The other side

3 0 0
                                    

In nah's POV
  
   "Naku, ba't ang bagal2 nitong bus, late na ata ako" . Parang iiyak na sabi ko sa sarili.
   "Ahemm... ". Oh, mai TB ata 'tong nasa tabi ko. Kanina pa kasi uubo ubo.   In fairness, he looks like an oppa pa naman. O baka manyakis, kasi nakikita ko sa periphiral vision ko na tingin sya nang tingin sa sakin. Hehehe. Ang feeler ko naman.
   "In nah". Napatingin ako nang tinawag nya pangalan ko. Oh? Kilala nya ko? "Bakit po? " I responded. Parang na jaw drop ako ng tumingin sa kanya. Myghad bess! Ang hot at gwapo niya kasi.
  "Uhmmm.. Nandito na kasi tayo sa school, di kapa ba bababa?"
  "Ai, sorry. Oo nga pala". Magkaklase ata kami pero di ko man lang matandaan. Bumaba na kami at nagmamadali akong naglakad while nakasunod siya.
"Parang lutang ka ata kanina sa bus Masama ba pakiramdam mo?"
"Di naman. Late na kasi ako sa exam". Sabi ko habang nagmamadaling pumasok sa entrance nang school. "Sige huh, una nako". Nag waive ako sa kanya. Ni rerecall ko sa utak ko ang pangalan nya. Di ko talaga matandaan.
"In nah! Galit ka ba sakin?" Bat naman ako magagalit. Di naman kami close.
"Classmates kaya tayo sa Taxation II  and youre not late yet. 7:03 palang. At 7:15 ang exam natin". Sabi ni hot guy. Omo, kakahiya naman. Kaklase ko pala siya. Seriously guys, di ko talaga matandaan mga names nang mga kaklase ko. And speaking of the time. "Ahhh". Napa tap ako nang noo, I thought late nako. Siguro inadvance ko nang 1hour ang relo ko kagabi.
  "Okay ka lang ba? Para kang iiyak dyan. Haha." Wait. Did he laugh at me? Batukan kaya kita? Hmmmp.. Diyan ka na nga. Pumasok nako nang room namin and research for some promo package tour papuntang Korea sa phone ko. Ang tahimik kong mga kaklase kanina biglang nag ingay nang pumasok ang lalaking nakasakay ko sa bus.
  "Hi baby, Cloud, nag commute ka daw sabi nila? My gosh, youre so haggard na". Sabi nang babaeng plert, habang nagpupunas nang pawis ni Mr hot guy. Este, ni Cloud pala. Cloud nine ata full name nito. Ewww.
  "Hi In nah". Tumingin ako sa gawi nya. "What are you doing? Youre so interested to go to Korea? Hey.. Nasa Korea kaya tayo ngayon? " nagpapatawa ba to?
I raise my eyebrows and look at him with a puzzled face. Tumahimik naman ang mga kaklase ko.
  "Wait, I think you sat on the wrong place". Sabi ko sa kanya. Parang sinusundan ata ako nito. At tsaka, wala naman akong katabi ever since auh. At ano bang pinag sasabi nito.
"Huh? Seatmate kaya tayo simula noon. Alam mo In nah, kanina ko pa napapansin na wala ka ata sa sarili. Kung makatingin ka sakin, parang di mo ko kilala. It hurts naman". Sabi nya habang kapa ang dibdib.
  "Sorry, medyo masama lang siguro ang pakiramdam ko". Sabi ko sa kanya, pero di naman totoo. He touch my forehead.
  "Okay naman auh. Parang iniiwasan mo ata ako eh". Sabi niya habang naka pout. Ang cute naman nito, sarap kurutin.
  "Sorry, parang makakalimutin kasi ako lately, effect ata ito nang vitamins na iniinom ko".
"Hahaha. That's okay. Then, may I introduce my self? Ako nga pala si Cloud Stanford. Bestfriend mo". He showed me his smile I've never seen before.
"Oh, ayan na si Ms Gomez. Ready kana ba sa exam? " I look at the teacher. At kumunot ang noo ko.
Wait, di ko talaga siya matandaan. Silang lahat sa school. It's normal for me kasi Im not good with names, and Im not close with anyone, but, it's strange. I have a bestfriend? Seriously,  kahit ang teacher ko, di ko matandaan. ...

Two WorldsWhere stories live. Discover now