Chapter 1

3K 36 0
                                    

Chapter 1

The Beginning

"Come on, Alexa, is that all you've got?"

Nakarinig ako ng sunod-sunod na pang-aasar mula sa mga kaibigan ko pagkatapos iyong sabihin ni Iza, isa sa kanila.

Agad ko namang itinungga at inubos ang laman ng dalawang baso ng cocktail na nasa lamesa na siyang nakapagpahiyaw sa kanila sa tuwa.

My friend's boyfriend's friend, Gio, gave me another shot. Hindi naman ako nagdalawang isip na itungga iyon at ubusin na siyang nakapagpalakas pa ng hiyawan nila.

Ilang sandali pa ay nagkayayaan nang sumayaw sa dancefloor. Nagpaiwan ako dahil nakaramdam ako ng hilo. Para akong mabubuwal at mabuti na lamang ay may nakasapo sa akin kung hindi ay magkahalikan na sana kami ng sahig ngayon.

"Hey, are you okay? Kaya mo pa?"

Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Nakailang shots na rin kasi ako kanina bago ang nahuling tatlo kaya siguro nahihilo na ako ngayon. Inalalayan niya akong makaupo sa sofa at napapikit na lamang ako dahil umiikot na talaga ang mundo ko.

Napamulat ako nang makaramdam na may humahawak sa hita ko. I'm just wearing a crop top and a high waist shorts that expose my belly and legs.

Agad akong tumayo at hindi na inintindi ang hilo pati na ang malilikot na ilaw sa bar. Pinigilan niya naman ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking palapulsuhan.

"What's wrong? Come on, let's have some fun."

Napairap na lamang ako dahil sa nakakadiri niyang ngisi. Iwinaksi ko ang kamay kong hawak niya at lumayo nang kaonti.

"I'm going home, Gio."

"Come on Alexa, I know you will like this too."

Tumalikod ako at nagmadaling lumayo sa kanya. Agad niya naman akong tinawag, na hindi ko na pinansin pa. Humalo ako sa mga taong nagsasayawan hanggang hindi ko na muling narinig ang pagtawag niya sa akin. Napangiti ako nang matagumpay akong nakatakas mula sa kanya.

Gio is handsome, but he's not my type. Makikita mo pa lang sa itsura niya na hindi siya seryoso at puro laro lang.

Hinanap ko na lang si Iza sa dagat ng mga tao para makapagpaalam at makauwi na ako. I'm not feeling well and I think I will pass out anytime soon.

Nahanap ko naman siya sa gitna ng dancefloor pero may kausap siyang isang babae. Lumapit ako at napansin kong mukhang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

"It's not my fault! Ang boyfriend mo ang lumapit sa akin! Bakit hindi siya ang sisihin mo?!"

"You slut!"

Namula ang babae sa galit at sinugod niya si Iza. Natigil naman sa pagsasayawan ang mga tao at pinagtitinginan na ang dalawa. Nagsimula naman nang umawat ang mga kaibigan namin pati na ang kabilang grupo.

Inatake nanaman ako ng pagkahilo kaya aalis na sana ako nang biglang may dumating na isa pang babae at hinila ang buhok ko.

Pinaharap niya ako sa kanya at binigyan ako ng isang sampal sa pisngi na siyang nakapagpagulat sa akin. Nawala ang pagkahilo ko dahil doon. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang nakapagpaatras sa kanya.

In my entire life, no one has ever slapped me! Not even my mother! Inilang hakbang ko lang ang distansya naming dalawa at walang pasabing sinampal ko rin siya ng mas malakas pa sa ginawa niya sa akin kanina.

Nagmarka ang kamay ko sa pisngi niya at mababakas ang gulat sa kanyang mukha. Natahimik ang lahat ng tao dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Natigil rin ang tugtugin sa loob ng bar.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon