na ako ang maglalaba ng mga damit nina Cindy?! Panenermon naman nya.
"Naku, hindi po ate. Ako po ang maglalaba nyan, pagkatapos nang exam ko". Sagot ko sa kanya.
"Good. Ahh.. Anu nga ang korean nang goodluck? Hehe" nakakatawa talaga tong c manang Rose. Trying hard mag korean ehh.
"Haengun-eul bireoyo po. Hahaha" Sagot ko.
"Okay. Haengun-eul bireoyo chingu :* " (해운 을 빌어요 친구)
"Hahaha. Thanks ate. Kamsahamnida" Sabay bow at salute sa kanya. "Alis naku, annyeong".
YOU ARE READING
Two Worlds
FantasyI have had dreams, and I have had nightmares. I overcame the nightmares because of my dreams.