Gutom.
Kahirapan.
At hindi tiyak na buhay.
Ganito kami patuloy na nakikipaglaban.
Wala akong magagawa kundi sumunod sa pag-uutos ng gobyerno. Habang naghihintay sa ika apat na palapag ako ng aming paaralan kitang kita ko ang maitim na usok na bumabalot sa kapaligiran. Nakakatakot mang pagmasdan ito ngunit wala na akong mapagpipilian.
Well, buhay ba talaga?
Sobrang baho gumuguhit sa ilong ko ang amoy ng mga naaagnas na tao mula sa taas ng palapag ng kinauupuan ko.
Habang nag hihintay ng rasyon ng makakain may naalala nanaman ako, masusi kong pinagmamasdan ang mga pangyayari sa labas mula sa ika apat na palapag, kitang kita ko, ang mga taong patay na naglalakad, namamaho at higit sa lahat, wala ng kaluluwa. Literal na walang kaluluwa, walang nakikilala walang memorya, wala as in wala.
Nakikita ko ang crowd ng mga patay, isa sa kanila minahal mo, isa sa kanila minahal ka, isa sa kanila pamilya mo.
Ang kaibigan.
Isa rin ako naghahanap at umaasang may makakasama akong kaibigan, pero hindi ko talaga alam ang nangyayari, wala. Wala akong nakita sa evacuation. Sana ligtas din sila at nasa ibang camp lang.
Boyfriend o Girlfriend.?
Boyfriend ba kamo? Hindi ko alam ang nangyari sa kanya, nawalan kami ng communication sa gitna ng apocalypse, Alam kong hindi ganoon ka knowledgeable sya. Kung nasaan man si Earl
sa ganitong bagay, hindi ko alam kung nakasama sya sa mga buhay na nakaligtas.
At higit sa lahat pamilya.
Well, isa ako sa mga nawalan ng pamilya, hindi ko ba alam kung talagang destiny ko na itong kamalasan o sadyang nakadikit saakin ang kamalasan.
Eto ang problema ng mga tao ngayon, ang epidemyang kumakalat, masyadong mapaminsala ang epidemyang ito. Lahat ng iyan ay wala na, kung nakilala mo sila o minahal mo sila noon well, dapat tangalin mo na ang mga nararamdaman mo dahil sila mismo walang naalala tungkol sayo o sa iyong nakaraan. Kahit ako kinalimutan ko na maliban kay mommy. Mahirap man pero kailangan, alam kong hindi na siya iyon, patay na siya at nasa heaven na siya.
Kami nalang ni daddy ang natitira sa loob ng laboratory ng pamilya namin. Kahit ang daddy kong doctor hindi alam kung saan nanggaling at kung papaano ito malulutas.
Tandang tanda ko pa noon , nasa loob kami ng laboratory, akala namin magiging ligtas kami sa kaguluhan, akala namin malulutas namin ang mga nangyayari yun pala hindi, ikapapahamak pala ito ng mahal ko sa buhay.
Para sa ilang may kapangyarihan isa itong form ng pagrerebelde o pagsuway sa kanila, kilala ang aming pamilya sa larangan ng siyensya, ang Daddy ko na si Sebastian Esperanza ay isang scientist, kabilang siya sa 10 na scientist na hindi pumayag sa experiment ng ibang scientist at alam nilang hindi maganda at hindi epektibo ito dahil involved ang buhay ng tao. Nakulong si Daddy ng ilang buwan para lamang sa pakikipaglaban na wala namang napala dahil walang boses kami na mailalabas.
Makasalanan ang buhayin ang patay, hindi mo ito marerevive kahit kailan, kinuha na ito dapat ibalik kung saan nabibilang.
Dahil lamang sa kasakiman at kasikatan na gusto maramdaman, gagawa at gagawa ng paraan ang isang tao.
Ang tanging alam ko ngayon na magagawa ko ay ang Tumakbo ng tumakbo. Smash lang ng Smash ng Head ng mga zombie or that pathetic lifeless creatures . At bahala na ang susunod na mga mangyayari bahala na.
Ayokong Makita syang ganun, ibang iba nakakatakot.
Masakit man isipin na wala na lahat ay infected na. Kasama na rin ang aking mommy. Isa na sya sa kanila. Ang sakit, dahil kahit ako walang magawa noon hindi ko alam ang gagawin, hanggang nayon.
Dahil sa kagustuhan ni Daddy na mailigtas ako, sya nalang ang nagpaiwan sa labas. Tanda ko pa ang kanyang mga sinabi. Tanging dala ko lamang ay isang pabaon na alam kong may memorya ng aking pamilya. Kundi isang singsing na hindi ko alam kung ano maitutulong saakin.
“Tristana, umalis ka na dito bago pa maging isa ka saamin. TAKBO!!! Eto ang singsing wag na wag mo iyang iwawala makakatulong iyan, malalaman mo rin ang tamang pag gamit nito” at habang tumatakbo ako lalo na akong kinabahan dahil alam kong ang susunod na mangyayari.

BINABASA MO ANG
Tristana the Zombie Slayer
AdventureAnong Gagawin mo? Sa pag-uumpisa ng Zombie Apocalypse? Tutunganga? Iiyak? o Tatakbo? Sundan si Tristana sa kanyang paglalakbay sa makabagong mundo. Mahahanap niya kaya ang lunas sa kumakalat na epidemya na kung saan na buhay ang mga patay (Zombie...